chapter 24

218 8 0
                                    

Chapter 24 : Gilbert's point of view .


Gilbert POV





Kilala ako ng lahat dahil sa pagiging gangster at badboy ko , totoo yun . Mahilig ako makipag away , takaw gulo ba . Ayoko  kasi ng binabangga ako , lalo na pag kinokontra ako sa mga desisyon ko .



Pero syempre sa ibang tao lang ako ganyan . Pagdating sa mga kaibigan ko tahimik lang ako , kung anong trip nila cge lang bahala sila , pero once na may nanakit sa isa man lang samin , alam na ,  lumalabas ang pagkabeastmode ng tropa , kaya magtago na sila.




Last semester nga napaaway kami sa dati naming school dahilan kaya napalipat kami  ngayon ng bagong school . Actually kasalanan naman talaga namin yun , hilig na kasi namin na gumawa ng mga prank jokes , e mga napikon , kaya ayun ! , nauwi sa suntukan , syempre here comes the tropa . "One for all , All for one"



Pero lahat yan nabago simula ng makilala ko sya .



*Flashback*


Nagkayayaan ang tropa na magsm , malapit na rin daw kasi ang pasukan kaya naisipan na rin namin na bumili ng gamit sa school para di na hussle .



Pagdating namin ng sm , hinayaan na namin na si rentz na ang mamili ng gamit , kahit lalaki yun , wise yun pagdating sa mga ganyang bagay .



Samantalang kami ? dahil mabait kami , diretso na kami ng quantum para maglaro ng basketball , yung shooting lang .




Habang naglalaro na ako ng basketball , may isang babaeng tumabi sa kin , mukhang maglalaro rin ata . Pinanood ko lang siya habang naglalaro , ang angas nya , shoot lahat ng tira nya astig , sya rin yung tipo ng babae na walang arte , boyish kumbaga. Humahanga ako sa kanya dahil iba sya sa mga babaeng nakilala ko , karamihan kasi ng mga babae ngayon puro arte lang alam. 




Patuloy lang ako sa pagnood sa kanya ng bigla siya tinawag ng kasama nya at ganun din naman ako , tinawag na ako ng barkada ko , gusto daw kasi nila magvideoke , magwawala lang naman sila sa loob ng ktv ayts talaga naman , mga isip bata.

Pagdating namin sa ktv room ay may nakaaway pa kami , tropa ko lang naman laban sa tropa nung babaeng hinahangaan ko kanina . Di na ko nakialam at ganun din naman yung babae kanina .




Makalipas ang isang linggo ay nakita ko ulet sya , laking tuwa ko na naging kaklase ko pa sya pero mukhang galit ata sya sakin . Nagkasundo rin ang mga kaibigan ko na gumanti sa mga babaeng yun matapos nung nangyari sa mall . Sumang ayon na lang ako sa gusto nila pero hindi ibig sabihin nun gagawin ko yung gusto nila haha bahala sila .




Isang gabi naisipan kong maglakad lakad , mas masarap kaya mag gala pag gabi mas malamig at mas tahimik .





Paliko na ako sa isang kanto ng bigla ako makarinig ng babaeng sumisigaw at humihingi ng tulong. Dahil prankster lang ako at hindi ako masamang tao naisipan kung tulungan yong babae .





Nakita kong hahampasin na ng tubo yung babae kaya agad akong humarang . Hinawakan ko yung dulo ng tubo at tumingin ng masama sa kanila dahilan para magtakbuhan yung mga siraulo, mga duwag pala tss -.-



"Ano miss okay ka lang ?" tanong ko sa babae .



"Gilbert ?!" gulat nyang tanong , aba kilala nya ako , teka eto yung babae na nakita ko sa mall , na classmate ko , na kaaway ng grupo ko .


"Ikaw pala yan ! Kung alam ko lang na ikaw pala yan , sana di na kita tinulungan". Sabi ko at umakma ng aalis.


"Saglit" tawag nya sakin.




Sabi na nga ba e haha tatawagin ako nito , takot lang nya .

.

"Bakit ??" lingon ko .


"Pwede mo ba kong samahan sa drugstore ? Natatakot na kasi ako e" sabi nya . Mukhang nahihiya pa sya pero dahil mabait ako cge sasamahan ko sya pero iinisin ko muna sya .

"ayoko nga !" tanggi ko at tumalikod na ko , kunwari lang hehe

"Kasalanan naman to ng kaibigan mo eh !!" sigaw nya dahilan para mapalingon ako , aba pano naging kasalanan ng kaibigan ko , e mga tulog na yung mga yun ngayon sa oras na toh .

"At pano naging kasalanan ng kaibigan ko ?" tanong ko sabay lapit sa kanya .

"Kung hindi dahil kay james hindi naman magkakasakit si Jessie" sagot nya . hays ano naman ba pinasok ng mga kaibigan ko.

"Halika ka na nga , sasamahan na kita" hila ko sa kanya.

Sinamahan ko sya sa drugstore bumili ng gamot . At hinatid ko na rin sya pauwi para safe , delikado na rin kasi , tsaka para malaman ko na rin kung san sya nakatira .

..

"Pano ba yan ? Bayad na yung kaibigan ko sa kaibigan mo ??" . Biro ko , alam kong hindi naman kasi mababayaran ng ginawa ko , yung ginawa ni james sa kaibigan nya .


"Anong bayad ? Hindi sya sakin may atraso kundi sa kaibigan ko?! Dun sya mag sorry !" sagot nya , highblood naman to masyado .

"ikaw , may utang ka sakin" sabi ko .

"I know ! Utang ko sayo yung buhay ko , tatanawin kong malaking utang na loob yun pero hindi ibig sabihin nun bayad na yung mga kaibigan mo samin". Sigaw nya , ayts kelangan ba talaga sumigaw ? ang lapit ko lang kaya .

"Tss -.-" smirk ko .



"Cge pasok na ko , salamat ulet !" paalam nya at agad na sya pumasok sa loob .

Pagpasok na pagpasok niya sa loob ay agad na rin ako umalis .




*end of flashback*

#TeenClash (The dorky girls vs. The prankster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon