chapter 10

325 14 1
                                    

Chapter 10 :
#Jamssie moment pt.1


Jessie POV


"I love you Jessie"



"I love you too , Oppa"



Magkikiss na sana kami ng biglang


*Boooogsssh*




"Aray !" sigaw ko .




Takte naman ang sakit ng likod ko , kaw ba naman mahulog sa kama.



Tss akala ko totoo na, panaginip lang pala.



Konti na lang eh , malapit na , magkikiss na sana kami ni Lee Jong suk .

Ayts -.-


Pagtayo ko laking gulat ko ng makita ko kung anong oras na .




"What ? 7:50 na ?!" sigaw ko.




Dali dali akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ko magayos , bumaba na ko para mag almusal.



Gumawa na lang ako ng sandwich para mabilis , pagkakuha ko ng tubig may nakita akong post notes sa ref .



"Bhe Jes , nauna na kami tanghali na rin kasi kami nagising e . Ingat sa pagpasok" .



"Okay" bulong ko .




Pagtingin ko sa wrist watch ko 8:30 na pla sobrang late na ko.




Pagdating ko sa school mag aalas nuebe na . Magiisang oras na akong late kaya hindi ko na tinuloy pumasok .




10 o'clock pa ang  next subject namin kaya naisipan ko muna tumambay sa court .




Pagkadating ko sa court thank god at walang naglalaro , umupo muna ako sa isang bench at nagsoundtrip muna habang nagsusulat ng lecture .


Tahimik lang akong nagsasoundtrip ng biglang



*Booogssh*


A/N (sensya na mahina ako sa sound effects haha)




"ouch !" hawak ko sa ulo ko na tinamaan ng bola at napayuko ako dahil sa sakit.



Pagsini swerte ka nga naman .
Parang kanina lang wala naman naglalaro dito ah.




"Miss , okay ka lang ba ??" tanong ng lalaki.





"Ano sa tingin ----  ikaw !!" laking gulat ko nung makita ko kung sino ang nasa harapan ko.






"Ako ?? Bakit parang nagulat ka na nakita mo ko ?" tanong nya na halata naman sa kanya na nang aasar sya.





"Kapal mo !" sigaw ko naman sa kanya.




"Hahahaha hahaha" tawa nya .

Nababaliw na ba toh at tumatawa na lang bigla.





"Bakit ka tumatawa ? May nakakatawa ba ?" Irita kong tanong.




"Haha k-kasi haha ang l-laki ng b-bukol mo sa ulo hahaha" tawa pa rin nya.


Agad ko naman tiningnan ang ulo ko gamit ang reflection ng cellphone ko.



Shet ! Ang laki nga nakakahiya ! Nakakainis talaga .




"Nananadya ka ba talaga ? Eh kasalanan mo toh e . Ni hindi ka man lang marunong magsorry , makaalis na nga." paalis na sana ako ng bigla nya akong hilain .





"Ano ba ? Bitawan mo nga ko !" hila ko sa kamay ko.




"San mo ba ko dadalhin ? Ano ba ?" sunod sunod kong tanong .



"pwede ba Jessie manahimik ka muna ! Pupunta tayo ng clinic". Nagulat naman ako sa sinabi nya.




At pano nya rin nalaman yung pangalan ko eh hindi pa naman ako nagpapakilala.




Pagkarating namin ng clinic agad nilagyan ng bandage ang ulo ko. Hindi ko napansin na nagdugo na pala yung ulo ko.

Hindi naman kasi kita sa reflection ng cellphone e.




"Iha okay na, wag mo muna tatanggalin yung bandage , pag uwi mo linisin mo na lang ulet , pag nakaramdam ka ng hilo magpakonsulta ka kaagad sa doktor" bilin ng nurse.



"Sige po thanks" sagot ko




"Ikaw naman Iho , ingatan mo yung girlfriend mo , masyado napalakas yung bato sa kanya , buti na lang at walang namuong dugo". bilin din ng nurse sa kanya .




"What ?! Girlfriend ?!! Hehe Im sorry but I have to go , Thank you po ulet". sarcastic kong sabi.



Maloko tong nurse ah . Girlfriend ?? Baka ?? Ayts nakakainis talaga .





Palabas na ko ng clinic ng madaanan ko si james sa may pinto.




"Look what you did to me ?? Pagsisihan mo toh !" bulong ko sa kanya sabay death glare .






Napakamalas ko talaga ngayong araw . Hindi na nga natuloy yung kiss namin ni Jong suk oppa tas eto pa nangyari sa kin ngayon.




Tss ..



Hindi na rin ako pumasok .. nagpaalam na lang ako sa mga prof namin na hindi ako makakapasok dahil sa nangyari at pinayagan naman nila ako.



Nakakainis talaga yung lalaking yun , pagsisihan nya toh nakakainis !!!!!



****

Wawa naman si Jessie .

#Jamssie moment muna <3
Nxt ang pov ni James :*



Thanks for reading :)

#TeenClash (The dorky girls vs. The prankster)Where stories live. Discover now