Chapter 9: Under the Moonlight

100K 3.7K 252
                                    

LEAN MACAROV

Nakatayo kami sa labas ng office ng Headmaster at naghihintay kay Krayver at kay Flame. Pinapagalitan sila ngayon ng headmaster dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pag gamit ng ability sa Campus unless examination or training.

"Paano kayo mabubuhay sa mundo sa labas kung hindi kayo marunong kung kailan lang dapat gamitin ang mga ability niyo?!" 

napangiwi kami, rinig na rinig namin ang galit na sigaw ng Headmaster sa loob ng Office niya.

"Ikaw Flame! You are this Academy's leader! bakit ka inuunahan ng emosyon?!" 

"Krayver you just got back from you quest pero nagsisimula ka na agad ng gulo!"

Nagpatuloy ang pagsisigaw ng Headmaster sa kanila. Yumakap ako sa braso ni Tracy.

"Bakit ba kasi sila magkaaway?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ni Tracy ang kamay kong nakabandage, pumunta kami sa Healer's station kanina para gamutin ito siguro ay wala na ito bukas.

"Lean, you shouldn't have done that," sabi ni Tracy "baka nasaktan ka"

"I wasn't going to let them hurt other people" sagot ko sa kanya, umiling lang si Tracy at nagbuntong hininga, binalik niya ang tingin sa pintuan.

"Kuya at Krayver got into a fight last year" panimula niya "Nakita ni kuya na hinahalikan ni Kraver yung ex ni kuya and thought of it as an affair. Naniwala siya na matagal nang may relasyon si Krayver at ang babae"

Nagulat ako, I never thought Flame was capable of loving. Naalala ko si Krayver, mukhang babaero siya pero parang hindi niya iyon magagawa kay Flame. I was told they've been friends since they were young.

"totoo ba?" tanong ko, natigilan si Tracy, malungkot ang mga mata niya at umiling.

"hindi namin alam. They never talked after that, Biglang nawala ang babae at nagkaquest si Krayver at ngayon lang nakabalik."

Pati ako nagbuntong hininga na rin. Friendship is such a fragile thing. Biglang bumukas ang pintuan ng office, nakita ko si Headmaster na minamasahe ang templo niya.

Lumabas si Flame at si Krayver, ngumisi si Krayver at lumapit sa mga kaibigan niya. Tumigil naman sa paglalakad si Flame sa harapan namin ni Tracy at tiningnan ang kamay ko.

"Salamat" bulong niya sa akin at tuluyan nang umalis, my eyes followed him until he disappeared.

"Pabayaan lang muna natin siya." sabi ni Wade habang tinitingnan ang likod ni Flame "babalik yan sa normal bukas o makalawa."

--

Nakalipas ang mga linggo at puro aral at training lang ang ginawa namin. I was struggling the most, hindi sanay ang katawan ko sa training sa umaga at sa gabi. Pumupunta pa rin kami sa classes at mag-aaral para sa theoretical exam.

Somehow, I was proud of myself. Dahan-dahan nang nag-aadjust ang katawan ko sa training kaya nakakahabol na rin ako. Whenever I see them train, I am always amazed, ang swerte ko at nakakasama ko sa pagtrain ang mga kaibigan ko.

"Tubig?" Lumapit si Krayver sa akin at inabutan ako ng bote ng tubig. Nagpasalamat ako at tinanggap ito. Tumabi si Krayver sa akin at sabay kaming nanuod sa mga kasama namin.

Nasa training room kami ng Academy ngayong hating gabi, we were training here every night dahil ito lang ang mga oras na walang tao. Nilingon ko si Krayver, ngayon ko lang napansin ang kulay brown niyang mga mata, nakatingin siya sa mga kaibigan na nag-uusap at nagtatawanan sa baba ng bleachers, his eyes looked so empty, so sad. 

Krayver was very kind to me these weeks. Hindi siya tulad ni Tristan, he was just really friendly na napagkakamalang paglalandi. He'd laugh with us and share stories about his quest, siya yung pinakamasayang tao na nakilala ko but I didn't really believe him.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon