"Bakit ka nandito? At nasaan si Leslie? Kanina pa siya dapat nandito. May importanteng lugar pa naman akong pupuntahan. Tss," tanong niya at saka naupo sa harap ng salamin, tiningnan ang sariling repleksyon at kinuha ang cellphone na nasa maliit na bag.

"A-Ako na po ang bago niyong make-up artist. Pa – Patay na po kasi si Leslie," sagot nito na may halos magpigil sa huling pangungusap dahil sa hindi alam kung paano sasabihin ang nangyari.

Natigilan si Alex sa narinig. May halong pagkatakot at pagkabiglang nadama ang dalaga sa maagang pagkamatay ng dating make-up artist. Nakakatwang isipin na wala man lang siyang kaalam-alam sa nangyari. Ganoon nga talaga siya. Makasarili. Walang paki sa mga taong hindi niya kailangan.

"Isang linggo na rin po'ng nakalilipas. Hindi niyo po ba alam?" tanong nito kay Alex.

Nagtaas ng kilay si Alex bago hinarap ang kausap. "Ano bang pakialam ko? Ikasisikat ko ba 'yan? Yayaman ba ako d'yan? Hindi naman, 'di ba? Kaya wala akong paki. Sino ka ba?!"

"Ako po si Wilma Santiago," magalang nitong sabi habang nakayuko.

Nagpalabas ng nakalolokong tawa si Alex na sinundan ng mapangmataas na tingin. "Pilosopo," aniya at saka muling tinapunan ng nakapanliliit na tingin ang dalaga. "Bilang bago kong make-up artist, you just have to follow my errands. That's all. Simple as that. Kapag nagawa mo 'yon, wala tayong magiging problema," saad niya at saka bumaling muli sa salamin.

"Masusunod po," mahinang tugon ni Wilma.

"Another thing. Ayokong pinapakialaman ako. Okay?" utos niya na tango lamang ang naging sagot ng bagong make-up artist.

Hindi lingid sa kaalaman ni Alex ang inis na gustong kumawala mula sa dibdib ng dalaga. Isang bulkan na naghuhudyat na sumabog anumang oras na hindi makapagpigil. Ngunit tulad ni Leslie, nais nito ang trabaho kung kaya't kasama sa pagsisipag ang pagtitiis.

***

"NANDITO na ako," ani Lance na galing mula sa kanyang duty. Naabutan niya si Cassie na nagpapalipas ng oras na nakababad sa panunuod sa telebisyon. Tumayo agad ito nang marinig ang boses ng kasintahan.

"Mabuti't nandito ka na," masayang turan ni Cassie at saka lumapit upang halikan sa labi si Lance.

Matapos ang naging trahedya na kinasangkutan nila ni Jess, naging malapit ang loob ng dalawa na humantong sa pagiging magkasintahan. Naging magaan kasi ang loob ni Cassie sa pulis dahil sa pagiging maaalalahanin nito sa panahon na kailangan niya ng seguridad.

"Kumain ka na ba?" tanong ni Lance kay Cassie na kasalukuyang nakayakap sa kanya at nakatingin sa kanyang mukha.

Umiling ito bilang tugon at saka nangiti habang pinagmamasdan siya.

"Gusto mo bang magluto na lang ako?" suhestyon niya.

Mabilis na kumawala sa pagkakayakap si Cassie kasabay ang paglagay ng mga kamay sa magkabilang baywang. "No way!" mariing pagtutol nito. Naalala ni Cassie nang minsang magluto ang kasintahan. Halos hindi na makain ang mga pagkain dahil sa palpak na pagluluto kaya't nang araw ding iyon, hindi na nito pinahintulutang magluto pa ulit si Lance.

"Ang overreacting mo naman. Parang magluluto lang, e," nakanguso niyang sabi at natatawa sa itsura ni Cassie. "What do you want me to do? Magpagutom?"

Umismid ito. "Don''t worry. Nakapagluto na ako," nakangiti nitong sabi at saka hinila siya papunta sa kusina.

Inuna niya munang makaupo si Cassie, hinila ang upuan at saka ibinalik sa kaninang posisyon nang makaupo ang kasintahan. Naupo naman siya sa tabi nito habang takam-takam sa mga nakahain.

"Kumusta ang araw mo?" tanong ni Lance habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Cassie. Sumenyas ito gamit ang kamay bilang tanda na tama na sa paglalagay.

"Ayos naman. The usual, mga patient na naka-sched lang nang araw na iyon ang may session ako," sagot nito. Tango lang ang naging tugon ni Lance. "By the way, patient ko rin pala si Alex Farr. You know her, right?"

"Oo naman. Siya 'yong co-star dati ni Celine," sagot niya.

Bigla namang natahimik si Cassie nang marinig ang pangalan ng dating kaibigan. Hindi pa rin kasi ganoon kagaling ang sugat na naiwan ng trahedyang iyon. Naroroon pa rin ang bakas nito at tila sariwa pa rin sa mga nagdaang panahon.

"Sorry," paumanhin ni Lance.

Ngumiti muna si Cassie bago nagsalita. "Ayos lang. Hindi pa lang talaga siguro ako nakaka-recover. It was too tragic for me, many lives had been taken away dahil lang sa pagbibiro naming. Nandoon pa rin kasi ang guilt. Kung hindi lang sana talaga naming ginawa iyon..." saad nito habang pababa nang pababa ang tono hanggang sa huling salita.

"Kung hindi niya ginawa iyon, hindi sana tayo magkakakilala. Always look for the positive things. Ikaw ang nagturo n'yan sa akin. Cheer up. Nagkapatawaran na rin naman, 'di ba? Ayos na rin naman ang lahat. It's been a year."

"Too ironic. Pyschologist ako pero ako 'tong hindi mapagaling ang sarili ko," mapait nitong sabi. Naiyukom nito ang kanyang mga kamay sa pagpipigil na tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha.

"Tulad nga ng sabi nila, magaling magpayo sa iba pero sa mismong sarili, laging palpak. Don't be sad," saad niya at saka hinawakan sa kamay si Cassie. "Huwag ka ng malungkot sa kung ano ang nawala, maging masaya ka na lang kung ano pang mayroon ka."

Kaunti ay nabawasan ang bigat sa dibdib ni Cassie na kanyang bitbit. Tama si Lance, nar'yan pa ang ilang malalapit sa kanya na nagpapalakas ng kanyang loob, nagpapatuloy ng kanilang buhay para rin sa mga taong mahal nila. Dapat siya rin, kailangan niyang maging matapang.

"Thank you. You never fail to make me smile," saad nito at saka hinalikan sa labi si Lance.

"I love you."

"I love you too."

Red Tape (Book Two of Red Ribbon)Where stories live. Discover now