Chapter 16

370 7 0
                                    

Nasa isang Party si Paige kasama ang Daddy niya. Ayaw sana niyang sumama kaso pinilit siya ng Daddy niya. Paano ba kasi birthday party ni Ashton ang party na ito. Alam na naman ni Paige na magkakilala ang Daddy niya at and Papa ni Ashton kasi nasa iising business circles lang naman ang mga ito. Nenervous na siya kasi baka makita niya si Ashton duon. Sandali...makikita nga nya talaga ang lalaki kasi party niya ito eh. Lumilinga siya sa paligid, hindi niya ata nakikita si Nina? At kahit sa school hindi niya na rin nakikita si Ashton na sinusundo ang babae. Hay naku! babaero talaga! Tatayo na sana si Paige ng may magsalita sa likuran niya.


"Hi, Paige right?" nakangiting bati ni Ashton

Para namang na estatwa si Paige. Did he just call her name? 

"H-hi..yes it's Paige. H-happy Birthday nga pala. S-sorry wala akong dalang regalo kanina lang kasi sinabi ni D-daddy na pupunta kami dito kaya hindi tuloy ako nakapaghanda."  nauutal na paliwanag ni Paige. She's really shy kasi last time na kinausap siya nito eh 2 years ago pa sa isang party. Kaya nakakapagtakang nakilala siya nito.

"It's Okay. But you owe me a dinner date though." nakangiti pang sabi ni Ashton

"Huh?! Ahhh sure! anytime just let me know kung kailan mo gusto" nakangiti na rin niyang sabi. For all she know hindi naman seryoso ang lalaki.

"Really? Then can I get your number? Para matatawagan kita kung kailan ako pwede?" sabi pa nito habang inilalabas ang cellphone.

"Huh..ah oh sige ba."nagulat na sabi ni Paige pero ibinigay pa rin niya ang kanyang number.

"Saved! I will call you then pag hindi na ako busy. By the way bakit parang nag-iisa ka ata dito? Are you bored? Pwede ba akong umupo dito?" Ashton asked with a sweet smile.

" S-sure. Pero baka hanapin ka ng mga bisita mo?"  nauutal na naman siya.

"Nah, my secretary Andy will take care of that." he said

They were very quite. Hindi rin naman alam ni Paige kung paano uumpisahan ang usapan. Saan na ba kasi ang Daddy niya. Napasulyap siya sa lalaki na nakatingin lang sa kanya.

"Would you like to dance? Gaya ng dati?" Ashton asked sabay lahad ng kamay.

He did remember her! Parang hindi makapaniwala si Paige. They knew each other noong sixteen pa siya,but  Ashton stopped talking to her simula noong pinamahalaan na nito ang company ng Papa nito, Hindi na rin ito dumadalo ng mga parties at anong event. Kaya tumugil na rin siyang dumalo kasi ano pa nga pa ang point eh hindi niya rin naman makikita si Ashton.

"Paige...?" untag ni Ashton sa pag-iisip niya.

"Huh? ah s-sige." sabi niya na inabot na rin ang kamay ng binata.

When their hands touched parang nakuryente naman si Paige. Napatingin siya ke Ashton, parang naramdaman din ata ng binata ang kuryenteng naramdaman niya. Dinala na siya ni Ashton sa gitna ng dance floor.

"I just noticed hindi ka na pala teenager, I remember noong sixteen ka, you will only dance with me. It was fun going to parties then kasi alam ko makikita at makakasayaw kita." Ashton said and looked into her eyes.

Paige couldn't believe what she is hearing."Please someone pinch me. Am I dreaming?" kausap niya sa isip niya

"Paige? are you okay natahimik ka?" nag-aalalang tanong ni Ashton

"Ah wala p-pwede na ba tayong umupo?" sabi nalang niya.

"Sure." inalalayan pa siya ni Ashton.

Inihatid siya ni Ashton sa mesa niya. Uupo na sana ito ng dumating ang isang lalaki at may ibinulong sa dito.

"Ah Andy ito nga pala si Paige. Anak ni Tito Arturo. Paige ito naman si Andrew Gonzaga secretary at best friend ko." Pakilala ni Ashton kay Andy

"Andy nalang! Hello Paige. Totoo nga ang ganda mo nga. hihiramin ko muna itong Boss ko ha kasi may client kaming kakausapin." sabi naman ni Andy

"Hi Andy nice meeting you. At salamat sa papuri kahit binubola mo lang ako, salamat na rin. Sure you can borrow him " medyo ngblush pang sabi ni Paige.

"No hindi ako ngbibiro you look stunning tonight. Nice meeting you again. Pare mauna na ako sa loob sunod ka agad ha? Sige Paige." Paalam na ni Andy

"You are very beautiful tonight Paige." makahulugan namang sabi ni Ashton.

"Salamat." Yun lang at feeling niya eh masusunog na ang pisngi niya sa pamumula.

"You're welcome. I have to go and see those clients now. Enjoy the party" sabi pa ni Ashton sabay halik sa pisngi niya.

Paige froze. Did he just kissed her on the cheek? This was the first time na ginawa ito ng lalaki sa kanya. Parang may sariling isip ang kanyang kamay na hinaplos pa ang pisngi kung saan siya hinalikan ni Ashton. Kung wala lang siya sa party kanina pa siguro siya tumalon-talon sa tuwa.

"Lord... Ito na ba ang sagot sa mga panalangin ko na sana mapansin din niya ako?" bulong ni Paige sa sarili habang nakatingin sa langit

Hindi na bumalik si Ashton sa table niya. Pero okay lang yun basta may good memory na siyang maitatago sa gabing iyon. Nakita niyang papalapit na ang kanyang Daddy, kaya sinalubong niya ito ng ngiti.

"Hi Dad!" masayang bati ni Paige

"Sweetheart I am so sorry at iniwan kita ditong nag-iisa may mga kinausap lang ako. Pero tika mukhang masaya ka ata? May maganda bang nangyari habang wala ako?" Pabirong tanong ni Arturo sa anak

"Wala naman Dad si Ashton lang naman ang kausap ko kanina." nakangiti pa rin sabi ni Paige

" Oh akala ko ba wala ka ng gusto kay Ashton pero bakit parang kinikilig ka dyan?" biro pa rin ng Daddy niya.

"Wala na nga!" denied Paige.

"Okay wala na kung wala. Ano ready ka na bang umuwi? I am tired gusto ko nang umuwi at magpahinga." Pagod na sabi ng Ama ni Paige.

"Yes, I'm ready. let's go?" yaya na ni Paige sa ama.

Habang ngsusuklay ng buhok ay masayang masaya si Paige. Pangisi-ngisi pa siyang nakatingin sa harap ng salamin, ng biglang mag beep ang cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone niya at binasa ang text. Hindi niya kilala ang number.

"Hey sorry hindi na kita nabalikan kanina. I got caught up with some business stuff. sorry talaga.~Ashton~"

Parang gusto nang sumigaw ni Paige sa sobrang tuwa! She covered herself with pillow then screamed! Oh goodness hindi niya alam na nagtetext din pala ang lalaki. Parang gabi niya nga ngayon kasi doble dobleng blessings naman itong nangyayari sa kanya. Wait. She need to text him back dahil baka naman may masabi ito sa kanya.

"Hi. No problem :-) I understand. ~ Paige~"

" Thanks. Good night and sweet dreams. ~ Ashton~"

"Good night and sweet dreams to you as well ~Paige~"

Habang nakahiga, si Ashton pa rin ang laman ng isip niya. Parang nakalimutang na ata niya ang pangako niya sa sarili na kakalimutan na ang lalaki?  Hay bahala na nga si batman. Saka na niya iisipin kung ano ang mangyayari.


Ashton couldn't sleep as well. Iniisip niya rin si Paige. Nagiguilty siya dahil sa mga ginagawa nilang kasinungalingan kay Paige. He can't bare to see her cry once na malaman nito ang totoo. The party was part of their plan. Totoo naman na birthday niya pero hindi naman siya nagpapa party kasi para sa kanya its a waste of time. But this time is different nagpaparty sila para isagawa na ang plano to officially get to to know Paige. Sana talaga hindi masyadong masaktan ang babae.




Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon