CHAPTER 6

268K 6.2K 243
                                    

CHAPTER SIX

"SAAN po tayo, Ma'am?" tanong kay Elisse ng driver ng taxi na sinasakyan niya. Galing siya sa isang bar at nagliwaliw mag-isa. Dahil hindi niya na kayang mag-drive, iniwan niya ang sasakyan sa parking ng bar at pumara ng taxi.

"Take me to Golden High Condominium." Doon nakatira si Steven at gusto niya itong makausap.

"Anong tower po?" tanong uli ng driver.

Napapikit siya at inisip kung saang tower ba nakatira ang doktor.

"Tower two ho."

Sa sobrang tipsy niya ay medyo umiikot na rin ang paningin niya. Wala pang ilang minuto ay nakarating na sila sa Golden High Condominium Tower 2. Binigyan niya ng isanlibo ang driver at hindi na kinuha ang sukli.

Dahan-dahan lang si Elisse na naglakad papunta sa elevator dahil talagang nahihilo na siya. 'Buti na lang, siya lang mag-isa sa loob. She pushed the eighth floor button and waited for the elevator door to open. Nakakatawang isipin na alam niya kung saan nakatira si Steven pati na rin ang room number nito na 816. Stalker nga ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Aminado naman siya roon.

Naka-zoom ang mga mata niya para masigurong tama ang pinto na iistorbohin. Tinanggal niya rin ang suot na red stiletto at binitbit dahil hindi naman iyon nakakatulong sa paglalakad niya.

Kanina pa siya nagdo-doorbell pero mukhang tulog na siguro ang lalaki. Tumingin siya sa Channel wristwatch niya at napapalatak nang makita kung anong oras na. Two in the morning. She cursed. Pero siya namang pagbukas ng pinto.

"Elisse? What are you doing here?" Nakakunot ang noo ni Steven at mukhang kagagaling lang sa shower dahil gulo-gulo pa ang buhok at amoy niya ang shower gel.

He was wearing a plain dark blue boxer shorts. Hapit na hapit din dito ang gray sando na suot. Gusto niya nang mabuwal sa kinatatayuan at ipagdasal na sana saluhin siya ng matitipunong bisig nito.

"I just want to say so—" Hindi niya na natuloy ang sasabihin because she threw up at bigla na lang nawalan ng balanse.

Nakapikit ang kanyang mga mata at hinihintay na lang na bumagsak siya sa sahig. Pero gaya ng hiniling niya kanina lang ay may matitigas na brasong sumalo sa kanya. Gusto niyang mapangiti nang lihim ngunit suka naman ang lumabas sa bibig niya.

"What the fuck!" Steven cursed while patting her back. Hinila na siya nito at dinala sa banyo. Pero para saan pa kung nagkalat na siya sa sahig nito?

Nang medyo humupa na ang suka niya ay pinaupo siya nito sa sofa at kumuha ng cold water sa kitchen. Humiga siya sa sofa dahil talagang nahihilo na siya. Wala siyang pakialam kung ano ang hitsura niya o kahit gulo-gulo pa ang buhok niya or even if her red lipstick got ruined.

Pilit niyang ibinababa ang fitted red tube dress pero masyadong maiksi iyon para mangyari ang gusto niya. Tumagilid siya at ginamit ang kamay bilang unan. Hindi na rin niya alintana na bahagyang maipit ang kanyang brassier at lumabas ang clevage niya. Wala na siyang paki roon dahil ang gusto niya ay matulog.



NAPALUNOK si Steven at muntik nang mabitawan ang dalang isang basong tubig nang makita si Elisse na nakahiga sa sofa. Halos hindi na matakpan ang makinis at mapuputi nitong binti dahil sa suot nitong damit. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang dibdib nito kaya muli na naman siyang napalunok at siya na rin mismo ang uminom ng tubig na hawak niya.

Naglakad siya papasok sa kuwarto para mag-shower uli, saka nagpalit ng panibagong damit. Naglabas siya ng white T-shirt at boxer shorts para sa babae.

Tinungo niya ang sala upang buhatin ito papunta sa kuwarto niya. Siya na lang ang matutulog sa sofa dahil baka mahulog pa ito roon dahil halata naman na malikot itong matulog.

EHS 1: His Runaway FiancéeWhere stories live. Discover now