After ng ilan pang paalala ng doktor, lumabas na siya ng clinic nito at pinuntahan si Amber sa cafeteria.

"Baby girl!" Impit na tili niya nang makaupo sa tapat na upuan nito.

Tumili rin ito kaya naman napatingin sa direksiyon nila ang ibang kumakain doon. Nag-ayos sila pareho ng upo at nagpormal-pormalan kuno pero mayamaya ay sabay uling mahinang tumili.

Agad na rin naman silang um-order ng makakain.

"Let's go to the mall," aya nito sa kanya matapos silang kumain.

"All right!"

At nilisan na nila ang lugar.

Hindi maintindihan ni Elisse ang sarili kung bakit kanina pa naglilikot ang mga mata niya sa buong mall. She had this feeling na may mga matang sumusunod sa kanila. Siguro ay napa-paranoid na naman siya.

"Hey, ano na naman iyang iniisip mo?" tanong ni Amber.

"Wala naman, masaya lang ako." Tumingin siya sa isang baby dress na kulay-pink at kinuha iyon. "I will buy this." Inangat niya pa iyon sa harap nila at ngumiti.

Kung ano-ano pa ang binili nila at ipina-deliver na lang 'yong mabibigat na gamit. Inihatid lang siya ni Amber sa resort at umalis din agad dahil baka ma-late ito sa flight nito.

She on the other hand, nandoon na naman 'yong pakiramdam na may mga matang nakatingin sa kanya. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay at ini-lock ang pinto. Sumandal siya roon.

"Anak, may multo yata. Nakita mo ba? I mean, nararamdaman mo rin ba?" tanong niya at tumingin pa siya sa tiyan niyang malaki.

Napangiti siya. Baka mamana ng anak ko ang kadaldalan ko.



NASA loob si Steven ng sasakyan at tinatanaw ang bahay kung saan tumutuloy si Elisse. Ilang buwan na ba siyang nagtatangka na lapitan ito? Pero hindi siya makalapit dahil bigla na lang may humahatak sa kanyang mga lalaki na hindi niya alam kung saan nanggagaling.

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya naman kasi alam ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang iniwan ni Elisse. Naisip niya, baka nauntog ito at natauhan na hindi na pala siya nito mahal. Alam niya na mahal siya ng asawa noong una pa lang pero hindi siya interesado noon dito.

O baka naman ayaw nitong ipakilala siya bilang ama ng magiging anak nila?

Ayaw niyang isipin na hindi na siya nito mahal kaya gumawa siya ng paraan para masubok ang pagmamahal nito sa kanya. At ayon sa nakita niya, mahal pa siya ni Elisse at gusto niya talaga itong makausap. Aalamin niya ang dahilan kung bakit nilayasan siya nito.

He climbed out to his black tinted Ford and scanned the place to check kung may mga bantay ba. Tumingin siya sa relo niya upang tingnan ang oras.

"12:09 midnight," bulong niya.

He removed his watch on his wrist dahil magdudulot lang iyon ng liwanag sa dilim. He looked around for the second time. He walked to the backdoors and opened it. Napapalatak siya dahil hindi iyon naka-lock. Paano kung may ibang pumasok doon na masamang tao?

He walked uptairs and avoided making noise. There were ten rooms on the second floor but he was so sure na nasa dulo ang kuwarto ng asawa niya. The huge one. Dahil ang master bedroom ay nasa third floor at kay Axer iyon.

Pinihit niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Halos huminto ang paghinga niya nang gumalaw si Elisse at humarap sa direksiyon niya. He cursed silently. He was damn sweating.

Hell!

He looked at her wife. He missed her so much he wanted to run and hug her but he stopped himself. Instead, he walked slowly and stared at her face.

EHS 1: His Runaway FiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon