Tama sila. Baka itakwil na ako ng mga magulang ko kapag nalaman nila 'yun. It was just a simple trouble, I guess. Wala naman akong pinatay o sinaktan.

Pinagtangkaan lang nakawan... May tinangay akong bag at nakipaghabulan sa may-ari na isa palang pulis.

Heck. That was challenging! Good thing, I managed to escape. Iniwan ko naman 'yung bag dahil in the first place, wala akong balak na nakawin 'yun. It was just for fun.

"What if, gawin ko ulit?"

Natigilan tuloy ang dalawa sa pag-inom at napakurap-kurap sa akin.

"Iba sa iniisip ninyo na paraan," I chuckled as I noticed them sighed in relief. "Pagnakawan ko kaya ang sarili naming ari-arian? I have no appreciation for art, so... I'll sell some paintings and other antiques displayed in our house. Tulungan n'yo akong magbuhat."

"No-No bitch! I'm out! I can't imagine myself!" histerya ni Jerick.

"Para kaming akyat bahay ni Jerica. Saka, walang kasiguraduhan na maibebenta."

"True! Hindi kami akyat bahay at lalong hindi kargador! Duh!"

I laughed at their objection. Huminto lang ako nang magbigay sila ng alternative na gagawin ko.

"Hiring ng crew ang fast food restaurant na pinuntahan natin nakaraan. Try mo baka may bakante pa," mungkahi ni Kyela.

"Crew? Wala bang manager o supervisor?"

Umiling si Kyela. "Kahit Business Ad student ka pa, hindi ka matatanggap. Ang pagiging crew ang starting point bago ka ma-promote sa mas mataas na posisyon."

"Don't be so demanding, Chen. Grab that opportunity! Part-time job lang iyon, the rest of the hours, pwede ka na mag-boy hunting o magliwaliw,"Jerick convinced.

I pondered their suggestion. Not bad at all. Mas maganda na part-time lang ang kukunin kong trabaho para kung sakaling umabot hanggang next-next week ang parusa ko, maaari kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

I'll be a productive working student!

I hope.


***


Kinabukasan, mas maaga na akong gumising at umalis. I wear a black pencil dress, matching my shining black stilettos and sunglasses. Wala pang alas otso, nakarating na ako sa fast food restaurant na tinutukoy ng mga kaibigan ko.

Malapit ito sa bago kong university. Lalagpasan lang nang kaunti ang Areniego City University, then bubungad na ang restaurant na ito. Malayo man ang distansya mula sa bahay namin, napagdesisyunan ko na rito na branch na lamang mag-apply. At least, after or before class, didiretso na ako rito.

I entered and scanned the place. It's not yet crowded since it's still early in the morning. Wala akong namataan na guard, tanging crew members ang nakita ko. May kaniya-kaniya silang inaasikaso sa counter.

I looked sideways and noticed another crew, cleaning the mess on the table in a swift and gentle manner. Nakatalikod ito sa'kin at tutok sa ginagawa.

"Excuse me?" tawag ko sa kaniyang atensyon. Binitawan nito ang hawak na tray at hinarap ako.

Inalis ko ang aking sunglasses at isinabit ito sa neckline ng dress ko. My eyes blinked twice, and I softly gasped in surprise.

I've never seen a man as devilishly handsome as he is.

Wala akong mapuna sa itsura niya. He has a distinctive look. Plus, he has a lean body and bronze complexion. Ang linis pa niya tignan. I'm so blown away! It's hard to take my eyes off of him!

Getting His Attention (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora