chapter 25

202 9 0
                                    

Chapter 25 : Broken




Gilbert POV




Andito ako ngayon sa bar para uminom , gusto ko makalimutan yung problema ko kahit ngayon lang.





Hindi ko akalain na ganto na lang pala matatapos yung relasyon namin ni rowy , ganto pala pag magmahal , ang sakit lang. Kahit saglit lang yung relasyon namin totoo na minahal ko talaga sya. Gusto kong ilaban pero umayaw na sya. Ayts




Patuloy lang ako sa pag-shot ng alak ng may lumapit sakin na babae .




"Hi , handsome wala ka bang kasama ? pwede bang tumabi". Pang akit at malanding sabi ng babae habang hawak ang balikat ko .




Agad ko namang inialis ang kamay ng babae sa balikat ko at iniwan sya magisa. Wala kong balak na patulan sya . Ayts ayoko ng mga ganyang babae ang aarte na ang lalandi pa -.-



Palabas na ako ng bar , dahil di ko na gusto yung atmosphere sa loob ng may bumangga sakin.




"Pre , ano bang problema mo ?" sigaw ng lalaki sakin. Ang kapal ng mukha ng lalaking to para sigawan ako , e kitang kita na sya yung bumangga sakin , hindi pa ko lasing para hindi malaman yun. Isa pa , anong karapatan nyang tawagin akong "pre" e hindi naman kami close .




"Tss -.-" smirk ko , ayoko ng gulo kaya di ko papatulan to pero tatalikod pa lang ako ng biglang...


"wag mo ko tinatalikuran , Gago !"sigaw ng lalaki sabay suntok sakin. dahil patalikod pa lang ako di ko naiwasan yung suntok nya. Napahawak ako sa gilid ng labi ko , nang makita kong may dugo bigla na lang naginit ang ulo ko .




"Gago ka rin !" suntok ko rin sa kanya dahilan para mapaupo sya sa sahig , sabi ng ayoko ng gulo pero dahil sa ginawa nya mukang sa kanya ko pa malalabas yung sama ng loob ko.





Patuloy lang ako sa pagsuntok sa kanya hanggang sa pinigilan na kami ng mga bouncer sa bar.






"Di pa tayo tapos !" sigaw ulet ng lalaki , kapal ng mukha nyang sabihin na di pa kami tapos e duguan na nga yung mukha nya , hindi pa ba sya naawa sa sarili nya , kung hindi lang talaga ako pinigilan , wala na tong mukha .





Agad naman akong pumiglas sa mga bouncer at lumabas na , gusto ko na rin magpahinga .






Rowy POV




Pagkatapos ng klase ay pinauna ko na muna ang mga kaibigan ko umuwi , gusto ko muna magpalamig at mapagisa kaya pumunta muna ako sa park .kelangan hindi nila mahalata na may problema ako , pero kahit anong gawin ko patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko.




Naisipan ko na rin na umuwi , wala ring naitulong sakin yung pagiisa ko , mas lalo lang ako nalulungkot .





Pagkauwi ko sa bahay , andun sila jessie , jasmine , leah at rose sa sala , mukhang may pinaguusapan sila kaya lumapit ako .



"Anong meron ? share naman" masaya kong sabi sa kanila , pero bakit ganun bigla sila tumahimik .



"Ang saya mo ata ngayon?" tanong naman ni leah .


"Ha ? O-oo naman , may dahilan ba para malungkot ?" masaya kong sagot  , pero sa totoo lang pinipilit ko lang ngumiti .




"May hindi ka ba sinasabi samin ?" tanong naman ni rose . Ano bang nangyayari ? Bakit ang seryoso nila ? Alam na kaya nila ?






"T-tungkol saan ?" tanong ko rin .





"tungkol kay gilbert" sagot ni jessie dahilan para matigilan ako .





"Ano na ?" tanong naman ni jasmine . Pero dahil pabagsak na yung luha ko agad ako tumayo at tumalikod .



"Rowy !" sigaw nila .





"wala na kami , break na kami" maikli kong sagot at tumakbo na paakyat sa kwarto ko..







Patuloy lang sa pagbagsak yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan ng biglang may kumatok sa pinto ko .





"Rowy are you okay ?" narinig kong tanong ni rose peo hindi ako sumasagot .






"Gusto lang namin na malaman mo na andito lang kami , hindi kami galit sa nalaman namin". Sabi naman ni leah dahilan para lalo ako umiyak .





"Pag ok ka na , pwede mo i-share samin yan , para mas gumaan naman pakiramdam mo" si jessie.






"Kung nagugutom ka na , lumabas ka na lang tawagin mo ko para sabay tayo kumain" sabi naman ni jasmine para mapangiti ako . Kahit pagdating sa problema pagkain pa rin talaga tong nasa isip ni jasmine.




Hay bakit ba napaka judgemental ko ? Mas inisip ko na magagalit sila sakin . Hindi ko naisip na lagi lang pala sila nandyan para sakin. 





That's why i love my friends. !





****

End of this chapter ..















#TeenClash (The dorky girls vs. The prankster)Where stories live. Discover now