DU: W1 Leave

26.7K 488 64
                                    

UNEDITED VERSION PO ITO NG DU. BAHALA KA DAMING WRONG GRAMMARS AT ERRORS DYAN GE BYE.

 BAHALA KA DAMING WRONG GRAMMARS AT ERRORS DYAN GE BYE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


nerdygangster14 for the series 1's cover! Thank you. :)

**********

AMETHYST

"AMETHYST SAPPHIRE AOYAMA! GUMISING KA NA!!!" sabay palo-palo sa akin ng auntie kong amazona.

"Aray naman, Auntie! Maka-palo ka naman wagas. Close tayo teh? Kung oo sorry ah? Di kasi ako nainform." sarkastikong sabi ko sa kanya at inayos na ang higaan ko.

"Wag na wag mo akong masasagot ng ganyan, Amethyst. Pina-ampon ka lang haponeso'ng tatay mo sa amin dahil isa kang sakit sa ulo. Kaya sana naman wag mong dagdagan ang pagiging pabigat mo saamin kung ayaw mong sa labas ka matulog!"

Ayan na naman sya, halos saulo ko na ang mga sumbat nya sa kin. Kasalanan ko bang tinanggap nya ang pagampon sakin? Ulol.

"Oh sya! Pagkatapos mo dyan linisin mo rin ang kwarto ng anak kong si Claire! Pagdating ko dito at ina-aaway mo nanaman ang anak ko. Naku! Papalayasin na kita dito!" sabi nya at padabog na sinara ang pinto.

Ang panget talaga ng ugali ng babaeng yun! Eh mukha naman syang prostitute. Tse.

***************

Habang nilalampasuhan ko ang kwarto ng anak ni Auntie ay bigla namang may tumapon ng juice sa sahig na nilalampasuhan ko.

Putangina.

"HAHAHA! Yan ang bagay sayo, ang pangit mo kasi!" agad akong napalingon sa mukhang palakang itsura na anak ni satanas.

Ngumiti ako para hindi nya mapansing nandidiri ako sa pagmumukha nya ."Kahit nan na matapunan ako ng juice mo maganda AKO! Eh ikaw? Sinilang na nga demonyo pa ang ugali! Pareho kayo ng nanay mo mga mukhang prostitute!" sabi ko sa kanya kaya lumabas ang tunay nyang anyo.

"Anong sabi mo?!" galit nyang sabi at tinapunan pa uli ako ng juice. Mas lalo akong nagalit at tinapunan ko rin sya ng maruming na tubig galing sa balde na ginamit ko pang lampaso.

"AHH! Kadiri!" sabi nya at mangiyak-ngiyak na pinunasan ang damit nyang mabaho.

"Oops! Sorry ha, hindi kasi kita nakita. Kasing height mo kasi si Mahal. Tse!" sabi ko sa kanya at tumawa dahil mukha syang taong grasa.

"Isusumbong kita kay mommy!" sabi nya na parang bata kung makapagmaktol.

"Sige! Sabihin mo! Gusto mo pa ata ay samahan pa kita? At si bes, kung maka-mommy parang may pera. Ulol. Wag mo 'kong jinojoke time, yung bahay nyo hindi na magtatagal dahil mukhang babagsak na." sabay taas ko ng kilay.

"Urghh!!! MA!!!" tapos tumakbo syang ganoon ang itsura sa labas.

Kahit bulabugin nya pa ang mga kapit bahay namin e hindi nya na ako makikita pa. Para sa ano pa ang pagpananatili ko dito kung yung mga kasama ko sa bahay e halos gawin na akong katulong.

Makikitira muna ako sa kaibigan ko si Avah.

Agad akong bumihis para pumunta sa city ng maynila. Nasa probinsya kasi ako ngayon. Nandoon kasi sa city ng maynila si Avah.

Niligpit ko narin ang mga gamit ko at dumeretso papuntang airport. Mabuti at napa-renew ko ang passport ko bago ako mapaampon. May sapat narin akong pera na gastusin ko papunta doon since kumukuha ako ng part-time job sa isang karinderya. Yung pang-enroll ko nalamang ang pinagpro-problemahan ko.

Doon na kasi ako mag-aaral. Matagal na naming pinagpaluhan ni bessy Avah ang pagpunta ko sa maynila. Na-text-an ko na rin si bessy Avah, ibibigay nya nalang ang adress nya.

********************

Nasa Mindanao airport na ako ngayon. Kinuha ko na ang mga bagahe ko at naghintay muna sa flight ko papuntang maynila. Mabuti at maliit lang ang mga tao ngayon. Tuesday kasi ngayon at hindi naman karami ang mga tao.

*brrz brrz*

Biglang tumunog ang cp ko at agad ko itong binasa.

From:"Bessy Avah"

Hoy teh! Ang aga mo naman pinalabas ang totoong anyo ng Clairesifer na iyan. Mabuti naman at nakalayas ka ng walang wings. Oh sya ito adress ko kulay asul ang apartment na tinitirahan ko: City Manila_Block 1412 Kalipay Street. Miss you na bessy Ams!

Haha! Kahit kailan talaga tong si bessy Avah.

To: "Bessy Avah"

Haha! Thank you bessy! Hintay mo ako dyan ha? Miss you narin!

Pagkatapos noon ay tinago ko na ang cp ko dahil tinawag na ang City Manila daw.

Hay, City Manila! HERE I GO!!!

A/N: EDITED! City Manila is still Manila.

Detective University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon