Chapter 5

265 7 0
                                    

Mahal Kita Manhid Ka Lang
by: simplyB_94

Author's Note: Plagiarism is a crime babies.

©2015

Chapter 5

Arriane Jade Cruz

Maaga pa lang ay binulabog na ako ni Kuya Alvin asking if I will go with him or magpapahatid na lang daw ba ako sa driver.

"Mauna ka na lang kuya. I'm still sleepy pa." sagot ko sa kanya habang sinusulit pa ang paghilata sa kama.

Napa-bangon ako kaagad noong marinig ko yung alarm ng phone ko. Teka, nag-alarm ba ako?

"Automatic na pala yumg alarm ng—" naputol yung sasabihin ko dahil sa nabasa kong notification.

'7th friendsary: Arriane<3Gian'

Napangiti na lang ako dahil naalala ko na noon everytime na anniversary ng friendship naming daalawa ay mauuna pa siyang mag-text. Okay lang naman siguro kong i-text ko siya diba?

'Hi. Good morning Gian. I just want to greet you happy 7th friendship anniversary. It's been seven years already since I had known you. I'm really thankful that I have become part of your life. I miss you bestfriend sana ay maging okay na tayo.'

Okay lang na hindi siya mag-reply, I just want him to know kung gaano ako ka-suwerte sa kanya. This is my greatest fear, for Gian to have someone who can make him happy. Naisip ko na rin noon na baka bigla na lang akong maitsapwera and ngayon ay iyon na nga yung nararamdaman ko.

"Arriane Jade! Dramatista ka na pala ngayon?" puna ko sa sarili ko. "Ang mabuti pa ay bumangon ka na at mag-ayos."

Ako na yung naghanda ng saarili kong breakfast dahil wala si Nanay Ening. Umuwi muna siya dahil nagkasakit ang apo niya. I was in the middle of eating my breakfast when I heard our doorbell rang.

"Sino naman ang maaga pang pupunta dito sa bahay?" kakamot pa ako sa ulo ko. "Sandali lang!"

I open the door and nagulat ako dahil si Adam pala yung nasa labas.

"Hi." He awkwardly smiled dahil na rin siguro sa hindi pa ako nakakapag-suklay. "Good morning." May itinuro siya sa may labi ko kaya pinunas ko naman iyon and nakakahiya dahil may kanin pa pala ako sa labi ko.

"Ah, yes. G-good morning rin.  Bakit ka nga pala napunta dito?" tanong ko habang pinapapasok siya. "Nakapag-breakfast ka na ba?"

"Yes and nandito ako dahil naisip ko lang kung pwede bang sa akin ka na sumabay papuntang school."

Niligpit ko na iyong pinagkainan ko, nagpaalam muna ako na mag-aayos lang muna ako para naman makaalis na kami.

"Magpapahatid nga sana ako sa driver namin but since ikaw yung nag-offer ay sige. I'll go with you." Sayang rin naman yung effort ng lalakeng ito kung tatanggihan diba?

We are about to leave ng bumukas ang gate namin and pumasok si Gian.

"Adam?" nakakunot-noong tanong niya. Hindi ko rin naman inaasaahan na pupunta siya. "Bakit ka nandito?" nakatingin lang ako ngayon sa kanya. Ilang araw lang naman kaming hindi nagkasama at talagang miss ko na siya.

"Isasabay ko kasi si Jade papuntang University that's why I'm here." Parang dati ay siya yung pumupunta dito sa bahay para isabay ako sa pagpasok.

Ibinaling niya naman yung tingin niya sa akin.

Mahal Kita Manhid Ka Lang (On-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang