"YAya RENE...." Tumakbo papunta kay Irene si Jackson. Buhat buhat niya ito ngunit naka kunot noo pa din ito marahil nag tataka ito kung bakit nasa bahay si Baekhyun.



"Ah Hon mamaya ko pa lang sasabihin sa iyo na dito muna sila tutuloy hanggang hindi pa ayos yung dating bahay ni Baekhyun."



"Ah oo Irene sinabi ko nga kagabe kay Chanyeol na wag na ,mag rerent na lang muna kami ng matitirahan pero sabi niya na dito na lang muna kami mas safe para kay Jackson."



"For Jacskon?? Ah okay."



"Tara na kain na tayo." Pag alok ko. Nasa baba na din si HAru at Jesper. Nag simula na kaming kumain.




Irene's POV



"For Jacskon?? Ah okay." Really for Jackson... such a liar.. simula nung nalaman ko na siya ang ex ni Chanyeol at anak nila si Jack sobra akong nagseselos. Palagi kong nakikita na nakatingin si Chanyeol kay Baekhyun. Ganun din si Baekhyun minsan. Nasasaktan ako pag nakikita ko sila magkasama kasama ng anak nila. Hindi ko hahayaan maagaw sa akin si Chanyeol. Hindi ko hahayaan na magkabalikan sila. In 3 months ikakasal na kami ni Chanyeol at walang makakapigil nun. Sa akin lang si Chanyeol. Sa akin lang.



"Tara na kain na tayo." Umupo na si Chanyeol sa may kabisera ng lamesa samantalang nasa kanan naman niya si Baekhyun habang kalong kalong niya si Jack, Tumabi naman si HAru kay Baekhyun, as usual may bago pa ba. Simula ng makilala ko yung mga anak ni Chanyeol masama na ang dugo ng batang yan sa akin. Pwes wala na siyang magagawa sa ayaw niya at sa gusto ako na ang magiging madrasta niya. Kaya pag kinasal na kami ni Chanyeol hindi na uubra ang katarayan niyan.



"Honey tikman mo tong luto ko. Masarap yan. Yan yung niluluto ko nung nasa Korea pa ako diba BAek?"



"Oo masarap luto ni Irene."



"Ikaw Haru gusto mo din?" Inialok ko si HAru pero inirapan lang niya ako. Kalma Irene kalma dapat mag mukha kang angel sa mga anak ni Chanyeol.



"Haru tikman mo ang luto ng tita Irene mo. Pinag hirapan niya yan." Sabi ni Baek. Sige na siya nanaman ang bida.



"No. Ok na po dito sa cereal na kinakain ko mas masarap ito kaysa sa luto ng babaing yan."



"PARK HARU!" Sigaw ni Chanyeol.

Borrowed Heart  (Chanbaek fanfic) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon