Chapter 20

249 11 0
                                    

Chapter 20 :
"Mga chismosang palaka."


Jessie POV

Kakatapos lang namin magdinner at andito kami ngayon sa sala . Late na pero wala pa rin si rose .

Alam namin na may part time job sya pero sabi nya by 8:00 pm nakauwi na sya pero bakit ngayon wala pa rin sya .


"Late na , asan na kaya si rose.?" pagsisimula ni leah sa usapan.

"Oo nga eh , sabi nya by 8 pm nandito na sya" dugtong naman ni jasmine .



Hay pare-pareho lang din pala kami ng iniisip -.-
Pano hindi man lang magawang magtext na malelate sya umuwi , nagaalala kaya kami .

"Ano ba kayo ? Wag nga kayo nega ! Baka natraffic lang yun, rush hour kaya ngayon." sagot naman ni rowy . Sabagay may tama rin sya rush hour nga ngayon.

"Alam ko na , magmovie marathon na lang muna tayo habang naghihintay kay rose." pagbabago ko sa usapan.

"Cge ba , romantic yung gusto ko panuorin !!". sigaw ni leah , kelangan talaga sumigaw ?

"Horror na lang para may thrill para masaya". tuwang tuwa naman na sabi ni jasmine.

"Ayoko ng Horror !" pagmamaktol naman ni rowy . Ay oo nga pala kahit may pagkaboyish yan takot pa rin yan sa ghost :D

"Korean movie na lang." suggestion ko naman.

"Naku , korean na naman, di naman naten maintindihan yun e." pagmamaktol na naman ni rowy .


"Ang arte mo naman , ayaw mo ng horror , ayaw mo ng romance , ayaw mo ng korean , ano ba gusto mo ?" tanong ni jasmine.


"Comedy !" sagot ni rowy sabay tawa , nagulat naman kami sa reaksyon haha tuwang tuwa lng .


"Eeeeh korean na lang , may subtitle naman yun e." pagmamakaawa ko hehe ganyan talaga pag adik sa korean.

Habang nagtatalo-talo kami kung ano ang papanuorin , bigla kaming nakarinig ng kotseng tumigil sa tapat ng bahay . Agad kaming sumilip sa bintana para alamin kung si rose na yun , pero laking gulat namin ng ..

"Teka ! si Rentz yun di ba ?" nagtatakang tanong ni leah .

"Oo nga , yung leader ng mga kumag na lalaking yun" inis kong sagot , pag naalala ko kasi yung mga kumag na yun nagiinit talaga dugo ko lalo na sa james na yun ayts .


"Pero bakit sila magkasama ?" tanong naman ni jasmine .

"Pssh wag kayo maingay , naguusap sila" bulong naman ni leah .

"Okay salamat sa paghatid , bukas ulet , same time , same place." narinig naming sabi ni rose dun sa kupal na rentz at take note nakangiti pa sya .

"your welcome , cge alis na ko." paalam ni rentz at umalis na.


"Ano bang nangyayari , sila na ba?" tanong ulet ni jasmine.

"Tumigil nga kayo , para kayong mga timang dyan haha" dang kj talaga ng babaeng toh.


Titingin pa sana kami sa bintana ng biglang bumukas ang pinto na naging dahilan para  magtakbuhan kami papunta sa sala at umarte na parang walang nangyari .

"Anong nangyari sa inyo ? bakit nagtatakbuhan kayo ?" tanong ni rose pagpasok .

"kasi naman , Bakit daw kay--asdfghjkl" agad naman tinakpan ni jasmine ang bibig ni rowy at bumulong .

"Di mo ba kayang itigil yang bibig mo kahit for once lang" narinig naming bulong ni jas , bulong ba yun ? e rinig na rinig namin . Ayts talaga naman .

"Huh ano ba talagang nangyayari sa inyo ?" naguguluhang tanong ni rose


"Ah-eh , ah-eh, ah-eh..." sabi ni  jasmine na halatang di alam ang sasabihin .

"Ah eh ??" tanong naman ni rose .

"Ah ano kasi bhe , natatae na daw kasi si jas kanina pa kasi yan kain ng kain." palusot ni leah .


"Ganun ?" nagtataka pa ring tanong ni rose .

"Oo nga bhe , yun nga ! Nahihiya lang si jas sabihin kasi ano -- kakarating mo pa lang tas ano -- yun agad bungad sayo hehe" dugtong ko naman hay sana makalusot.

"ay ganun ba , cge na jas pumunta ka na sa cr" sabi naman ni rose kay jasmine . Yehey mukang napaniwala namin sya .

"Ha ? Ako ? Natatae ?" takang tanong naman ni jas at pinandilatan namin sya ng mata.

"Ahh Oo e , kanina pa sumasakit tyan ko , cge cr muna ko" paalis na sana si jas ng bigla nya kami pinagbabato ng unan hahaha :D

Kawawang bata, sorry jasmine haha atleast napaniwala naten sya .


Rose POV

Haha natatawa talaga ko sa mga babaeng toh , kilala ko na sila halata namang nagsisunungaling sila :D di sila magaling sa ganyang bagay .

By the way nakakapagod din pala magtutor , naninibago rin ako kay rentz ano kayang nakain nun at hinatid pa ko . Kaya rin pala napatagal yung uwi ko kasi naisipan naming kumain muna haba kasi ng traffic kakagutom at take note treat nya ko infairness sa kanya. Papanhik na sana ako sa taas para magpahinga ng biglang nagtanong si leah .

"Di ka kakain bhe ?" tanong nya .




"Busog ako bhe kumain na ko sa labas , pahinga na muna ko" paalam ko sa kanila at dumiretso na sa kwarto .

Haha dang babaliw talaga ng mga babaeng yun , kaya mahal na mahal ko sila e haha

Para lang malaman nila , alam ko kung ano ginagawa nila , mga chismosa talaga :D haha kawawa tuloy si jasmine napagkaisahan.


***
end of this chapter ;)
sorry kung naun lang ulet
nakapag UD .

Kanino kayang moment isusunod ko ??
hmmmm ??

salamat sa mga readers :)

#TeenClash (The dorky girls vs. The prankster)Where stories live. Discover now