9: His other side

1.3K 58 10
                                    



Ilang oras kaming byumahe matapos ang photoshoot sa studio. Ngayon, nandito na kami sa destinasyon namin para sa commercial. Sa gitna ng gabi. Sobrang lamig.


Napakatahimik dito, at bibihira lang ang kotseng nadaan, siguro ginagamit lang itong GOTvelvet cafe na ito para sa mga byumabyahe pauwi ng Seoul o papuntang Taejeon o sa mga bus na nagtratravel. Sobrang tahimik na ang maririnig mo lang ay ang hangin na pumapagaspas sa tenga mo at ang mga crickets na naguusap sa maliwanag na garden na nasa tabi ng coffee shop na ito.


Kami lang ata ang nakakaruin ng nature aura o nature vibe dito.


"So, ganito ang pagkakasunod sunod." Lahat kami nakapalibot sa director para sa gagawin naming photoshoot. Nakabisado na namin ang mga pagkakasunod sunod ng scene namin kaya't medyo kampante na kami sa mga gagawin. Hindi ko inexpect na wala pala talaga akong sasabihin. Parang mistulang magiging music video lang ito para sakin dahil short clip lang ang commercial na ito. Kaya napagdesisyunan ng director na kami na lang ang umarte at maging kahera na lang si Seulgi. Ang ganda naman ng kahera namin.



Kung nagwowonder kayo kung saan ishushoot? Dito sa Busan. Sa branch na ito, parang bahay lang ang coffee shop at magandang pang relax.
Since na gabi na kami nagshushoot ng commercial, 9pm na at perfect ang lugar para sa magagandang ilaw sa paligid. Parang candy house sa gabi.


"December theme ang gagawin natin. As for Wendy, mag boyfriend kayo. Giginawin ka kasi nga winter. Tapos lalapit si Mark sa'yo may dalang kape. That's simple. You don't have to worry about anything."



Ang cheesy anak nang tinapa.




"Tapos Mark, tatabi ka kay Wendy since na girlfriend mo siya."


"Eto lang ho talaga soot ko?" Sobrang ginaw dito baka magyelo ako tapos ang pinasoot lang sakin, isang patong na sweater? Ngayon palang nararamdaman ko na ang lamig. Hindi ba pwedeng umaga o tanghali na lang ishoot? Kung bakit gabi pa.


"Tiis sa lamig ineng haha. Alright, punta na kayo dun." Kailangan kong bilisan ang acting para makapagpalit na ako.




No choice akong lumapit sa tabi ni Mark kahit sobrang lamig. "Don't be nervous. Madaming take naman eh." he whispered.

"I will." Ngumiti ako sa kanya sa kabila ng panginginig ko dito.




"3, 2, 1, actionnnnn!!"



Pinatugtog ang Moonlight ng GOT7. Hindi ko inexpect na ipapatugtog yun. Maybe para mafeel ko yung presence ng acting. O para mafeel ko yung love atmosphere? Kung ganun man, fit na fit 'to. Malamig na gabi + kape + cold wind breeze = relax.

69 Shades of Mark [GOT7 Fanfic] (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin