Chapter 45

407 8 0
                                    

Dahil pinapatutulog na ni Aunty Marie si Ryder ay nagkaroon na nang pagkakataon na mag usap ang dalawang lalaki. Tulak tulak ni Don Ansel si Arturo sa wheelchair nito papuntang garden mas gusto nang huli na duon mag-usap dahil naboboro na ito sa kakaka stay sa loob ng bahay

"Salamat Ansel." sabi niya sa kaibigan matapos na ihinto nito ang kanyang wheelchair malapit sa mesa

"Walang ano man. Kumusta na ba ang lagay mo? Sinabi ba nang mga doctor kung makakapaglakad ka ulit?" tanong nito.

"Hindi nga eh. Ganito na siguro talaga ang kapalaran ko. Pero okay naman na ako at least andito na si Paige makakatulog na ako nang mahimbing." sabi niya

"Arturo, alam ko ang dahilan kung bakit gusto mo akong makausap. Tungkol ba ito kina Ashton at Paige?" tanong nang lalaki

Hindi na muna sumagot si Arturo dahil anduon si Marta at nagseserve nang maiinom. Nang makaalis na si Marta ay nagpatuloy naman ang dalawa sa pag-uusap.

"Baka naman pwede mong kausapin si Ashton na huwag nang kunin si Ryder kay Paige...naaawa ako sa anak ko Ansel. Ako ang dapat sisihin sa lahat nang nangyayaring ito sa kanya. Kung sana hindi ko pinilit si Ashton na pakasalan niya ang anak ko hindi sana ito nangyayari." lumuluhang sabi ni Arturo.

"Balae...naiintindihan kita. Pero please huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama. Pasasaan ba at magkakaayos din ang dalawa. Baka kaya ibinigay nang Diyos si Ryder ay para muling pagbigkisin ang naputol nilang ugnayan." Ansel said in a hopeful voice.

"Ako ang nasasaktan sa tuwing umiiyak si Paige...ngayon nga nalaman pa niyang mawawala na rin ang bahay na ito sa amin, ang dami daming problema. Ito nga at wala naman akong magawa dahil nakakulong sa wheelchair." sabi ni Arturo.

"Arturo, sabi ko naman sa iyo ako na ang mag-aayos nang sa bahay mo. Kakausapin ko ang banko. Huwag na muna nating aalahanin ang bahay. Ang tungkol na muna sa dalawa ang asikasuhin natin. Napakiusapan ko na ang anak ko pero ayaw talagang makinig eh. Matigas din ang ulo mana sa yumaon kung asawa." Paliwanag ni Ansel.

"Salamat Balae pero huwag ka nang mag-abala pa tungkol sa bahay, Ayos naman na kami kung wala ito eh. Si Ryder lang talaga ang pinuproblema namin ngayon." sabi niya.

Maya't maya ay narinig nilang may bumosina.

"Oh Balae baka sina Paige na iyan." sabi ni Arturo

Nakita nilang dalawa na bumaba sina Paige at Cathy. Nakita naman sila nang mga ito kaya doon na rin tumungo ang dalawa. Narinig siguro ni Aunty Marie na dumating na sila kaya lumabas na rin ito.

"Paige Hija!" masiglang bati ni Ansel

"Tito Ansel!" masaya din niyang bati at yumakap at humalik sa pisngi ng matandang lalaki

"Anong Tito? Papa mo pa rin ako. Ang ganda ganda mo pa rin hija. Kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita. Namiss kita.!" sabi ni Ansel

"I missed you too Papa!" ganti naman niyang sabi dito. Kahit naman isang taong lang silang nagkasama ni Ashton pero napamahal naman ito sa kanya.

Nakaupo silang apat sa lawn chairs, habang si Arturo sa kanyang wheelchair. Nagkumustahan, hanggang sa mabuksan ang topic tungkol kay Ryder. Si Don Ansel ang unang nagsalita.

"Paige anak, pasensya ka na sa mga gingawa ni Ashton. Kahit ako nabigla rin sa desisyon niya. I tried talking to him kaso matigas ang ulo nang lalaking yun eh hindi na nakikinig." umiiling na sabi nito

"Ansel...baka naman pwede mo uli siyang kausapin? baka this time makikinig na siya..." nag-aalalang sabi ni Aunty MArie

"Hayaan mo at kakausapin ko ulit siya Marie." pagbibigay assurance naman ng Don

"Nagkausap na po kami ni Ashton Dad, Pa, Aunty Marie..." mahinang sabi niya

"Talaga anak? Oh ano daw sabi?" Arturo asked.

"Ahhmmm...he is willing to withdraw the case if... magsasama kami ulit" sabi ni Paige na nakayuko

"Talaga?! Sinabi nang anak ko yon? Eh di magandang balita iyan!" natutuwa namang sabi ni Ansel

"Paige...iyan ba ang gusto mo Hija?" nag-aalalang tanong ni Aunty Marie

"Hindi ko po alam Aunty..." naiiyak niyang sabi

"Girl, Maybe it's best if you'll give it a try...for Ryder?" sabi naman ni Cathy.

Masayang naghahapunan sina Paige nang sabihin ni Marta na dumating si Ashton.

"Ate Paige andito po si Sir Ashton." sabi ni Marta at umalis na rin agad

Sa narinig bigla namang bumaba nang upuan si Ryder at masayang sinalubong ang ama.

"Daddy!" sigaw nang anak.

"Hey Buddy! how are you?" nakangiting tanong niya

"Good! come let's eat Mom cooked something really yummy!" anyaya nang bata

Ipinagpatuloy lang ni Paige ang kinakain.

"Oh anak andito ka rin pala?" sabi ni Ansel

"Pop? hindi ko nakita ang sasakyan mo sa labas." nagtatakang tanong nito

"Ahh sinabi ko ke Dan na tatawagan ko siya pag uuwi na ako. But since andito ka na rin lang sayo na ako sasabay." sabi ni Don Ansel

"Oh Hijo halika na at sumabay ka nang kumain sa amin. Marta pakikuha mo nga nang pinggan si sir Ashton mo please." sabi ni Aunty Marie

Umupo ito sa kanyang harapan. Naiilang siya dahil matiim itong nakatingin sa kanya. Ano na naman kaya ang iniisip nang lalaking ito.

Tahimik lang silang kumakain. Si Ryder lang ang nagsasalita na sinasagot naman nang dalawang Lolo at minsan si Ashton na rin.  Nasa sala na silang lahat at nagkukwentuhan, habang sina Ashton at Ryder ay naglalaro nang toy cars sa sahig at ang tatlong nakakatanda naman ay nag-uusap nang tungkol sa negosyo at politika. Tumayo naman sina Paige at Cathy at nag excuse ang dalawa sa mga naroroon. Pumunta sila sa may swing at naupo duon.

"Ano ba iyan nakaka stress naman sa loob. Ang awkward awkward! mabuti pa ang tatlo at may napag-uusapan habang tayo nakikinig lang." sabi ni Cathy

"Oo nga eh...mas mabuti nga at umalis na muna tayo doon at nang makalanghap naman nang sariwang hangin." sabi niya

"So ano na ang desisyon mo? Tatanggapin mo ba ang offer ni Ashton?" tanong ni Cathy

"Hindi ko alam Cath..." sabi lang niya.

"Naiintindihan ko kung nahihirapan kang tanggapin kasi nasaktan ka nang husto noon. Pero bigyan mo rin sana nang chance si Ashton kasi baka naman sa isang taon na iyon eh minahal ka naman niya talaga." Paliwanag ni Cathy.

"Ni minsa sa isang taon na iyon ay hindi ko narinig ang mga katagang mahal niya ako, kaya mahirap para sa akin ang umasa." malungkot na sabi niya

"Pero alam mo sa tingin ko? minahal ka niya...kasi nakikita ko sa mga kilos niya at sa paraan nang pagtingin niya sa iyo, kahit kanina nga eh grabe kung makatingin." nakangiting sabi ni Cathy

"Ewan ko sa iyo Cathy kung anu-ano ang napapansin mo eh wala naman." sabi niya

"Seriously though, Paige, I think you should give your marriage a second chance para kay Ryder. Hindi ka man mahal ni Ashton ngayon, at least give him that chance to love you back, para man lang sa anak mo at sa iyo na rin. Baka naman kasi mali ka lang nang akala noon." seryosong sabi ni Cathy

Hindi na umimik si Paige may katwiran din kasi si Cathy. At least kung tatanggapin niya ang alok nito, hindi na mawawala sa kanya ang anak at iyon lang naman ang importante sa kanya, then maybe..maybe he will eventually learn to love her. Napabuntong hininga si Paige.





Second ChanceWhere stories live. Discover now