5: The Nonchalant, Protector & Defender

1.6K 74 36
                                    



"She's a btch." I'm not.

"Btch pa sa btchest. Nagpapakachoosy siya e si sir Mark na yun at in the end din naman, gusto niya rin si Sir. Nagpapakakipot pa siya. I don't get it." Hindi ako nagpapakipot.

"Guys hindi ko kilala kung sino yan."

"Tanga, lagi ka kasing outdated. Yung bagong secretary ni Sir na galing U.S."

"American?"

"Korean daw eh. Nagaral lang sa America edi ibig sabihin maarte. Wendy Son pangalan nun. Nakakairita." Hindi naman lahat.

"Very American Name. HAHAHAHAHAHAHA Feeling ko din matatanggal yun dito eh. Ang pokpok WenSlut." If only you're in my place.




#



Noong bata pa tayo, obvious satin ang mga ganitong away. At lahat ng away na yun napapagusapan. Ganun din ang backstabban. Sa middle at highschool, namulat na ang mata natin sa mundong hindi lahat may unicorns at good vibes. Na kung sa paglalaro ng kotse at manika lang tayo sumasaya.
At sa college na nagpapaunahan nang makakuha ng degree at kahit wag nang pakialaman ang iba, mabubuhay na. 



At ngayon na nagtratrabaho na 


ikaw na lang magisa.



Mahirap na para mabuhay ka, gagawin mo talaga lahat ng risks para sa pamilya mo. Ayokong pumasok sa trabahong hindi ko naman gusto. Pero minsan, may mga bagay na mapipilitan lang tayong gawin kasi may gusto tayong iachieve na goal. Gaya ng pagaaral sa eskwelahan na ayaw naman natin, pero gusto natin makatapos. Hindi ba't parang ang gulo?


Kung sa pre school na isang bataan pa ang tropa mo, mid at high school na lagpas daliri pa ang mutual mo, at sa college na bilang pa sa limang daliri ang magiging colleague mo, 

sa tingin ko pag magtatrabaho ka na, iilan na lang talaga yung makakasama mo. Dalawa, Tatlo, Baka nga isa. Pero kung ganoon ka talaga kafriendly, baka lima. Pero hindi mo magiging kaibigan ang lahat.

Baka nga sila pa yung mga nanghuhusga ng hindi pa naman alam ang nangyayari.






Tumalikod ako at huminga ng malalim. Hindi ko inexpect na ganto ang mapapasukan kong trabaho na kung saan lahat cruel.

Dapat pala nagexpect na ko sa worst simula palang. Masyado ko atang pinush sa isipan ko na maganda lahat ng mangyayari sakin dito. And so I thought that would be.


Expectation leads to disappointment.


Bakit nga ba hindi ko naisip yang quote na yan.



69 Shades of Mark [GOT7 Fanfic] (COMPLETED)Where stories live. Discover now