Chapter 15

386 8 0
                                    

Nasa Opisina si Ashton at hindi makapag concentrate sa mga ginagawa. Habang nagtatype eh mukha ni Paige na hinahalikan ang kamay ng lalaking yun ang nakikita niya sa kanyang screen. Sigurado siya hindi ito boyfriend ni Paige, her Dad assured him na walang kasintahan ang anak. Baka nga manliligaw lang ito. Pero bakit ba curious na curious siya kung sino ang lalaking iyon sa buhay ng babae. Napahinto sa pag-iisip si Ashton ng pumasok sa kanyang opisina si Andy.

"Boss, lunch break na. Mamaya na ulit yang work. gutom na ako eh." bungad nito sa kaibigan.

Lunch break na pala hindi na niya napansin.

"Sige aayusin ko lang muna ito. Andy, siya nga pala hindi pa ba tumatawag si Papa?" tanong niya.

" Hindi pa naman." sabi nito sabay upo sa couch at pinatong pa ang mga paa sa coffee table habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa ulo nito.

Iiling-iling nalang si Ashton At inayos na ang lahat ng gamit niya. Maya-maya tumayo na rin siya.

"Let's go." yaya niya kay Andy.

Nasa isang restaurant sa Megamall sina Paige at Cathy. Inimbitahan ni Cathy si Brad na kumain ng lunch kasama nila. Naiinis talaga siya sa kaibigan. Hindi man lang tinanong kung gusto din ba nyang makasabay ang lalaki sa pananghalian, basta Cathy just informed her that Brad is eating lunch with them.

"Cathy, sana hindi mo na ako niyaya kung kakain ka na kasama si Brad. Istorbo lang ako sa inyo eh. Nakakainis ka talaga alam mo namang may group study ako mamaya eh." reklamo ni Paige.

"Sis, hindi ko naman siya ininvite para sa akin eh. Uy eto secret lang natin ha? May crush ata sa iyo si Brad. Paano kasi noong isang gabi panay ang tanong nang tungkol sa iyo." nanunukso pang sabi ni Cathy.

Nagulat pa si Paige sa sinabi ng kaibigan. Akala ba niya ay ito ang patay na patay sa lalaki?

"Oh akala ko ba gusto mo si Brad? Eh nagpapacute ka pa nga sa kanya nuong isang gabi diba?" tanong niya sa kaibigan sabay kuha ng mga kakainin niya na nakaserve nalang sa counter.

"Yeah, I thought so too. Kaso boring eh. Ikaw nalang ang parating tinatanong. hmp! alam ko namang mas maganda ka sa akin. Syempre no nasaktan ang aking pride. Pero habang kinakausap ko siya nawala ang spark eh. Kaya tutulungan nalang kitang makalimutan ang Ashton na babaero na yon!" Paliwanag pa ni Cathy.

" So si Brad ang way mo nang pagtulong? At isa pa Cathy naka move on na ako kay Ashton no! Pero tika sigurado ka bang wala ka na talagang gusto sa Brad na yon? Magkano lahat Miss?" Sabi niya habang kumukuha ng pera para ipambayad sa mga kakainin nila.


"Paige ako na ang magbabayad kakabigay lang ni Daddy ng allowance ko. Sge Miss magkano lahat kasali na rin tong akin" tanong ni Cathy sa cashier.

"Five hundred and eighty three, eighty centavos po lahat-lahat Ma'am" sabi naman ng cashier

Inabutan ni Cathy ng six hundred pesos ang cashier. At nagsalamat naman ito.

"Oo naman! At saka friend alam mo naman ako sa umpisa lang nagpapacute. Pero pag ayaw ko ayaw ko talaga." sabi nito sabay abot ng sukli at kinuha na ang tray ng pagkain.

Naglakad na patungo sa kanilang mesa sina Cathy at Paige. Bago paman sila naka upo nakita na nila agad si Brad na papalapit sa kanila. Gwapo pa rin ito casual na ang suot nito ngayon naka t-shirt na ito ng mint green na may kwelyo at maong na pantalon may suot pang sunglasses. Pogi talaga ang lalaki, mahahalata dahil pati ibang babae eh nakatingin sa kanya. Tiningnan niya ang kaibigan na kumakaway kay Brad. Himala at mukhang normal naman ang kilos ni Cathy parang seryoso talaga ito na hindi na type si Brad.

