Chapter 7

294 11 0
                                    

Mahal Kita Manhid Ka Lang
by: simplyB_94

Author's Note: Plagiarism is a crime babies.

©2015

Chapter 7

Arriane Jade Cruz

"Princess, may gusto ba sayo iyong si Adam?"

Iyan na kaagad ang bungad na tanong sa akin ni Kuya kaninang umaga habang nasa hapag kami.

"Hindi kuya, ah." Paano naman niya naisip na may gusto sa akin ang isang iyon? #Malabo

"But to be honest with you baby girl, I like him more than I like Gian for you." Seryosong sabi naman ni Kuya Alvin.

"Promise kuya. Walang gusto si Adam sa akin." Nakataas pa ang isang kamay ko habang nagsasalita.

"What if? What may gusto talaga siya sayo? May chance ba na magustuhan mo rin siya?"

Ano ito? Nasa hot seat ba ako.

"What if he tells you that he likes you? Are you willing to move on from your feelings for Gian?"

"S-stop it Kuya. Let's don't talk about that."

Mabuti naman at nakinig sila at hindi na nagtanong pa sa akin.

"What if he tells you that he likes you? Are you willing to move on from your feelings for Gian?"

See? Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang tanong ni Kuya Alvin sa akin.

"Argh! Stop it Arriane Jade! Stop thinking about it." Tinuktok ko pa ang ulo ko dahil sa iniisip ko. Natigil lang ng may pumigil sa mga kamay ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"What are you doing?" Tanong niya na nakatingin sa akin na parang nawe-weirduhan.

"G-Gian?"

Binitiwan na niya ang kamay ko at naupo sa space ng inuupuan ko.

"Please don't avoid me right now." Nakatungo lang ako.

"B-baka makita tayo ng girlfriend mo at kung ano na naman ang isipin 'nun."

"Na-miss kita bestfriend." Hindi ko alam kung matutuwa ako o kung ano.

BESTFRIEND!

Iyon lang talaga kaming dalawa. No more no less.

Stop it Arriane! Alam mo na iyan dati pa na hanggang doon lang talaga kayo.

Hindi ako sumagot sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Kamusta kayo ni Adam?"

Hanggang dito ba naman ay si Adam pa rin ang itatanong sa akin?

"O-okay naman kami. Tinuruan niya ako kung paano iluto ang favorite kong Chicken Adobo. He's a good cook, I can tell." Masayang sabi ko. Nakangiti na sabi ko. Napansin ko na lang na naka-tingin sa akin. "W-why?"

"I miss you smiling like that." Ayaw kong umasa pero bakit ba ganyan ang mga sinasabi niya sa akin?

I looked away from him. Nakita ko si Adam sa kabilang corridor ng Business Administration buiding. Nakatingin siya sa amin. Ako na mismo ang bumitiw sa tinginan namin.

"Wala ka pa bang class?" Tanong ko na lang para putulin ang awkward silence sa pagitan namin. Napatingin naman siya sa wrist watch niya.

"Oh, thank you Rriane. Mabuti na lang sinabi mo. Sige bestfriend, mauna na ako."

Mahal Kita Manhid Ka Lang (On-going)Where stories live. Discover now