Chapter 42

358 9 1
                                    

Ginabi na nang uwi sina Cathy at Paige. Papasok na sila ng bahay nang makita nilang palabas din si Aunty Marie kaya lumapit sila dito. Bumati at Himalik silang dalawa sa babae

"Ay Naku! mabuti at andito na kayo...kanina pa si Ashton dito, hinihintay ka Paige." sabi ni Aunty Marie.

"Ah oo nga pala sabi nun na dadalaw pagkatapos ng work." sabi naman ni Cathy

"Paige...gusto atang hiramin si Ryder just for tonight. Excited naman yong bata, kaya ayun sa loob at gising pa dahil gustong magpa-alam sa iyo." nag-aalalang sabi ni Aunty Marie

"What?! No! Baka hindi na niya ibalik sa akin si Ryder Aunty." sabi niya at nagmamadaling pumasok nang bahay.

Nakita niyang nasa sala ang mag-ama at naglalaro, may mga toys na naka kalat sa sahig. Napansin naman agad siya nang mga ito. Masayang sumalubong at humalik si Ryder sa Ina.

"Mama! Where were you? Been waiting for you." sabi nang anak

"I'm sorry Bud. I met up with some friends I told you about it didn't I? So how was your Day?" masayang tanong niya sa anak. Hindi pa rin niya tinitingnan si Ashton na nakatayo at nakatunghay lang sa kanila

"It was great! Dad is here visiting me again. Mommy...can I sleep at Dad's tonight? Please Please pretty please?" makaawa na nang anak.

"Ryder, Don't worry you will come home with me tonight. Mom and I will talk about it okay?Just stay here and be good" sabi nito sa anak

"Okay Daddy." sabi ni Ryder at bumalik na sa pag-lalaro

Hinawakan siya nang lalaki sa kamay at hinila papuntang garden. Nakakainis na talaga ang hudas na ito parang namumuro na sa kakahila sa kanya. Nang hindi na sila tanaw nang anak ay pumalag na siya.

"Ano ba! hindi mo ako kailangang hilahin, you have mouth you! could've at least asked me nicely sasama naman ako sa iyo dito eh!." Inis na sabi niya.

"Talaga? Eh sa mukha mo pa lang kanina nang dumating ka parang gusto mo na akong sugurin nang kalmot. I assumed na nalaman mo na dadalhin ko si Ryder sa bahay just for a sleep over." sabi nito.

"I-ibabalik mo siya tomorrow diba? Just for tonight right?" nag-aalalang tanong niya

"Yeah just for tonight. Idadaan ko siya tomorrrow bago ako pumasok sa office." sabi nito

"Sige...okay lang sa akin iyon. As long as ibabalik mo siya." sabi niya na parang nabunutan nang tinik

" I want him to get used to me, bago ko siya kukunin sa iyo para pagdating nang panahon eh makakalimutan ka na niya!" sabi nito na may hint na nang galit

"Please Ashton, pwede ka namang bumisita sa kanya eh. Bakit kailangan mo pang kunin ang anak ko!" naiiyak na niyang sabi

"Anak mo?! let me correct you there Mrs. Navarro anak natin. Siya nga pala, baka bukas o sa makalawa the court will notify you for a court hearing, nag file na kami nang complaint against you. So I suggest na kumuha ka na nang abogado mo." Walang pakialam na sabi nito

Parang bigla namang nawalan nang kulay si Paige. Ang bilis talagang kumilos ni Ashton. Hindi siya makapag-isip. Parang hihimatayin siya pero hindi! She will fight it! Dapat hindi nito makita ang kanyang kahinaan

"No! You wont get my son! I will fight you Ashton! I will make sure of that! Akala mo susuko na ako? No freakin way!" galit na rin na sabi niya

"Well...That's good to know...pero kaya ba nang finances mo? Do you have money for lawyer's fee?" nang-iinsultong sabi nito

Natigilan siya. Wala nga pala siyang pera...pero hindi kakausapin niya si Faye baka pwede niya itong mapakiusapan tutal abogada naman na ang kaibigan.

