Chapter 47 - A Love That Gives

Začít od začátku
                                    

Ang pagsuko ay nangangahulugan lang na hinahayaan mo nang tangayin ng hangin ang lahat ng pinanghahawakan at ipinaglalaban mo.

Pero hindi ganoon ang buhay. You have to keep on fighting. Kahit napanghihinaan ka ng loob, kahit pagod ka na, kahit ayaw mo na. Hindi titigil ang mundo. Just rest for a while, then do your best again to walk the long mile. Courage is the remedy to this world of cruelty.

Hindi niya ako sinasagot kaya nagpatuloy ako, "Kapag nanalo ka, buong puso ko pang iaaalay ang buhay ko. Patayin mo ako! Kill me, then! Pero kapag ako ang nanalo, ni isa sa mga mahal ko sa buhay, wala kang papaslangin. Ni pahirapan o hawakan. Wala! Hahayaan mo kaming mabuhay. At higit sa lahat, ibabalik mo sa amin ang Magique Fortress." Tila hinigop ako ng lupa pagkasabi ng lahat ng 'yon tuluy-tuloy. Suntok sa buwan ang desisyon kong ito pero hinding-hindi ko na babawiin pa.

Alam kong napakaliit ng tsansa kong manalo sa kanya pero tataya na ako, isusugal ko na 'to. Hindi ko maaaring pairalin ang makamundong kalungkutan ngayon. Kailangan kong lumaban para sa pamilya ko, para sa Magique Fortress.

"You're telling me this even though you know it's impossible for you to win?" Ngumisi siyang malademonyo.

Kahit gaano ko pa kagustong sumang-ayon sa kanya, pinipilit kong maging malakas. I've gone this far. There's no turning back. I am tired to play their games, it's time to struggle for victory even there's only a tad bit of chance.

At least there's still a chance.

Ganoon naman ang buhay, hangga't may katiting na liwanag, iyon ang kakapitan mo. Iyon na lang ang tangi mong mapanghahawakan at huwag ka nang papayag na mawala pa 'yon sa'yo. That's the golden rule of life.

Losing hope is not even an option right now. Iyon ang bagay na pinakaunang itinatak ko sa aking isipan.

"Bigyan mo ako ng tatlong buwan para magsanay. Maghintay ka lang, tatalunin kita Death. I can win! Kaya ko!" Hindi ko ba alam kung sa kanya ko pa ba ito sinasabi o kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko.

Tumawa siyang muli at nagpamaywang, naglakad paikot sa akin, hinahawakan ang aking buhok. "Kahit alam kong mag-aaksaya ka lang ng oras, sige, deal! Seems like Cristine and Death will be a good combination."

Pakiramdam ko ay ga-batong laway ang nilunok ko. I know that his statement was something more. Na ang ibig talagang ipakahulugan no'n ay 'Looks like Cristine's death is a good idea, pakaaabangan ko 'yan'.

"Ibalik mo sa amin si Ellie, kailangan ko siya. At huwag mong sasaktan ang aking ama, pati na ang Royalties, habang ako ay nagsasanay."

He wickedly smile, "Marunong naman akong maglaro, Cristine. Kung iyon ang ikasasaya mo sa mga huling araw mo, sige!" Humalakhak siya at tinapik pa ako sa balikat.

Nilingon kong muli si Val na nakabangon na mula sa pagkakalupasay, may tumulo pa ring dugo sa kanyang kaliwang pisngi. The way he looks at me right now makes my heart go haywire. Ang mga luhang pilit kong pinipigil kanina ay tuluyan nang kumawala.

Gusto ko siyang makasama sa pagsasanay ko. Gusto ko siyang isama. Gusto kong nasa tabi ko siya. Gusto kong sabay kaming lalaban. Gusto kong pareho kaming babangon. Gusto kong siya ang aakay sa akin kapag bumabagsak na ang katawan ko. Gusto kong boses niya ang huling maririnig ko. Gusto kong siya ang makikita ko sa huling pagmulat ng mga mata ko. Gusto kong siya ang hahawak sa mga kamay ko sa huling pagdama at paggalaw ng mga daliri ko. Gusto kong siya ang huling lalapat sa labi ko. Gusto kong siya ang dahilan ng huling pagngiti ko. Gusto kong siya ang kasama ko hanggang sa huling hininga ko.

