Chapter 48

388 7 0
                                    

Nag-papaalam na si Paige at Ashton kina Arturo, Aunty Marie at Cathy. Dahil sa kakapilit ni Aunty Marie na doon nalang sila maghapunan kaya gabi na nang magdesisyon silang umalis. Nakatulog naman na si Ryder pagkatapos ng hapunan.

"Paige anak come and visit us anytime okay?" sabi ni Arturo

"Dad...pupunta po kami dito bukas ni Ryder." sabi niya sa ama

"Hay naku Kuya para namang mag aabroad iyang sina Paige." natatawang sabi ni Aunty Marie.

"Bye Paige. See you." sabi naman ni Cathy sabay yakap at halik sa kaibigan

"Sige po Dad, Aunty at Cathy aalis na kami." sabi ni Ashton habang karga karga ang anak

"Sige Hijo mag-iingat kayo." Aunty Marie

Nang makaalis sina Ashton at Paige ay kinausap naman ni Cathy sina Arturo at Aunty Marie.

"Tito at Tita...since wala na po sina Paige dito eh baka lilipat na rin po ako." pagsisimula niya

"Huh? bakit naman hija? ayaw mo na ba dito sa amin?" tanong ni Arturo

"Siyanga Cathy hindi mo na ba nagugustuhan dito anak" it was Aunty Marie

"Eh kasi Tita Tito hindi po ba nakakahiya na andito ako kahit naman na wala na dito si Paige?" nahihiya namang paliwanag niya

"Sus tong batang ito syempre hindi! Hindi ka na iba sa amin Cathy kapamilya na ang turing namin sa iyo okay? Stay here as long as you want." sabi naman ni Arturo

"Oo nga naman hindi ka na iba sa amin. Mabuti nga at andito ka at nang may nakakausap ako" Nakangiti namang sabi ni Aunty Marie.

"Maraming salamat po Tito at Tita. Naku! akala ko pa naman eh makikipag away na naman ako doon sa pinsan ko na siyang nakatira sa bahay namin dati. Thank you po ulit." sabi ni Cathy at niyakap ang dalawa.

"Ikaw talaga Cathy kahit kailan puro ka biro." natatawang sabi ni Arturo.

Sa Condominium ni Ashton sila dinala ng lalaki. Malinis at maayos ito wala pa rin namang nagbago anduon pa rin ang mga gamit nila dati. Medyo malaki ang Condo na ito ni Ashton. May tatlo itong kwarto. Kaya medyo nabawasan ang kanyang alalahanin kasi parang awkward ata na magtatabi silang dalawa.

"Ipinalinis ko ito kina Erma kahapon at ipinaayos ko ang kabilang kwarto for Ryder. Do you want to look around while I put him to bed?" bigay alam nito. At pumunta na sa kabilang kwarto para ihiga ang anak sa kama.

"Oh okay. Para namang walang nagbago dito." sabi niya habang iniikot ang paningin sa palibot

"Yeah I didn't want any change. Alam ko kasi na ikaw ang ng decorate nang lahat nang iyan. Yong kwarto lang ni Ryder ang pinaayos ko." sabi nito nang makalabas na sa kwarto nang anak.

"Ah ganun ba...i wouldn't really care kung pina iba mo nang design Ashton." sabi niya

"I know but I don't want to. Anyways, gusto mo bang iunpack na muna ang mga gamit mo?" tanong nito

"Yeah I was going to ask you about that. So I will see you in the morning. Goodnight" sabi niya at tuloy tuloy na naglakad papunta sa kabilang kwarto.

"Where are you going?" nagtatakang tanong nito

"Sa kwarto ko?" sabi naman niya

"Did you forget our room? hindi diyan ang kwarto natin." natatawang sabi ni Ashton

"Natin? ano ang ibig mong sabihin?" kinakabahang sabi niya

Ashton thinks Paige is the most beautiful woman he laid eyes on. She's there standing in front of him looking confused but cute at the same time. Kaya tumayo siya at kinuha ang mga kamay nito at giniya sa kanilang kwarto.

