Chapter 40

414 7 2
                                    

Nakaalis na si Ashton pero naka upo pa rin si Paige sa may garden, umiiyak. What just happened a while ago? Kukunin ni Ashton si Ryder sa kanya?

"No...I wont let that happen. Hindi niya makukuha sa akin ang anak ko." bulong niya sa hangin

Mali ba ang pag uwi niya ng Pilipinas? Ano na ang gagawin niya ngayon? Hindi pwedeng hahayaan nalang niyang makuha ni Ashton and anak. Alam niya may karapatan ito sa bata pero paano naman siya? Maya-maya ay lumapit sina Cathy, Aunt Marie at Daddy niya.

"Paige Hija, ano ang nangyari bakit ka umiiyak?" tanong ng Daddy niya

"May ginawa ba sa iyo si Ashton hija?" si Aunty Marie.

"Dad, Aunt, Cathy...kukunin daw ni Ashton si Ryder...." napahagulgul na sabi niya

"What?!" si Cathy

"Hija...hindi niya magagawa sa iyo iyan...." nababahalang sabi ni Arturo

"Dad, sabi niya na dadalhin niya daw sa korte ang tungkol dito. Ano ang gagawin ko? Si Ryder nalang ang meron ako....Dad....Aunty....Cathy....si Ryder....ano na ang mangyayari sa akin...." iyak na nag iyak si Paige

Wala namang magawa ang tatlo kundi ang damayan na lamang siya. Hanggang sa mag salita ang Daddy niya.

"Anak, baka nabigla lang si Ashton. Hayaan mo at kakausapin ko siya, tahan na Paige." pang-aalo ni Arturo sa anak.

"Dad...galit na galit siya sa akin. He's mad dahil tinago ko si Ryder, Lahat alam nang tungkol sa anak ko pero siya hindi. Sabi niya He will make me suffer...Daddy....ano ang gagawin ko?" naguguluhan nang sabi ni Paige.

"Paige tama si Uncle, let's wait and see baka galit lang yun ngayon kaya may mga nasabing hindi maganda." sabi ni Cathy

"Sana na nga...Oh Lord....please sana nga hindi ko kakayanin pag nawala sa akin ang anak ko." she cried.


Nakauwi na si Ashton sa Mansyon nila nang salubungin siya ng Ama. Bumalik siya sa bahay ng ama a month after na umalis ang asawa ayaw na niyang manatili sa Condo dahil maraming ala-ala si Paige doon. It drove him crazy pag nag-iisa siya duon kaya bumalik nalang siya sa Mansyon.

"Ashton naihatid mo na ba si Ryder?" tanong nito.

"Yes Papa. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na dito na titira si Ryder sa atin, with me." seryosong sabi niya

"What do you mean?" tanong nito

"Simple lang he will be with me. He is my son kaya titira siya kung saan andun ang ama niya right?" sarkastikong sabi niya

"Pumayag na ba si Paige na magkabalikan kayo?" nakangiting tanong ng ama

"No. Ryder will live with me whether she likes it or not." sabi ni Ashton na may galit sa tono

"But Ashton...Ina ni Ryder si Paige. Walang kilalang magulang si Ryder maliban sa kanya." nag-aalalang sabi ni Ansel

"Well..She should've thought about it five years ago! Bago niya inilihim sa akin ang tungkol kay Ryder." he said firmly

"Anak...You will break Paige's heart...mahal na mahal niya si Ryder..." sabi ni Ansel sa mahinang boses

"Break her heart? Pa what about me? diba sinaktan niya din ako? at mas lalo niya akong sinaktan dahil sa ginawa niyang paglilihim sa akin. Do you think hindi ko mahal ang sarili kung anak?!" he said

"Ashton...please..-" Ashton cut his father off

"No Pa...I made up my mind. Kukunin ko si Ryder. Buo na po ang desisyon ko." sabi niya sabay talikod na sa ama.


Hindi makatulog si Paige sa kakaisip ng tungkol sa sitwasyon nila ni Ryder. Ano ba ang gagawin niya? Babalik ng Canada? Tama! babalik sila nang Canada! Sa naisip nabuhayan ng loob si Paige. Bukas na bukas din ay magpapabook siya ng ticket. Bumaba sya sa hardin at umupo sa swing. Naalala niya noong maliit pa siya, tuwing hapon dito siya umuupo habang pinanonood ang Mommy niya na nag-aalala ng mga bulaklak nito.