Si Valentine lang ang simula at katapusan ko.

Natatakot ako nang sobra na baka ito na rin ang maging huling tatlong buwan ko. Na tinaningan ko na rin pala ang sarili kong buhay dahil dito. Hindi ko alam kung handa na ba ako sa huling hantungan. Hindi ko alam kung anong kapalaran namin pero sobrang saya ko dahil dumating siya sa buhay ko. Tapalan man ako ng maraming sakit at pagpaparusa, hindi pa rin nito mapapantayan ang pag-ibig ko para sa kanya. Sobrang nagpapasalamat ako dahil ibinigay siya sa akin. Na nakilala ko siya. Na minahal ko siya.

That I experienced this kind of love. Iyong pag-ibig na nag-uumapaw. Iyong hinding-hindi ka bibitaw. Iyong pag-ibig na higit pa sa pagpapalaya ay dakila. A love that gives. A love that despite all the odds, it just makes everything so worthwhile.

Kahit gusto ko pang hilingin na maging masaya kaming dalawa at bumuo ng sariling pamilya, kuntento na akong hilingin ngayon na ligtas siya. Basta't buhay siya, humihinga, akin nang ikaliligaya.

Kahit huwag na ako. Siya lamang.

Si Valentine lang ang nagparanas sa akin ng sobrang pagmamahal. Pagmamahal na akala ko noon ay hindi ko na makakamtan pa. Itinaas niya ako nang husto. Tinulungan niya ako para maabot ko siya sa tugatog. Sinasabi man niya sa akin palagi na mas mahal niya ako, para sa akin ay ako pa rin ang mas swerte sa aming dalawa. He's everything to me. He's my saving grace. He's my purpose. He's my never-ending. He's the universe.

I will always be that girl who's so captivated by him. I will forever be fascinated with our love.

Lalaban ako para sa aming dalawa. Walang tigil. Walang kapaguran. Parati. Palagi.

Kung kapalaran man naming matuldukan sa ganitong paraan, dahil sa malaking posibilidad na mamatay ako sa pagtutuos namin ni Death, gusto kong malaman niya na babaunin ko habambuhay ang pag-ibig niya. Hinding hindi ko siya iiwan. Kung posible lang ay lagi ko siyang gagabayan.

Hindi ako magsasawang balik-balikan ang pinagsamahan naming dalawa. Sa hirap man o ginhawa, sa saya man o paghihinagpis. Mamahalin ko pa rin siya. Walang katapusan. Palagi.

Banayad ko siyang hinalikan at ang maikling tunog no'n ang namayani sa aking pandinig. Halos malagutan na ako ng sentido sa pagpipigil humagulgol. Pinagbagsakan na ako ng iniimpit kong mga takot kanina. Inakap ko siya nang buong puso. I never uttered a word, but I know that with my embrace, I have already transferred and poured my heart and soul into him. Sa kanya lang ako. Palagi.

Maraming tumakbo sa utak ko. This may be the last time na makikita ko siya. Maaaring ito na rin ang huling pagkakataon na makakasama ko siya. As much as I wanted to cry and cry, I refrained myself from doing it. Kailangan kong ipanalo ang labang ito para maisalba ko ang lahat, si Val, at ang sarili ko. I need to deal with the distance, I need to pause all the pain. To be able to win, I need to take it all in. Whatever it takes, tutupad ako sa aking pangako.

Pinulot ko na ang Gemthell Sword sa kanyang paanan. Ito ang magsisilbing armas ko sa pakikipaglaban. Sisiguraduhin kong matatalo ko si Death dahil dito nakasalalay ang maraming buhay. Tatalunin ko si Death Venomo Syrwon.

'Til we meet again, Valentine.

Ininsulto muna ako ni Death bago niya ikumpas ang kanyang wand. Nagkaroon ng napakalaking portal, at ito ay pabalik na sa MFU. Tinulak niya ako palapit doon.

Bago ako makatagos sa kabila ay narinig ko ang huli niyang pahayag nang wala nang lingunan, "Sa ganap na muling paghihiwalay ng araw at buwan, sa Charmer's stadium, alas-tres ng hapon. Siguraduhin mong handa ka nang magpaalam sa mundo."

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat