Chapter 56

397 6 0
                                    

Nasa isang restaurant sina Ashton at Paige. Ashton planned this evening para lang sa kanilang dalawa na mag asawa. Gusto talaga niyang makapagsolo silang dalawa. He thought about what Andy said tungkol sa security nang mga babae he wanted Paige to feel secure. Masyado nang delayed ang pag aamin niya. Sana all this time na magkasama sila ay nararamdaman ni Paige ang pag ibig niya, at kahit noon, five years ago. He wanted her to feel secure, gusto niyang maramdaman ni Paige na mahal niya ito, hindi man niya nasasabi at least nakikita  naman sana ng Asawa na mahal na mahal niya ito.

"Ang ganda naman dito. Bago ba itong restaurant na ito?" masayang tanong nito

"Oo mga isang linggo palang ata. May dinala kaming client dito mga 3 days ago and I enjoyed the food kaya alam ko na magugustuhan mo rin dito." nakangiti niyang sabi

"Talagang alam mo ang taste ko ah!" biro ni Paige

"Of course! I am your husband. Alam ko ata lahat." he said and winked at her

"Talaga lang ha?" sabi nito

"Talaga!" he said confidently

Maya't maya dumating naman ang waiter para kumuha nang kanilang order

Habang sa labas naman nang restaurant nagmamasid lamang si Nina. Kanina pa niya sinusundan sina Ashton at Paige. Wala na siyang pakialam sa mangyayari she will make a scene para mag away ang dalawa. Inayos niya ang sarili. She intentionally wore a very sexy outfit para matalbugan si Paige. Bumaba na siya ng sasakyan niya at naglakad na papuntang restaurant kung saan anduon ang dalawa.

Hindi napansin nina Paige ang pagpasok ni Nina, kaya nagulat pa sila nang bigla nalang itong lumapit and kissed her husband on the lips. Shock na napasinghap siya. Nakabawi sa pagkagulat si Ashton at itinulak ang babae.

"What the heck Nina! Bakit mo ako hinalikan?!" galit na tanong ni Ashton

"What's wrong Darling? eh diba parati naman natin itong ginagawa bakit ka mahihiya? Oh andito ka pala Paige hindi kita napansin. Sorry Am I disturbing you guys?" tanong nito in a very sweet voice

"It's okay Nina, I can leave you two. Excuse me..." sabi niya at tumayo at naglakad na palayo

"Paige! Wait! You will pay for this Nina!" sabi ni Ashton sa babae at hinabol na ang asawa

Nang makalabas si Paige ay may huminto namang taxi dahil may bumabang pasahero, kaya doon na rin siya sumakay. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Nina! And si Ashton? Bakit naman niya sinabi dito kung nasaan sila? Akala niya it's an important day for them? She didn't notice na tumutulo na pala ang luha niya. Tumikhim naman ang taxi driver kaya napalingon siya dito

"S-sorry po manong..." nasabi niya lang

"Walang ano man Ma'am. Saan nyo po ba gustong magpahatid?" tanong na lamang nito

"Mandaluyong po, Manong." sabi niya na pinapahid ang mga luha

Hindi na naabutan ni Ashton si Paige nakasakay na ito nang taxi. Saan kaya ito pupunta? Baka sa bahay ng Daddy niya. What went wrong? Bakit ginawa ni Nina ito, and speaking of the witch, Nina is walking towards him.

"What were you thinking huh Nina? Bakit mo ginawa iyon? sa mismong harapan pa nang asawa ko? And paano mo nalaman na andito ako?" galit na tanong niya dito

"Simple lang I followed you guys here." walang anumang sagot nito

"You're crazy! Bakit mo kami sinusundan?" sigaw na tanong niya

"Because I love you Ashton at alam mo iyan! I told you ako ang kailangan mo at hindi ang walanghiyang Paige na iyon!" sigaw din ni Nina

"Don't you dare talk to my wife like that Nina!" warning ni Ashton dito

"I told you Ashton akin ka lang ang I will make sure na mapapasaakin ka lang! Hindi mo pa matatanggap ngayon iyan but soon you will realize na ako ang babae para sa iyo at hindi si Paige!" nang gagalaiting sabi nito

"You're sick Nina! Hinding hindi ako mapupunta sa iyo! How many time must I tell you na wala akong pag ibig sa iyo! Kahit minsan ay hindi kita minahal kahit noon man! Please leave me alone and don't come to work anymore! Do you understand?" galit na sabi niya at iniwan na ito

Nabigla naman sina Arturo at Aunty Marie nang makita si Paige na pumasok sa bahay kaya tinawag ito ni Arturo

"Paige Hija! Bakit ka andito? Akala ko ba may date kayo ni Ashton" nagtatakang tanong niya

Paige paused and wipe her tears ayaw niyang makita siya nang Daddy niya. Humarap siya sa mga ito at lumapit, nagmano sa ama at sa tiyahin.

"Oo nga Paige bakit nga pala andito ka na aga-" hindi na natapos ni Marie ang sasabihin dahil nagsalita na agad si Paige

"Aunty Sorry po pero excuse lang po muna Dad aakyat na muna ako sa kwarto ko gusto ko po sanang mapag-isa" sabi niya at nagmamadali nang umalis doon. Hindi na niya kasi kayang pigilan ang luha niya.

Naiwan namang nagtataka ang dalawa.

"Ano ang nangyari kay Paige?" tanong ni Aunty Marie

"Aba'y ewan ko. Nasaan na nga pala si Ashton?" tanong ni Arturo

"Malay ko...di kaya nagtalo na naman ang mag-asawa?" nagtatakang tanong ni Marie

"Baka." sabi lang ni Arturo

"Akala ko ba eh special itong araw na ito para sa kanila?" sabi ni Marie

"Hayaan na muna natin dahil baka naman hindi masyadong malaki ang pinag awayan." sabi nalang ni Arturo

Papasok na sana silang dalawa nang marinig nilang may bumubusina sa gate mabilis naman ang pag responde ni Marta at binuksan ang gate. Nakita nilang sasakyan ni Ashton ang dumating

"Oh Ayan na pala si Ashton baka susuyuin na si Paige." natatawang sabi ni Aunty Marie

"Dad, Aunty! si Paige po nasaan?" agad na tanong nito

"Nasa kanyang kwarto...nag-away ba kayo?" agad na tanong ni Arturo

"Hindi po. Si Nina po ang may kasalanan nito." mabilis na paliwanag niya

"Sinong Nina?" nagtatakang tanong naman ni Aunty Marie

"Oo nga sino si Nina?" tanong rin ni Arturo

"Babae po na may sakit sa utak. Ginulo kami ni Paige kaya ayan tuloy akala ni Paige eh may relasyon kami." naiinis na sabi ni Ashton

"Huh?! Ex girlfriend mo ba hijo itong Nina na ito?" gulat na tanong ni Aunty Marie.

"Uhmm...muntikan po Aunty kaso hindi ko na itinuloy ang panliligaw kasi po nahahalata ko hong may saltik sa utak. Pupuntahan ko po muna ang asawa ko." sabi nito at pumasok na sa loob nang bahay.

"Iba talaga pag gwapo ka ano? ang daming mga babaeng nagkakagusto sa iyo.." natatawang sabi ni Arturo

"Eh kung may saltik rin naman eh huwag nalang! At isa pa Kuya diba dapat na mas si Paige ang dapat nating pagtuunan nang pansin? Kasi may ginawa daw itong Nina na ito na ikinagalit ng anak mo?" nag-aalalang sabi ni Aunty Marie

"Marie andyan ang asawa niya. Si Ashton na ang bahala diyan asawa naman niya si Paige. Pabayaan natin silang umayos niyan." sabi niya at itinulak na ang kanyang wheelchair papasok ng bahay.





Second ChanceWhere stories live. Discover now