"Of course I have! kahit wala gagawa ako nang paraan. Hinding hindi mo makukuha si Ryder sa akin." naiinis at naiiyak na sabi ni Paige

"Oh really? hindi ba nasabi sa iyo nang Daddy at Aunty Marie na wala na kayong kabuhayan at itong bahay ay maiilit na nang banko in a few weeks? So paano mo ngayon masusustentuhan si Ryder at paano mo mababayaran ang abogado? and lastly paano mo mabibili ang lahat nang gamot for maintenance nang Daddy mo? Think Paige....might as well give up now." mahabang sabi nito

"P-paano mong nalaman ang tungkol sa b-bahay na ito?" kinakabahang tanong niya

"I have my sources Paige. So I assumed na ngayon mo rin lang nalaman ang tungkol dito? Well...I hate to burst your bubble wifey, but somehow you need to know. By the way...dahil nakasampa na ang kaso, You can't leave the country. So forget about going back to Canada." sabi nito na may nakalulukong ngiti sa mga labi

Parang gustong sumigaw ni Paige. Hindi nya alam ang tungkol sa Bahay. Alam niyang may problema silang financial pero hindi ang sa bahay. Parang mawawalan ata siya nang malay sa mga sunod-sunod na problema. But No! Hindi siya iiyak sa harapan nang Asawa, she wont.

"Kailangan na naming umalis ni Ryder dahil may mga gagawin pa ako sa bahay. Don't worry iuuwi ko siya bukas as promised. Good night Paige." sabi lang nito at umalis.

Sumunod naman na si Paige. Inayos niya ang itsura and a smile plastered on her face. Ayaw niyang makita siya nang anak na nalulungkot.

Nasa Library sina Paige, ang Daddy, at Aunty Marie niya, pati na rin si Cathy. She wanted to know kung totoo bang lahat nang mga sinabi sa kanya ni Ashton kanina. She wants Cathy to be there with them dahil hindi na iba ang kaibigan sa kanya and beside she needs moral support.

"Dad, Aunty Marie tapatin niyo nga po ako Totoo bang nakasangla ang bahay na ito sa banko?" tanong niya agad sa dalawa.

"P-paano mong nalaman iyan Paige?" nag-aalalang tanong ni Arturo.

"So totoo nga Dad" nanlulumong sabi niya

"Sino ang nagsabi sa iyo niyan Hija? Sasabihin talaga namin sa iyo pero humahanap lang kami nang tamang panahon ni Kuya Arturo." paliwanag naman ni Aunty Marie

"Sinabi ni Ashton sa akin ang tungkol dito kanina." sabi lang niya

"Si Ashton? Bakit naman alam niya Paige?" si Cathy

"Ewan ko rin Cath...basta sinabi niya lang na hindi ko kayang bayaran ang lawyer's fee at hindi ko rin daw kayang buhayin si Ryder dahil maiilit na ng banko itong bahay." mahina niyang paliwanag

"Anak, huwag kang mag-alala may mga mamahaling mga gamit pa naman tayo diyan na pwede nating ibenta. You can use the money for lawyer's fee. If worst comes to worst then we can always rent a cheap apartment." paliwanag nang ama

"Tama ang Daddy mo Paige... hindi naman natin kailangan ang malaking bahay. Basta ang importante hindi makukuha sa atin si Ryder." sabi ni Aunty Marie

"Or we could all move to Canada! Diba Paige? iyon naman ang plano? Bakit hindi mo sabihin sa kanila ngayon ang napag-usapan natin?" Cathy said hopefully.

"Cathy..." umiiyak na si Paige at hindi na niya talaga napigilan

"Hija..." Aunty Marie went to her ang hug her

"Nakasampa na si Ashton ng kaso...hindi tayo pweding umalis nang bansa...sabi niya pipigilan daw tayo sa airport palang." sabi niyang humagulgul na.

Paige cried her heart out. Feeling niya wala nang solution ang kanyang mga problema. Walang nakapagsalita isa man sa mga naroroon. Walang ibang maririnig sa loob ng Library kung hindi ang iyak nang pighati ni Paige.

Nakatulog na rin si Ryder. Ang saya-saya niya nasa kanya ngayong gabi ang anak. Napakabait at masunurin na bata ni Ryder. He went to his bedroom's balcony. Tinatanaw niya kalangitan, ang kadiliman...He thought about his wife. It must've shocked her nang sinabi niya na mawawala na dito ang bahay. He was being a jerk sa asawa kanina and he admitted it.

"Ano ba ang gagawin ko sa iyo Paige..." he sight





Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon