Chapter 34: Battle Cries

87.3K 2.8K 130
                                    

3RD PERSON'S POV

Bumaba ang Head Master mula sa Griffin na malaki ang pinagkaibiga mula nang una siyang mahanap ni Lean, hindi na ito ang maliit na Griffin na nakilala niya dahil isang malaking nilalang na ito.

"Rift" nanghihinang sabi ni Lean nang makita ang kanyang alaga. Lumapit si HM sa harapan ng pader at napailing.

"Dahil sa katandaan hindi na mabilis na makarekober ang katawan na ito," malungkot niyang tiningnan ang mga studyanteng walang malay at mga sugatan "Paumanhin, ngunit responsibilidad ng isang magulang ang protektahan kayo at ito nalang ang kaya kong maibigay."

Tumayo si Lean, nararamdaman niya unti-unti nang bumabalik ang lakas niya at nawala na rin ang pagkahilo niya. Itinaas ni HM ang kanyang mga kamay at itinapat ang kanyang mga palas sa malaking apoy na ilang metro nalang ang layo sa kanila, pinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim. Pagbukas niya ng kanyang mga mata ay umilaw ito ng puti.

Bumalik ang agos ng oras ngunit umatras ang apoy papunta sa mga dragon, ibinagsak niya ang kanyang mga kamay at kasabay nito ang pagbagsak ng mga dragon sa lupa at binagsakan ang napakaraming kalaban. Mabilis siyang sinalo ni Lean nang mawalan ito ng malay at dinugo ang ilong.

"Kailan pa dumating si HM dito?" gulat na tanong ni Shane at mabilis na lumapit sa amin. Napasinghap naman siya nang makita na marami ang nawala na kalaban. "Oh my god, you old man"

"Kayo na muna ang bahala dito" sabi ni Lean at mabilis na sumakay kay Rift, lumipad sila pababa kung saan lumalaban ang kanyang ibang mga kasamahan.

Mabilis na tumakbo palapit kay Lean ang mga halimaw ngunit mabilis itong nagiging abo sa pagwagayway ni Lean ng kanyang haladie. Maging ang Griffin ay tumulong sa pagpuksa ng mga halimaw at Fiarae.

Lumapit siya kena Flame na hinihingal. Binuksan ni Lean ang kanyang mga palad at tumilapon ang isang hukbo ng mga halimaw palayo sa kanila.

"Atras" sabi ni Lean. Ganun naman ang ginawa nila. Lumuhod ni Lean at hinawakan ang lupa, sunod-sunod na matitinik at malalaking ugat ang lumabas mula sa lupa na pinupuksa lahat ng nadadaanan nito.

"Lean" mahinang bulong ni Wade sa kanya. Tumayo si Lean at nahagilap ang kumupkop sa kanya na naghihintay sa pagdating niya.

"Tama na," sabi ni Lean, nilibot niya ang tingin niya. May mga katawan ng mga kawal at studyante ng Academy ang nagkakalat sa paligid. Maging ang katawan ng mga kalaban nilang Fiarae na naging mga abo din. "Lives are not toys that he can play with. It's me who he wants and it shall be me that he gets."

Mula sa mga gubat, lumabas ni Hilda na nakangisi. Ang pula niyang buhok ay naging itim, nakasuot siya ng armas at hawak sa magkabila niyang kamay ang dalawang dagger.

"How does it feel?" tanong ni Hilda sa kanya "Feeling princess? you must be over the clouds right now."

"Isa kang traydor!" galit na sigaw ni Flame sa kanya, nangangalati ang mga kamay nito para sunugin ang dating nobya. Sumimangot ang mukha ni Hilda sa kanya.

"You used to be so inlove with me" sabi ni Hilda, kuminang ang mga mata nito at naalala ang mga panahon na ayos pa sila ni Flame.

Kung ako lang ang pinili mo Flame hindi tayo aabot sa ganito, You could've been spared.

"My father will destroy and take over your beloved kingdom" kampanteng sabi ni Hilda "And I will be Queen of the new kingdom, Vindora and Zaldea, finally United!"

Lumuhod si Wade at hinawakan ang sahig. Sunod-sunod na matalim na yelo ang tumubo papunta kay Hilda ngunit natunaw ito bago makalapit sa kanya.

"My father modified me" sabi ni Hilda, nanlaki ang mga mata ni Lean "He injected me drugs and made me stronger. Tama siya, kung hindi ito tinanggi ng tanga kong ama-amahan ay kami na sana ang pinakamalakas. Walang susubok na kalabanin kami."

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon