Chapter 22

335 6 0
                                    

Christmas Eve. Nasa Coral Garden sila ni Ashton. Duon siya dinala ng binata, dahil duon daw nito gustong mag pasko na kasama siya. Kasi daw first Christmas nila together. Ashton is very romantic in his own way, at yun ang isa sa mga rason kung bakit mas lumalim pa ang pagmamahal niya sa binata. Nasa may restaurant na siya ng resort pero hindi niya pa rin makita ang nobyo. Siguro may kausap na naman ito sa telepono. Yun lang ang complain niya dito busy ito sa work. Pero kahit ganun hindi naman siya nito pinababayaan kahit kailan. May nakitang bakanteng lamesa si Paige kaya umupo na siya duon. Maya't-maya may isang babaeng ang lumapit sa kanya.


"Miss. Angeles...ready na po ang spa room for you Ma'am." nakangiting sabi ng babae

"Spa room? Hindi naman ako ngpa sked ng spa ngayon ah." nagtatakang tanong niya.

"Ipina schedule po ni Sir Ashton Ma'am" nakangiti pa rin ito.

"Si Ashton?" nagtataka pa ring tanong niya.

"Opo Ma'am." sabi pa ng babae

Tumayo na rin si Paige at sumunod sa babae. Pumasok sila sa isang  malawak na silid na napaka aliwalas tingnan. Itinuro ng babae ang kanyang kwarto. Nagshower, nag sauna at pagkatapos ng babad sa tub si Paige. Pagkatapos gawin lahat, saka naman dumating ang isang babae na may palakaibigang ngiti. Pumunta sila nung babae sa may dalampasigan. Namangha siya nang makitang may isang  tolda na gawa sa kawayan, at nippa naman ang bobong nito at napapalibutan ng puting kurtina. Nakaharap ito sa may dalampasigan. pumasok sila at namangha ng todo si Paige, Napaka relaxing. Pinahiga na siya sa isang massage bed para sa kanyang massage.

Habang sina Ashton, Andy at Cathy ay inaayos ang sorpresa nila mamaya. Nasiyahan naman si Ashton at hindi nagbabangayan ang dalawa. Gusto niya na maging espesyal ang gabing ito para kay Paige.

"Oh Pare sigurado ka bang hindi magagawi dito si Paige? Naku kung ganun baka maging failure ang surprise" nag-aalalang tanong ni Andy.

"No she's on the other side of this resort. I made sure na hindi siya pupunta dito. She's pampering herself right now." Nangisi namang sabi ni Ashton.

"Bilib talaga ako sa'yo Boss, sige na bilisan na natin to para matapos na agad. Cathy bilisan mo naman ang bagal eh."  asar pa nito kay Cathy

Napapailing nalang si Ashton sa Kaibigan. Parang may gusto ata itong si Andy kay Cathy. Kasi kahit tahimik na ang babae ay inaasar pa rin niya ito. Sana magtagumpay ang plano niya ngayong gabi. He will pop the question tonight. Nagpaalam na rin siya sa Daddy ni Paige. He talked to the elders bago niya yayaing pakasal si Paige. Both of them agreed na it's about time na nga na magpropose siya. He wanted this to be very special for Paige. Kaya kinausap niya ang dalawa para tulungan siyang mag arrange ng lahat. Kahit naman business deal lang ang lahat ng ito he thinks  Paige deserve a memorable proposal. He surveyed the place, lights are up, the table is set, the flowers are perfectly arranged hinihintay nalang nila ang sunset. Tinawag ni Ashton ang kaibigan na busy pa rin sa pang-aasar kay Cathy.

"Andy!" tawag ni Ashton

"Yes Boss?" sabi naman ni Andy nang makalapit sa kanya

"Aminin mo nga may gusto ka ba kay Cathy?" seryosong tanong niya.

"What?! Pare naman huwag ganyan. hindi magandang biro yan."  Gulat na sagot nito.

Hindi nila namalayang nakikinig pala si Cathy kaya nagulat pa sila nang magsalita ito

"EXCUSE ME!!!! Iyan magkakagusto sa akin? NO FREAKIN WAY! Hoy bansot kahit na ikaw nalang siguro ang lalaki sa buong universe hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo!" Galit na galit na saad ni Cathy.

"HUH! EXCUSE ME KA RIN NO!!!! mas lalo namang hindi ako magkakaguso sa'yo! Ang gaganda nang mga naging girlfriends ko compare sa iyo.!"  Pang-aasar pa rin ni Andy

"For sure mga bulag ang mga exes mo na yon! Biruin mo naman sinagot ka?! Ewww!!!" maarteng sabi naman ni Cathy

"Bakit ilan na bang naging boyfriend mo?! HUH? sigurado ako wala ka pang nagiging boyfriend dahil walang nagkakagusto sa iyo." asar ulit ni Andy

"Huh!! yan ang akala mo Bansot! Naku! Ashton itabi mo nga itong kaibigan mong bansot baka lilipad ito sa ibang planet pag nasipa ko ito sa sobrang inis!!!!" Naiinis na sabi ni Cathy.

"Hey Guys tama na iyan okay? We made an agreement na gagawin nating special ang gabi na ito for Paige kaya truce na muna kayong dalawa okay?"  Pangungumbinsi ni Ashton

Nag-irapan naman ang dalawa at tumalikod. Naiwan si Ashton na natatawa sa dalawa. 


Sa wakas ay natapos din nila ang pag-hahanda. Ashton was glad na nagkasundo naman ang dalawa na magbati muna. Tiningnan niya ang kanyang relo at biglang naalala ang kasintahan. Pinuntahan niya sina Cathy at Andy na hindi pa rin nag-uusap pero hindi rin naman nag-aaway. Nakaupo ang dawala sa isang sulok habang umiinom ng juice.


"Guys pupuntahan ko muna si Paige baka kasi nakatulog na yun. Mag ready na rin kayo for later. And Guys salamat talaga sa mga tulong ninyo." pasalamt niya sa dalawa

"No problem anything para sa ikaliligaya ng bestfriend ko, sige magbibihis na muna ako." nakangiti namang saad ni Cathy at tumayo na rin para maghanda.

"So ano Pare ready ka na ba? Ito na yon." sabi ni Andy

"Sa totoo lang pare hindi ko alam pero kinakabahan ako. paano kung  no ang sagot?" said Ashton

" Oo nga ano? Paano na nga pala yon?" nagtataka ding tanong ni Andy

"Sabi naman ni Tito Arturo na Paige will say yes." sabi nalang niya

"Kaya dapat make sure na yes ang sagot niya. Kapag hindi niya tinanggap ibig sabihin the deal is off right?" tanong ni Andy

"Parang ganun na nga."  sabi lang niya

"So either way you, you've got nothing to lose. Just pop the question." Nakangiting sabi ni Andy.

Nakita na ni Ashton ang massage tent na ipinatayo niya para kay Paige. She saw Paige laying on her tummy peacefully sleeping. He can't deny it she is very pretty. And soon she will be her wife. Hindi pa rin siya sigurado kung tama ba itong mga ginagawa nilang tatlo sa babae. Sinenyasan niya ang babaeng nagmamasahe sa kasintahan. Tumango naman ito at kinoberan si Paige ng kumot sa likuran. He sat down just to level her face with Paige's face. Walang kamalay-malay na may nakatunghay sa kanya. He slowly rubbed his nose on her forehead and then to her nose. Umungol ito sign na nadisturbo niya. Then slowly Ashton kissed her on the lips just a smack. At duon na nagmulat si Paige ng mata at nangumiti sa kanya.

"Hello Beautiful.." nakangiting bati ni Ashton

"Hello Handsome...nakatulog ata ako.." bati rin nito na nakangiti at tatayo na sana ng pigilan niya ito

"No no not yet, hubad ka pa ata. tatalikod na muna ako para makapag-ayos ka." sabi niya sabay talikod.

Nataranta naman ang babae at bumalik sa pagkakahiga.

"Oh no! sorry nakalimutan ko...pwede mo bang iabot sa akin ang robe ko please? at pasara na rin nung kurtina sa harapan" nahihiya niyang sabi

"Okay sandali. just stay laying." si Ashton

Kinuha ang robe na nasa isang rack at iniaabot kay Paige, pagkatapos sinarado ang kurtina. Tumalikod din naman siya agad pagkapos gawin lahat nag pinakiusap ng babae. A few seconds later nagsalita na ito para ipahitawag na tapos na itong magbihis.

"Okay I guess I am decent now. You can turn around" nahihiya pa ring sabi nito.

" I just came here para sabihin na mag ayos ka na for tonight, you have a dinner date with me." nakangiting sabi niya

"Oh really?  Well...i should get ready then. Ayaw ko namang paghintayin ang gwapo kung boyfriend sa dinner date na ito." Nakangiti na rin nitong sabi.

"Well...I shall see you later then My lovely Paige." sabi pa ni Ashton sabay kindat niya sa babae.



Second ChanceWhere stories live. Discover now