Paper Planes XXIII

Start from the beginning
                                    

"Anong hinahanap mo?" tanong ni Aly kay Den na busy sa cabinet.

"Damit." sabi ni Den at may kinuha siyang shirt na Miami Heat na kulay pula at binato kay Aly. "Maluwag yan sa'kin kaya kasya naman siguro sa'yo. Magshower ka muna, may extrang towel naman sa banyo." pumasok na si Aly ng banyo ni Den at nagshower na.

Mayamaya ay lumabas na rin si Aly.

"Salamat sa damit, balik ko na lang din bukas." sabi ni Aly sa kanya.

"Sige baba na tayo." sabi naman ni Den at bigla namang bumukas yung pinto at niluwa si Mosh.

"Kuya! I'm done taking a shower, let's play na ulit!" excited na sabi ni Mosh.

"Kaya ka nga nagshower Mosh dahil pawis ka eh next time na lang ulit." pagkontra ni Den.

"Next time na lang Mosh." sabi naman ni Aly at tinap ang ulo nito. "Paalis na rin ako eh."

"Aalis ka na? Di ka ba kakain dito?" tanong ni Den at tinignan siya ni Aly.

"Hindi na, tsaka lalabhan ko pa tong shirt." sabi ni Aly.

"Okay." sabi naman ni Den at bumaba na sila. Si Aly at Mosh naman magkahawak pa ang kamay habang bumaba. Dumiretso na sila sa labas ng bahay para magpaalam kay Aly.

"Babye Kuya!" paalam ni Mosh kay Aly.

"Bye Baby Mosh bye Pakoy!" sabi ni Aly.

"Hey!" sabi ni Dennise sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Aly chuckled and waved at naglakad na.

Pagkauwi ni Aly ay sinalubong siya ni Nicko.

"Wow bago damit. Ganda niyan ah." sabi naman ni Nicko.

"Salamat pinahiram lang to sa'kin." sabi naman ni Aly.

"Ni Den? Galing ka na naman sa kanila. Iba na yan." sabi ni Nicko sabay ngisi. Hindi na lang niya ito pinansin at umakyat na lang si Aly kwarto niya.

-----

"Parang gusto ko na tuloy pumasok ng maaga. Sabi ni Sheila maaga raw siya pumapasok lagi. Gusto ko siyang masilayan sa flag ceremony." sabi ni Ara.

"ID niyo?" tanong ng guard at pinakita naman nilang tatlo yon at pumasok na sila.

"1st year ka kaya, 4th year siya. Baka naman dulo dulo ang pila niyo." sabi naman ni Kim habang naglalakad silang tatlo si Aly naman nasa gitna nila pero hindi naman na sumisingit sa usapan nila.

"Oy wag ka ang 1st year malapit sa 2nd year at ang 2nd year malapit sa 3rd year at 3rd year sa 4th year. Oha." sabi naman ni Ara.

"Malayo pa rin." sabi naman ni Kim.

"Ah basta. Okay na ko sa LDR." sabi na lang ni Vic.

"LDR? Pfft!" sabi ni Kim at tumawa sila ni Vic. "Anong araw ba ngayon?" tanong ni Kim.

"Thursday." sabi ni Vic.

"Ah akala ko Mournday eh." sabi naman ni Kim. "Bakit parang nakasimangot lahat ng tao, I mean halos lahat ng babae." napatingin naman yung dalawa sa mga tao.

"Oo nga no. Parang nakatingin pa satin? Ay hindi feeling ko kay Ly lang eh." sabi ni Vic.

"Oo nga try nating lumayo." sabi naman ni Kim at iniwan nila si Aly sa gitna. Nagtaka naman si Aly sa dalawa.

"Oy bakit niyo ko nilalayuan?" tanong ni Aly. "Mabaho ba ko?" tanong pa niya at inamoy ang sarili. Binalikan naman siya ng dalawa.

"Sabi na eh ikaw dahilan ng pagbusangot ng mga babae eh." sabi naman ni Kim.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now