Chapter 13

30 0 1
                                    

Mahal Kita Manhid ka Lang
written by: simplyb_94

Author’s Note: Plagiarism is a crime babies.

©2015

Chapter 13

Arriane Jade Cruz

After that night ay hindi na nga kami pa nagkausap ni Adam. Nagkikita pa rin naman kami sa school but unlike before, kapag nakikita niya ako halatado ko namang umiiwas siya. I’m trying to talk to him pero palagi na lang na walang nangyayari. Minsan naman ay nakikita ko siyang may mga kausap na babae kaya mas naiinis lang ako. Kaya naman pala at umiiwas sa akin dahil may bago na ring pinagkakaabalahan. Okay na sana ang lahat dahil maayos na kami ni Gian pero ang kapalit naman ay iyong paglayo ni Adam sa akin.

“Uy! Ang lalim naman ng iniisip mo.” Biglang pagsulpot ni Gian sa tabi ko.
Another news is Gian and Yana broke up. Hindi lang naman kasi ako iyong napag-tripan ng babaeng iyon kung ‘di pati ang ibang babaeng alam niyang may gusto kay Gian. Possessive talaga.

“Wala lang to.” Ngumiti pa ako sa kanya pero sumeryoso naman ang mukha niya.

“Wag ka nga’ng ngumiti ng ganyan. Halatang peke.” Sabi pa niya at naupo sa tabi ko. “Share to me what’s bothering you? Or who’s bothering you?”

Tahimik lang ako pero diretso ang tingin sa lalakeng nasa kabilang hallway kung saan kami ngayon ni Gian nakatambay.

“Si Adam?” agad akong napatingin sa kanya. “Hmm. Nakakaselos na yan, Rriane.” Sabi niya pa na parang nagtatampo. Nakakapagtaka lang ulit dahil noon ay kikiligin na ako kapag nagsasabi siyang nagseselos siya pero hindi ko na iyon maramdaman ngayon.

“Baliw!” natawa na lang ako sa kanya. “Ex mo, o! Nakatingin sa atin.” Untag ko pa at siniko siya ng marahan.

Nakita ko kasi si Yana na nandoon rin sa kabilang hallway habang nakatingin sa amin ni Adam. Hindi ko rin minsan maiwasang maawa sa kanya dahil walang halos na sumasama sa kanya and I can’t blame others naman dahil alam ko ang ugali niya. Nandoon pa ako noong nakipag-hiwalay sa kanya si Gian.

“Hayaan na lang natin siya.” Sabi pa niya at agarang iniwas ang kanyang tingin. Sabhin niya man at sa hindi ay alam ko namang gusto niya pa rin si Yana. “Tara, hatid na kita sa classroom niyo.” Sabi pa niya at kinuha sa akin ang bag ko para siya na ang magdala.

Ang mga kaklase ko naman ay todo ang pang-aalaska sa akin at iyong iba naman ay si Adam pa rin ang hinahanap sa akin na ngiti at pagkibit ng balikat na lang ang aking sagot. Even I doesn’t know kung saan na nga ba siya nagsusuot. I never asked him to stay away from me but he decided to. I want him beside me.

Tumigil lang ako sa pag-iisip noong dumating yung Professor namin. Mahirap na at baka mapalabas na naman ako.

“Tomorrow na iyong Final Exam ninyo which will be your last exam and after that you will all be deploy sa company na inyong pag-o-OJT’an. Do your best everyone. I’m just here to give some pointers na kailangan ninyong i-review.” sabi ni Prof at agad rin namang nag-sulat sa white board ng mga pointers.

Ilang subject na lang rin naman ang magbibigay sa amin ng exam dahil iyong iba ay hindi na rin kami pina-take dahil sa mga pinaghirapan naming mga outputs na naipasa.

Iyong ibang department naman ay tapos na ang Finals kaya yung On-the-job training na nila ang inaasikaso kabilang na doon iyong department nina Gian which also means na pati na rin si Adam dahil magkaklase sila.
Ganoon lang rin ang nangyari sa iba pang mga Professors kaya naman ay maaga rin kaming nai-dismiss. Halos lahat sa amin ay nasa library ang punta para mag-review. Kasama ko naman si Lian dahil sa mga kaklase ko ay siya lang rin naman ang masyado kong close.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahal Kita Manhid Ka Lang (On-going)Where stories live. Discover now