"Kung sana buhay si Mommy...baka mas alam ko ang tamang gawin, kasi alam ko na katulad niya naiintindihan niya ang damdamin ng isang ina." bulong niya sa sarili

Samantala nasa may swimming pool naman si Ashton ng kanilang Bahay, nag-iisip habang umiinom. Galit na galit siya kay Paige. Actually wala naman talaga siyang balak na kuhanin sa kanya si Ryder, but hes angered stirred nang malaman na alam pala ng Papa niya ang tungkol sa anak pero hindi man lang sinabi sa kanya, ano? dahil sa ayaw ni Paige na ipaalam sa kanya? Bakit? Ginawa talaga siyang tanga ng Asawa...She let her family and his father knew about Ryder but him? Diba dapat siya ang unang makakaalam ng tungkol sa anak dahil siya ang Tatay? Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Andy.

"Andy, call Atty. Caron early tomorrow and set a schedule to meet him ASAP." yun lang at pinutol na niya ang tawag.

Nasa kusina si Paige at nagluluto ng almusal ng makitang papasok si Cathy.

"Good morning Paige. Ang aga mo atang gumising? Okay ka na ba?" bati nito sa kaibigan.

" 'Mornin. Hindi pa rin...hindi nga ako nakatulog eh..." sabi niya at humarap na dito.

"Holy Molly! Paige! para kang zombie! halata nga na wala kang tulog tingnan mo nga yang mga mata mo oh nangingitim? Ako na diyan at magpahinga ka na ulit." sabi nito sabay kuha ng sandok.

Ibinigay naman ni Paige ang sandok sa kaibigan at umupo sa bar stool na nasa may island counter ng kusina.

" Cathy...nakapagdesisyon na ako...babalik na kami ni Ryder ng Canada." mahina niyang sabi

"What?! Akala ko ba eh gusto mo nang bumalik dito dahil gusto mong alagaan na ang Daddy mo?" tanong ng kaibigan.

"I will talk to him para pumayag na syang sumama sa amin. Duon maalagaan ko rin naman siya eh." sabi niya.

"Paige...sa tingin mo papayag si Uncle Arturo?" tanong nito

"I will pursue him Cath...kesa naman sa makuha sa akin si Ryder...hindi ko makakaya yon. Cathy...kung gusto mong huwag nang bumalik ng Canada I will respect that. But this is the only choice I have to keep my son with me." naluluha na niyang sabi.

"I understand Paige...kung ako din ang nasa sitwasyon mo ganyan din ang gagawin ko." sabi nito at niyakap ang kaibigan

"Thanks Cathy..." sabi niya dito

"Oo naman! hay naku! tama na nga iyang drama. It's early in the morning. Bago tayo umalis makipagkita na muna tayo sa mga bruha nating kaibigan okay? Kasi baka magtampo naman ang mga iyon ilang araw na tayong nakabalik ng Pinas, hindi pa tayo nakikipagkita." paliwanag nito

"Oo nga ano? sige tatawagan natin sila after breakfast." nakangiti na niyang sabi.

Namimiss na rin naman niya sina Anne at Faye. Matagal na rin naman nilang hindi nakikita ang mga kaibigan. And besides, i think its good to hang out with some friends para naman maaliw din siya kahit ilang oras man lang.

Nasa Opisina na si Ashton. Binabasa niya ang mga papeles ng mga loan records sa banko ng mga Angeles. Nanghihinayang siya sa bahay ng mga ito. He remembered na special kay Paige ang bahay na iyon dahil duon ito lumaki at maraming mga alaalang iniwan ang Mommy nito sa bahay na iton. Kinuha niya ang telepono at tinawagan sa personal number nito si Atty. Morales.

"Hello po Atty.Morales. Can we meet sometimes this week? Opo sana. Tungkol po ito sa problema nang mga Ageles. Opo Attorney. Sige po. I will clear my schedule for tomorrow. Thanks. Bye." Yun lang at binaba na niya ang telepono





Second ChanceWhere stories live. Discover now