"Wala."

"I keep hearing voices in my head. Boses ni Mama, ng mga kapatid ko at sa'yo."

"For six months, binabasahan ka namin ng kung ano-ano," paliwanag ko sa kanya. He nodded. Nagligpit na ako ng mga gamit sa kitchen.

"And I heard a song. Was it you?" he asked. Hindi ako nakakibo. "Kumanta ka ba?"

"Nope."

Nilapitan niya ako. "Kumanta ka eh."

"Hindi nga sabi," kaila ko. Bigla niya akong niyapos sa bewang at tinitigan. "Keeper?"

"I'm sorry kung pinag-alala kita. Hindi na mauulit. Wala ng drag racing. Wala ng extreme sports. Magpapakatino na ako. Nangako na ako kay Mama at mangangako ako sa'yo. 'Yon na ang huling pagkakataong bibigyan ko kayo ng sakit sa ulo at damdamin."

Tumango ako. He hugged me. Bigla kaming nakarinig ng pagtikhim. Agad akong lumayo sa kanya nang makita si Dame.

"Hindi ko ba pwedeng yakapin ang girlfriend ko?" nagtatakang tanong ni Keeper.

"Hindi mo siya girlfriend and back-off," utos ng mama niya. Sumimangot siya. Tiningnan ko siya apologetically. Nangako kami kay Mac na hindi gagawa ng 'kababalaghan' habang hindi pa ako tapos sa culinary studies ko. Walang magawa si Keeper kundi mag-walkout at ma-badtrip.


NAGKAKAGULO ang mga kaklase ko nang dumating ako sa culinary school the next day. Nagsisigawan ang mga babae at ayaw namang lumapit ng mga lalaki sa aming cooking lab. Parang may kinatatakutan ang mga ito.

"What's happening?" tanong ko sa kanila pero walang sumagot. Pumasok ako sa lab. Natigilan ako nang makita ang pinagkakaguluhan nila. Nakapatong sa cooking table ang isang may kalakihang kahon na nababalutan ng magandang wrapper at bukas na. Nilapitan ko iyon.

"Daphne, don't! It's gross!" sabi ng isa kong babaeng classmate na diring-diri. Lumapit pa rin ako at nanlaki ang mga mata ko nang makitang puno ng earthworms ang nasabing kahon. Sino namang siraulo ang –

May napansin akong sticky note na nakadikit sa kahon. Kinuha ko iyon. Maluha-luha ako na natatawa nang mabasa ang note. Sa note pa lang, alam ko na kung sino ang nagpadala.

To the most BEAUTIFUL earthworm in the world.

Tiningnan ko ang laman ng kahon. Ang dami talagang bulate pero hindi ako nandidiri. Buhay na buhay pa ang mga iyon at gumagalaw. Then, I saw something shiny. Narinig kong napasinghap ang mga nasa paligid ko nang ipasok ko ang kamay ko sa kahon. I felt the slimy worms then I got something beneath the creeping creatures. Nang kunin ko iyon, tuluyan ng nahulog ang mga luha ko. It was a ring. A diamond-studded ring. Rinig na rinig ko na napasinghap at napa-oh! ang mga tao sa paligid ko.

"I miss you." Nilingon ko si Keeper na nakatayo sa may pinto. He walked towards me.

"Halos araw-araw na tayong nagkikita tapos mami-miss mo pa ako?"

"Nilalayo ka kasi ni Mama sa akin."

"Condition niya 'yon. Pareho tayong matutukso kung –"

"Alam ko kaya pakasalan mo na kasi ako!" parang bata niyang sabi. "Balita ko maraming gustong manligaw sa'yo rito kaya uunahan ko na." Natawa ako. Lumingon-lingon pa siya sa paligid na parang hinahanap ang gustong manligaw sa akin.

"So this is a marriage proposal?"

"Ano pa nga ba? Dapat mahigitan ko ang epic proposal ni Raphael kay Lan. Gusto ko 'yong naiiba. Isa pa, marami tayong memories kasama ang mga earthworms," ngumisi siya. Tawang-tawa na ako. "Ano? Payag ka na?"

"Sa ano?"

"Eh di magpakasal sa akin!"

"Tinanong mo na ba ako?"

Kinuha niya ang singsing at nagtungo sa sink para hugasan iyon. Kumuha siya ng panyo mula sa bulsa niya at pati hand sanitizer. Matapos linisin ang singsing ay lumapit ulit siya sa akin. He knelt in front of me.

"Daphne Marie Santillan, God has given me a second chance in life and I choose to spend it with you. Will you marry the most handsome man in the whole wide world?" tanong niya offering to me the ring. Biglang umugong ang hiyawan mula sa audience namin. Maluha-luha ako sa saya. Nang tumango ako ay agad niyang isinuot sa left ring finger ko ang singsing. As soon as suot ko na ang singsing, nakarinig ako ng masisipang putok and there were confetti all over the place. Gulat na gulat ako nang makita ang mga kapatid ni Keeper kasama sina Raphael at Gary.

"Ilang linggo namin itong pinagplanuhan," paliwanag ni Lan.

"Naninindig ang balahibo ko sa kakornihan!" komento ni Roiri.

"Noong magising siya, sabi niya: 'Donnar, I need to propose. ASAP!'" pambubuking naman ni Kuya Donnar kay Keeper. Natawa ako.

"So, nagpunta lang sina Raphael at Gary sa London para –" bago ko pa maituloy ang mga sasabihin ko ay tumayo si Keeper at bigla akong niyakap at hinalikan. Mas lalong umingay ang paligid namin. Hindi ko na iniisip ang paligid, ang mahalaga ay kaming dalawa.

"I love you, my beautiful earthworm," bulong niya sa akin.

"I love you too, most handsome man in the whole wide world."

He kissed me again. Kahit buong araw niya akong halikan ay wala akong pakialam. Mahal na mahal ko siya. Akala ko hindi na ako magmamahal pa ng iba pero ibang magplano ang Diyos. He gave me a second chance in life and in love.

AchillesМесто, где живут истории. Откройте их для себя