Chapter 31

321 7 0
                                    

Sa wakas gagraduate na rin siya.  At next month mag-iisang taon na silang kasal ni Ashton. Siya at si Anne lang ang gagraduate si Faye ay may mga ilang taong pang bubunuin bago makatapos. Nasa bahay siya ng Daddy niya dahil may out of town work si Ashton kasama sina Andy at Daddy nito, kaya sa kanila na muna siya hangga't dumating ito.

"Paige hija ano kaya kung magpaparty tayo dito sa bahay para sa graduation mo?" Tanong ni Aunty Marie.

"Eh Aunty..hindi kaya masyadong magarbo naman po iyan? What if kung dinner nalang na tayo lang. We'll invite Faye and Anne." suggested Paige.

"Okay din yan. Saan mo ba gusto? dito lang or sa isang restaurant?" tanong naman nito

"Dito nalang Aunty we'll cook para mas maganda." sabi naman niya

"Sige kakausapin ko si Nana Anita kung anong magandang iluluto" sabi nito

" Oo tama! basta Aunty huwag niyo pong kalimutang sabihin ke Nana Anita na magluto ng Kare-kare kasi paborito ni Ashton yun eh." nakangiti niyang sabi.

"Oo ba. sige iwan na muna kita at may ipinakukuha ang Daddy mo sakin na mag papeles na nasa Library daw." Paalam na ni Aunty Marie.

Nagtatype ng message si Paige para kay Cathy ng tumunog ang kanyang cellphone. 

"Hello?" sagot niya

"My Love I missed you so much! hindi na ako sanay na walang katabi sa pagtulog." malungkot na sagot nito sa kabilang linya

"Awe...don't worry one more night at andito ka na naman diba?" natatawang sabi niya

"Hindi mo ba ako namiss?' malungkot pa rin ang boses nito

"Of course I do! Kaya nga iniencouraged kita na one night nalang at magkikita na ulit tayo." natawa naman niyang sabi

"Yeah I guess that's true..." sabi nalang nito.

"Kumusta naman diyan? naayos niyo ba ang problema?" tanong nalang niya

"Yeah it was a piece of cake. Hindi lang nagkaunawaan sa planning at design pero okay naman na. Ikaw kmusta ka na? You are graduating soon." masaya na itong nagsalita

"I know eh? Kay bilis ng panahon. Ito okay naman. Aunty Marie and I just talked about an after Grad party. Gusto niya ng malaking celebration sabi ko huwag na, a dinner with family and friends should be enough." paliwanag naman niya

"Why not?" tanong naman nito

"Eh hindi ko naman kailangan yun eh." sabi niya

"Oh okay. We will do whatever you want. By the way kailangan ko ng umalis dahil si Andy gutom na daw. I will see you tomorrow." Yun lang at nawala na ito sa linya.

Dumating ang araw ng Graduation ni Paige ang lahat ay nagkakatuwaan sa bahay ng mga Angeles. Andun ang lahat ng mga kaibigan at kapamilya niya. Ang kulang ay si Cathy. Nalulungkot siya dahil hindi na niya masyadong nakakausap ang kaibigan.

"Yehey! Graduate na tayo Paige! sa wakas tapos na rin ang paper works!" masayang sabi ni Anne habang umiinom ng Iced Tea

"Mabuti pa kayo tapos na ako...ilang years pa bago makatapos." malungkot na sabi naman ni Faye

"Faye matatapos ka rin. Just be patient. Si Cathy kaya kumusta na?" naitanong ni Paige

"Oo nga i sent her messages on Facebook at ng email din ako kaso hindi naman ngrereply." sabi naman ni Faye

Second ChanceWhere stories live. Discover now