Nakangiting lumapit na naupo na sa harapan nila si Brad.

"Sorry kanina pa kayo? Ang traffic no? hindi pa ako sanay sa City paano sa country side kami nakatira sa States eh hindi masyadong matrapik." explained Brad.

" No okay lang Brad kakarating lang din namin. Sige umorder kana nang kakainin." sabi ni Cathy

"Sige wait lang ladies ha." Tumayo na ito at dumiretso sa counter kung saan pipili ng pakain.

"Pogi ni Brad ano? kahit na mas pogi pa rin ang Ashton mo. Pero pwede na rin diba?" tukso pa ni Cathy.

"Cathy pwede ba hindi ko type si Brad. We can be friends at yun lang yon. Kaya tumigil ka na dyan." Naiinis na sita ni Paige.

Sa isang sulok ng restaurant kitang-kita ni Ashton sina Paige at ang kaibigan nito at pati na rin ang lalaking humalik ng kamay ni Paige nuong nakaraang gabi. Hindi maialis ni Ashton ang kanyang mga mata sa dalawa. Nainis siya ng hindi niya maintindihan. Diba nga ayaw niyang pakasal sa babaing ito? Pero bakit ngayon parang na-iinis siya sa lalaking kasama nito. Nakita niyang masayang nakangiti si Paige na nakikipag kwentuhan sa dalawa. Ang lalaki naman eh hindi matinag ang tingin kay Paige. Pagkalipas ng ilang sandali tumayo na ang mga ito at umalis na. Napukaw siya sa kakatingin sa tatlo ng bigla siyang tapikin ni Andy sa balikat.

"Boss, pass lunch break na bebyahe pa tayo ng tanay. Baka matrapik tayo. Sino ba kasi yang tinitingnan mo diyan?" nagtatakang tanong ni Andy habang sinusundan ang tinitingnan ni Ashton.

"Si Paige, I saw her with her friend and a guy." balewalang sagot ni Ashton.

"Huh?! Saan? " gulat na tanong ni Andy.

"They left. I'm done, lets go?" sabi niya at tumayo na rin.

Nakatanaw si Ashton sa malaking bintana ng kanyang Condo. tanaw ang maliwanag na kalye ng Makati. Hindi mawaglit sa isip niya ang mga ngiti ni Paige habang kausap ang lalaking iyon. Umalis si Ashton sa bintana at kumuha ng isang bote ng beer. Umupo siya sa kanyang couch at tinawagan ang ama.

"Hi Pa. I know I am sorry I have been busy sa itatayong hotel sa Tanay. I know. About the proposal...yes I accept it. Sabihin niyo po kay Tito na magset kami ng araw para mapirmahan na ang pagtatransfer ng Coral Garden." Pagtatapos ni Ashton.
Tumayo siyang muli at tumanaw sa malaking bintana. Saka na muna niya iisipin ang mga mangyayari, for now gusto na muna niyang kilalanin si Paige. Sana nga hindi sya nagpadalos-dalos ng desisyon.


Nasa kanyang library si Arturo ng tumunog ang telepono.

"Hello?" sagot niya sa tumatawag.

" Arturo we made it! Ashton said he accepts your proposal!" natutuwang sabi ni Ansel sa kabilang linya.

Hindi agad naka sagot si Arturo. Napapikit siya at nagpasalamat sa Panginoon.

"Hey! Kumpadre andyan ka pa ba?" nagtatakang tanong ni Don Ansel

"Yes I'm still here. Pasensya na kumpadre masayang-masaya lang ako. Please tell your son I said thank you. Let me know kung kailan natin pipirmahan ang mga documents of transfer para sa Coral Garden." Masayang sabi niya.

"Okay tatawagan nalang ulit kita tungkol dyan." sabi ni Ansel

Naibaba na ni Arturo ang telepono ngunit mababakas pa rin ang saya sa kanyang mga mata. Sa wakas makakatulog na rin siya ng maayos.







Second ChanceWhere stories live. Discover now