11: The Ex?

1.1K 49 26
                                    




Son Wendy. Simpleng babaeng nagaral sa Ontario at nagsipag para makapagtrabaho. Sa pananatili ko sa eskwelahan, akala ko wala akong magiging pakialam kung magisa ako.  Akala ko masayang maging alone. Akala ko okay ang lahat kung ako lang magisa. Akala ko kontrolado ko lahat.


Nakakatuwa daw ako kasama sabi ng mga kaklase ko noong middle school. Madaldal, matalino magisip, sobrang loko, pero ang problema sakin? Hindi ako madaling iapproach. Mahiyain din akong tao at nilulugar ko ang kalokohan

dahil narealize ko na hindi naman lahat ng bagay puro kalokohan lang. Natutunan ko yun nang maggraduate ako ng middle school,  at ngayong highschool, grades ang importante sakin.
Ifefeel ko na ang college life ngayong highschool sa pamamagitan ng pagsisipag. Pero napagtanto ko din,



Eto nga ba ang dahilan ko o tumatakas lang ako?



Sa totoo lang gusto ko talaga magkaroon ng kaibigan. Pero wala akong chance. Wala din akong confidence para magingay sa first day at magrecruit ng kasquad. Isa pa, America ito. Hindi 'to katulad sa Korea na minsan makakaclose mo agad ang buong section. Dito iba. Ang dating tropa, yun lang. Kung transfer ka, saklap. 



Hindi pa ko marunong umadapt ng environment dito kung baga. Hindi pa ko sanay sa gawain ng mga American.

Dahil kung sila, mcdo, ako instant ramyeon.

Pumunta ako sa malapit na Korean restaurant dito sa richmond hill. Magaalas sais na ng gabi kaya napagdesisyunan kong dito maghapunan; magisa, walang kasama. Parang gusto ko umiyak. Ayoko ng ganito. Mababaliw na ata ako.

Naririnig ko ang sizzling sound ng mantika na naglalaro sa plato nang bigla akong nakarinig ng sweet na boses.
"Miss?" Dalawang babae ang nakatingin sakin "TagaRichmond hill ka?"

"Oho." Ngumiti ako. Siguro natukoy niya na dun ako nagaaral gamit ang ID ko.


"Pwede kami makisabay? Park Sooyoung pala ang name ko. Joy na lang po. Hehe." Joy, ang boses niyang parang tagsibol sa sobrang fresh.



"Bae Joohyun name ko naman. Irene na lang." Ngumiti sila at nagbow, pero yung Irene hindi na nagbow dahil sa tingin ko mas matanda siya sakin. Still, dito kami nagsimula. Ang alone na ako na hindi makaadjust sa buhay sa U.S, at ang ako na nagdadamdam sa trato sa asians, at ayaw mapagisa; Wendy. 


Si Joy na lagi laging nagkukwento tungkol sa singer ng richmond na may itsura, si Irene na tawa lang ng tawa sa kwento ko,
Dito kami nagsimula.

Hanggang grumaduate kami, kami kami parin magkakasama.

Pero sa tagal naming nagsasama, hindi man lang nila sakin naikwento kung nagkaroon sila ng boyfriend. O kung ano ang estado nila sa buhay? Basta masaya kami sa bonding namin, wala na kami sa mga issues namin.



Kaya ngayon, hawak ko ang scarf ni Irene, hindi ko alam kung pano ko itatanong ang tungkol sa scarf na 'to. Hindi sakin ito big deal pero parang ganun na din. Gulo ko? Malay ko ba na baka boyfriend niya pala si Mark tapos ako walang kaalam alam sa panlalandi ng lalaking to at sobra na niyang pagiging FC (feeling close). Malay ko ba kung engage na pala sila (sa nakikita ko sa mga dramas) nang hindi ko man lang alam.

69 Shades of Mark [GOT7 Fanfic] (COMPLETED)Where stories live. Discover now