"Natin. I mean our bedroom. Huwag mong sabihin na iniisip mong hindi tayo matutulog sa iisang kwarto?" natatawa niyang sabi

"As a matter of fact yes! I thought na magkahiwalay ang tutulugan natin." sabi nito

"Well...you're wrong. We will sleep in one bedroom just like the old times. Don't worry I wont force my right as your husband unless of course we both wanted it." nanunudyo pa niyang sabi

"Ashton Please! be serious saan nga ako matutulog?" naiinis na sabi nito

"Dito nga. Unpack your stuff then lumabas ka para makapag usap tayo. I will wait for you in the living room." sabi niya at umalis na rin agad

Naiwan namang nakatulala si Paige. Nalukot naman ang kanyang mukha nang mapatingin sa kama. They've shared alot of nights in this bed. She looked around and everything looks familiar. Anduon pa rin ang mga gamit na naiwan niya bago siya umalis wala paring nagbago. She put all her stuff in the closet at pumasok na sa bathroom. Nagulat pa siya nang makita na anduon lahat nang paborito niyang shampoo, conditioner and body wash. Napangiti siya. Nakakatouch naman ang mga gesture nang asawa. Alam pala talaga nito ang mga maliliit na bagay tungkol sa kanya. She went in the shower at naligo na.

Ashton is watching TV. Pero wala naman doon ang isip niya. He can sleep good tonight. Napangiti siya habang nanonood ng TV. Maya maya ay bumukas ang pintuan ng kanilang at lumabas si Paige. He look so simple and yet sexy sa suot na isang oversize shirt at malambot na klase ng tela na pajama pants na bright pink. She look so cute.

"Hey..." sabi nito

"Hey...want some coffee? or anything to drink?" alok naman niya

"Coffee? eh gabi na ah diba may pasok ka pa bukas? baka hindi ka makatulog niyan." she said in a concern tone

"Not for me though. Ikaw eh di ba parati kang umiinom ng kape bago matulog before?" natawang sabi niya.

"N-naaalala mo pa pala yon? Huminto na ako sa kakainom ng kape sa gabi simula noong mabuntis ako kay Ryder. Ipinagbabawal kasi ng doctor." sabi nito at umupo na rin sa tabi niya

"Of course I still remember. So ibig mong sabihin hindi ka na umiinom ng kape?" nagtatakang tanong niya

"Of course addict pa rin ako sa kape. Yun nga lang hindi na sa gabi bago matulog. Ikaw? addict ka parin ba sa kape?" natatawa na rin niyang tanong

"Yeah but I missed your coffee though." nakangiti niyang sabi at tiningnan ng matiim si Paige.

His wife looked down, namumula. nagbablush pa rin pala ang asawa kahit na may asawa at anak na. Napangiti naman siya.

"Siyanga pala bukas maghahalf day lang muna ako since Friday naman. I want us to go see a movie and maybe eat supper? Tayong tatlo nina Ryder." masayang sabi niya

"Yeah...that's a good Idea." nakangiti nama nitong sagot.

"Okay it's a family Date then!" sabi niya

Nanood naman ng tv si Paige. Habang nagshashower si Ashton at nang mapagod sa kakapanood pumasok na rin siya sa kwarto. Nakita niyang bihis na ito at pinupunasan nalang ang basang ulo. Ashton is a hunk alam naman niya iyon, it's been five years since huli niya itong nakita na walang pang itaas kaya medyo naiilang pa rin siya, She can't even look at him straight. Kaya she went to her side of the bed and lay down. Pinakikiramdaman lang niya ang asawa hanggang sa pinatay na nito ang ilaw, naramdaman niyang humiga na rin ito sa tabi niya. Niyakap siya nito sa likuran and kissed her neck. She stiffened. Maya maya pa ay nakatulog na ito. Hindi na niya inalis ang pagkakayakap nito. They slept like that, and Paige felt that same security again.



Second ChanceOnde histórias criam vida. Descubra agora