Nandoon din ang kapatid ko na si Xian na siyang pinag-aaral niya sa mas mahal na paaralan. Tini-train niya rin para maging katulong niya sa pamamahala ng business.

My Mom is out of the country. She's a teacher—a SPED teacher to be specific. May isang taon pa na kontrata si Mommy sa Singapore bago tuluyang umuwi rito for good. After her long-term work, titigil na siya sa propesyon niya at tutulungan na rin si Daddy sa pag-handle sa mga lumalagong family business namin.

While me... obviously nandito, naiwan.

Umuuwi sila kapag may gaganapin na okasyon o kaya bibisitahin ni Daddy ang main branch ng mart namin dito sa bayan ng Areniego.

Ang bayan ng Areniego ay isang malawak at maunlad na probinsya. It is known as probinsyudad. Modernized na dito: may mga nagtataasang buildings, schools at iba pang establishments.

I really want to stay here.

Mas pipiliin ko rito na mamalagi kaysa sa Maynila. Dito na ako lumaki at nasanay. Kung pwede lang sana na nandito na lahat ng branch ng business ni Daddy, edi sana madalas na sila rito at hindi namamalagi sa Maynila.

Ang nangyayari... tila nagiging bahay bakasyunan na lang ang bahay na 'to.

"Hija."

Naudlot ang pasaring ko sa buhay nang sumulpot si Manang Trinidad.

"Maliligo na po ako," palusot ko para hindi na pagsabihan ng kung ano.

"Sandali, hija. Tumawag ang Daddy mo. Papunta na raw siya rito at kakausapin ka raw."

My eyes widened in surprise. Pinroseso ko pa ang narinig at kalaunan nagdiwang sa aking isipan.

Dad is coming home! I should throw a party!

"Magluto po kayo ng masarap na putahe, Manang. 'Yung wine din po pala na favorite niya, pakilabas na rin," agarang utos ko at maagap na sumunod si Manang.

Hindi ko mapigilang mapa-ngisi.

Nagtagumpay ako sa plano ko. I anticipate this. I know Dad will rush here not because he wants to see his one and only daughter, but because he needs to discipline me again, for the nth time.

Who cares, anyway? Bahala na kung galit siyang pupunta rito, at least, napapunta ko. That's all that matters. Panigurado rin akong nakuha ko ang atensyon ni Mommy at mamaya tatawag din 'yon gaya sa hinihiling kong mangyari.

"Jillian!"

Umalingawngaw ang malakas na pagtawag sa akin ni Daddy nang dumating siya at matagpuan ako na nakaabang sa bulwagan.

"What a sudden visit, Dad! I'm sorry, hindi ko masyadong napaghandaan ang pagdating mo."

"You know what trouble you did again, right? I heard it from our family friend," walang ligoy-ligoy niyang sinabi na halatang iyon talaga ang pakay niyang pag-usapan.

Umiwas ako ng tingin.

I am aware of what trouble I did yesterday. I'm even aware that Dad is just controlling his anger.

Dad is only 49 years old. Hindi siya sakitin kaya maliit lang siguro ang posibilidad na atakihin siya ng hypertension... sana.

"Kumain ka muna, Dad. Mahirap na malipasan, galing ka pa naman sa byahe," alok ko at ngumiti. "Si Xian po? Hindi ba sumama?"

"Huwag mong iniiba ang usapan Jillian!"

Oppss. Napansin.

"You kissed a stranger and got into a fight with his girlfriend. Do you really know what you're doing, Jillian?" Napahilot ng sentido si Daddy. Huminga siya sandali nang malalim bago muling nagsalita.

Getting His Attention (Completed)Where stories live. Discover now