Chapter 25

347 6 0
                                    

Nasa parking lot sina Paige at ang tatlo niyang kaibigan hinihintay nilang dumating sina Monty at Ashton. Si Monty dahil susunduin ang kasintahang si Anne at si Ashton naman ay susunduin siya. Nakita nila si Nina na papasok ng kanyang sasakyan. After nung incident sa soccer field ay wala naman itong ginawa na sa kanya except ang tingnan siya ng masama, she just ignores her naiintindihan naman niya ang nararamdaman ni Nina, she must've love Ashton para masaktan ng ganyan. Nakita na nilang palapit si Monty na kasama si Brad. Masaya namang sinalubong ni Anne ang nobyo habang papalapit naman si Brad sa kanila na nakangiti.

"Hi Girls kumusta na kayo?" tanong ni Brad sa kanila.

"Ayos naman kami, bakit magkasama kayo ni Monty?" tanong naman ni Faye

" Nasiraan kasi ako ng sasakyan kaya pina tow ko na muna, Monty's timing was perfect he saw me on the side of the street waiting for a taxi. Kaya ito tag along muna sa kanilang dalawa." paliwanag ni Brad

"Okay lang yon Pare, mas maganda nga mas marami. right Babe?" masayang sabi ni Monty

"Yes it's fine sama ka nalang sa amin magdidiner kami." sabi naman ni Anne

"Are you guys sure?" nag-aalangan pang tanong ni Brad.

"Ay sus! oo naman basta ikaw taya" nagbibirong sabi ni Cathy.

"Okay." nagkakamot ng ulo na sabi ni Brad.

Lumapit si Brad kay Paige at inilahad nito ang kamay para makigkamay sa kanya.

"I heard you got engaged? Congratulations." nakangiting bati ni Brad.

"Thank you Brad." sabi niya at tinanggap ang pakikipag kamay nito.

Naghiwalay lamang sila nang marinig ang kunwariang ubo sa likod ni Paige.

"Ehermm!" si Ashton.

"Hi Honey! kanina ka pa?" lapit ni Paige habang nakangiti

"Ngayon lang, lets go?" sabi nito sa kanya.

Lumapit naman si Brad dito at nakipagkamay.

"Congratulation on your engagement Bro." Nakangiting bati naman ni Brad kay Ashton

"Thanks" tipid na sabi ni Ashton at tinanggap naman nito ang kamay ng lalaki

"Ashton Pare Congrats ah! Paano ba yan mamaalam ka na sa pagkabinata?" Biro pang sabi ni Monty.

"Bakit Monty ayaw mo bang ikasal?" nagdududang tanong ni Anne.

"Hindi naman sa ayaw but of course gusto ko na muna na eenjoy ang freedom. At isa pa bata pa kaya ako." explained Monty.

"Uy uy kayong dalawa tama na iyan baka wala pa nga eh magdidivorce na kayo!" awat naman ni Cathy sa dalawan

"Cathy wala namang divorce sa Pilipinas ah" nagtataka namang sabi ni Paige

"Ay wala ba? ay sorry. Pero seriously though pwede ba umalis na tayo kung tayo ay hahayo dahil gutom na ako eh. Ano Ashton and Paige sasama ba kayo sa amin?" Tanong nalang ni Cathy

"Ahhh...ehhh..hindi ko alam baka pagod na si Ashton next time nalang siguro." sabi ni Paige

"No it's okay we can go." tipid na sabi ni Ashton

"Are you sure?" nag-aalalang tanong niya.

"Yes of course!" Ngumiti ito sa kanya

"Ayeee ang sweet sweet naman ninyo! kakakilig! Cathy dapat magboyfriend na rin tayo"

"Hoy babae ka imbes na magboyfriend, unahin mo na muna kaya yang pag lo law mo. Eh nagrereklamo ka na nga diyan eh."  nakairap na sabi ni Cathy.

Second ChanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora