Chapter 38: Mga Gods Kami

Magsimula sa umpisa
                                    

"sino sa tingin mo ang mahihimatay sa tatlo?" I asked.

"wala, lahat sila tough" sabi ni Nathaniel while eating.

"ahh, so ikaw lang yung hindi?"

"at least alam ko ang limitation ko!"

"excuses, excuses" sabi ko.

"hoy Lexa, baka nakakalimutan mong..." then tumingin siya likod ko, "what the heck" sabi niya.

"what?" tanong ko at lumingon ako sa likod, "what the heck" sabi ko din.

Si Kalbo, may kasamang babae! Kahit madilim na, alam na alam ko pading si Kalbo yun dahil kakaiba ang shine ng kalbo niya.

"tara!" sabi ko at hinila ko si Nathaniel and we crept hanggang sa maliit na bush malapit sa kinatatayuan nina Kalbo and nung girl.

"lintik 'tong fetus na 'to, kaya pala gusto niyang dito tayo pumunta" sabi ni Nathaniel habang sinisilip namin yung dalawa. They look sweet!

"awww, inlove si Kalbo" I cooed, "now where are they going?" tanong ko nung lumipat sila ng place, "tara" sabi ko at hinila ko si Nathaniel.

"hoy, ba't natin sila sinusundan?" tanong ni Nathaniel then nagtago kami sa isang puno malapit sa bench na inupuan nung dalawa. Mabuti nalang madilim yung banda namin.

"I wanna make sure na okay lang si Kalbo" I said.

Then nagholding hands yung dalawa, then they looked at each other, then..they are going to kiss!

"eew I don't wanna look" sabi ko at saktong nag step back si Nathaniel, may naapakan siyang branch and it snapped!

"what's that?" dinig naming tanong nung girl.

"omg! omg!" sabi ko at nataranta kaming dalawa.

*cuckoo cuckoo* sabi ni Nathaniel and I bit my nails.

*hoot hoot* sabi uli ni Nathaniel, yung parang sa owl.

"what's that hon?" dinig naming tanong nung girl.

"sandali, titignan ko" sabi ni Kalbo.

"sh*T!!" whispered Nathaniel at sinuntok ko ng paulit ulit yung shoulder niya.

"ano'ng gagawin natin!!" I whispered.

"may tao ba dyan?" tanong ni Kalbo and I gulped at nagtinginan kami ni Nathaniel.

Then we saw Kalbo's shadow, uh oh.

"huwag" sabi ni Nathaniel sa napakatilis na boses.

"sino yan!" tanong ni Kalbo.

"ano..mga..mga dwende kami.." sabi ko, ginaya ko yung tilis ng boses ni Nathaniel then we snorted.

"dwende?" tanong ni Kalbo, "lumabas kayo dyan!" utos ni Kalbo.

"hindi pwede!" sabi ni Nathaniel, "baka maapakan mo kami"

"niloloko niyo ba ako?"

"hindi!" sabi ko, "ano..hindi kami mga dwende..mga..mga.." tumingin ako kay Nathaniel.

"mga hayop kami!" siksik ni Nathaniel.

"siya lang ang hayop! actually mga ano kami.." sabi ko.

"mga gods kami" sabi ni Nathaniel and I looked at him, "wala na akong maisip" he whispered.

"mga loko 'to ah" sabi ni Kalbo at lalapit na naman sa amin.

"ser.." sabi ng new voice at nagpause si Kalbo sa paglakad, we sighed in relief, "kung ako ho sa inyo, huwag akong pupunta dyan" sabi nung voice and our eyebrows crossed together at nagtinginan kami ni Nathaniel.

"bakit ho?" tanong nung girl.

"may nagpakamatay ho kasi na babae dyan nung nakaraang taon, balita ko andyan padin yung kaluluwa niya."

"juskow!!" sigaw ni Kalbo na mabilis umalis sa palayo sa amin.

Me and Nathaniel started to shake dahil sa takot at humawak ako sa mga braso niya.

"tara na babe" sabi ni Kalbo at dinig namin na umalis sila.

"Nat..Nathaniel, t-tara na" sabi ko pero tumigas na siya sa takot.

"may..may nagpaka..matay daw dito" sabi niya and his teeth chattered.

"tsss.." sabi ko, trying to cool down, pero I am actually looking around, "t..tara na" sabi ko and he stepped back.

Then we heard a branch snapped sa left side namin.

I let go of Nathaniel's hand and I walked to our right, "bahala ka dyan kung magpapaiwan ka" sabi ko.

"waaaah!! Allexa!!" sigaw niya at sumigaw narin ako't tumakbo kami palayo sa lugar, nilagpasan pa niya ako sa bilis niya kaya hinila ko yung likod ng shirt niya at ako ang nauna.

"ba't para kayong hinabol ng multo?" tanong ni Kurt nung pinuntahan nila kami sa may bench malapit sa Intimidator ride.

"hindi ah" sabay naming sagot.

"tara na nga" sabi ko at hinila ko si Bryce paalis tapos sumunod yung apat.

Nagmeet kaming lahat sa isang kainan sa gitna ng park. Outdoor yun kaya nagkalat kami.

"asan si Kalbo?" tanong ko and we looked around. Wala siya, just as I thought.

"andyan lang yun" sabi ni Jason tapos nagtinginan kami ni Nathaniel and we shared a knowing smile.

"yeah, andyan lang siya sa tabi tabi" sabi ni Nathaniel.

"hoy, pasyal ka ng pasyal. Malapit na ang game niyo" sabi ni Jason na naglalagay ng food sa plate ko.

"may two days pa naman ah" sabi ko.

"kailangan mo pa ding maging ready" sabi ni Bryce.

"owwwkey" sabi ko, uhoh, lalabas na naman pala kami bukas with the girls. Mmm, kasya naman siguro yung isang araw na training? This is bad. I have to eat less. It's diet time.

But Kurt put a big burger on my plate, Bryce gave me a plate of spaghetti, Nathaniel gave me fries, Allen gave me his ice cream.

Okay, seafood diet muna ako; I see food, I eat.

After we ate, pumunta kami sa mga roller coasters na kaya ng tyan namin ni Nathaniel and whole night, hindi namin nakita si Kalbo.

Next, we went to try the bump cars! And since there were only 15 cars, yung half namin, naiwan at nagvideo nalang. Lahat kasi kami gusto maging driver. Ashley doesn't know how to drive kaya nakisakay nalang siya kay Allen.

"owww!!" sigaw ko nung binangga ako ni Bryce, "I'm gonna kill you!!" sigaw ko at bago ko pa siya nahabol, binangga ako ni Jason, "madaya! Pinagtutulungan niyo ako!!" sigaw ko tapos they all went on one side at naiwan ako sa harap nila.

"wait wait!" sabi ko bago pa sila umatake, "unfair naman ata! 14 against one!!"

"magdasal ka na!!" sigaw ni James and they attacked.

Pagkatapos nila akong minurder sa bump cars, pumunta kami sa mga games and I got a lot of teddy bears! Yey!!

Lahat kasi ng napapanalunan nila binigay sa akin. Ang problema lang, I only have two hands. Kaya humingi kami ng big bags sa mga stores at binuhat nalang nina Bryce at Kurt, at yung iba hinawakan nalang nung iba.

When 10 pm stroke, we all went home with big stomachs and big hearts.

This day is awesome!!!

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

I am really happy dahil dumadami na ang sumasali sa mundo natin, haha Keep spreading this book po! Salamat!

Have a good day!^_____^

Me and My Boys VOLUME 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon