Chapter 12

29 0 0
                                    

Mahal Kita Manhid Ka Lang
by: simplyB_94

Author's Note: Plagiarism is a crime babies.

©2015

Chapter 12

Arriane Jade Cruz

"I'm very very sorry, Rriane." sabi niya at hinawakan ako sa mga kamay ko. Ang nakakapagtaka lang ay wala na yung mabilis na tibok ng puso ko everytime na hahawakan niya ako. Wala na iyong kiliti sa tiyan ko sa tuwing malapit siya sa akin at kakausapin ako.

"L-let's forget about what happened. Hindi rin naman kita kayang tiisin and beside we are best friends after all." See? Ako pa mismo ang nagsasabing bestfriends kami samantalang noon ay inis na inis ako everytime na iniuugnay sa aming dalawa ang salitang iyan.

"Thank you, Rriane. Na-miss kita Bestfriend." sabi niya at niyakap ako. Nasaan na iyong spark na nararamdaman ko noon? Bakit bigla na lang na naglaho? I just hugged him back. I can't deny na na-miss ko rin siya. Sa gitna ng pagyayakapan namin ay nakita ko sa hindi kalayuan si Adam na nakatingin sa amin, ngumiti lamang siya. Ngiting hindi mo makikitaang masaya talaga siya. Binitawan na rin ako ni Gian pero hindi ko makuha ang aking mga tingin kay Adam na noon ay naglalakad na palayo.

"Si Adam? Siya ba iyong hinahanap mo kanina?" tanong niya habang nakatingin rin sa nagalalakad na si Adam.

"H-huh? Ah, hindi. Yung kaklase ko lang." palusot ko naman sa kanya. Naglakad na kami noon dahil nag-insist naman siyang ihahatid niya ako sa classroom namin.

"Paano kapag nalaman ni Yana na magkasama tayo? Baka magalit na naman iyon." War freak pa naman ang isang iyon.

"Don't worry, ako na ang bahala sa kanya." Sabi niya at ibinigay sa akin ang books ko na siya na raw ang magdadala. "Sabay na tayong umuwi mamaya." He said and smiled at me bago siya umalis dahil may klase rin siya.

Nanukso naman ang ibang mga kaklase ko noon.

"Uy!!! Paano na si Adam niyan?" natawa na lamang ako sa kanila.

Pero naisip ko rin naman si Adam. Tototohanin niya ba talaga iyong sinabi niya sa akin. I'm used of being with him, I'm used with his presence.

"Miss Cruz! Kung hindi ka lang rin naman nakikinig sa klase ko ay maaari ka ng lumabas. I've called you many times pero hindi ka nakikinig. Leave my classroom now!"

Shit! Naku naman Arrianne Jade Imperial Cruz! Malalagot talaga ako kapag nalaman nila kuya 'to. First time in my whole history na pinalabas ako ng teacher at ngayong college pa talaga. No choice na rin naman ako kaya ay lumabas na ako without saying anything. Ano pa nga ba ang ire-reason out ko? Napatingin ako sa wrist watch ko at na-realize na last subject ko na pala dapat ito. So, it means na tatlong oras akong parang tanga na hindi nakikinig sa discussion?

I'll text Gian na lang na mauuna ako sa kanyang umuwi dahil wala na rin naman akong klase and tatawagan ko na lang ang driver na bagong hire lang nina kuya. Ganoon po kabait ang mga kapatid ko para raw ay hindi na ako mahirapan kapag kailangan kong magpasundo. Palabas na ako ng school gate noong makita ko si Adam na nakatayo sa waiting shed na para sa maghihintay ng mga susundo sa mga estudyante. Hindi pa ako nakakalapit nang may kotse ang biglang tumigil sa harap niya at lumabas doon ang isang babae and nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ito maganda. Lumapit siya kay Adam at humalik ito sa kanyang pisngi. Hindi ko naman makita kung ano ang reaksyon niya dahil sa side view niya lamang ang nakikita ko. Nakatayo lamang ako doon habang nakatingin sa kanila. Nakakahiya naman kasing istorbohin ko ang moment nila. Hindi naman nagtagal ay dumating na si Manong Tero. Nakaka-inis lang dahil sa tabi pa talaga ng kotse ng babaeng kausap ni Adam. Teka lang, ano naman sa akin kung may kausap siyang babae diba? Tss! Hindi na ako nag-aksaya ng panahon na tumingin pa sa kanya at diretsong nag-lakad. Hindi pa man ako nakakalapit sa kotse namin ay narinig ko naman ang boses ni Gian.

Mahal Kita Manhid Ka Lang (On-going)Where stories live. Discover now