Chapter 31: Elite Team

77.8K 2.7K 101
                                    

3RD PERSON'S POV

Sinalubong nila ang pagsikat ng araw sa school grounds kung saan nila inilibing ang mga studyanteng nasawi. Nag-alay sila ng mga dasal at nagpalipad ng mga puting paro-paro upang magbigay galang sa mga studyanteng isinakripisyo ang buhay nila para sa Academy.

Nakatayo si Lean sa harapan at walang matamlay na nakatingin sa mga nilibing. Unti-unti nang bumabalik ang mga studyante sa dorm nila para maghanda. Kahit na gusto pa nilang magpahinga at umiyak hindi maaari dahil may mga digmaan na nangyayari sa iba't-ibang parte ng Vindora at kailangan nilang tumulong.

Naubos na ang mga luha sa mga mata ni Lean habang nakatitig sa litrato ng mga studyante na nasawi, hindi niya kilala ang lahat pero naalala niya ang ibang minsan na niyang nakausap at nakita sa campus. Pero may partikular na litrato siyang tinitingnan.

Ang litrato ng namatay na studyante ng Senior Class A na si Tony. Ang lalaking sinakripisyo ang buhay niya para iligtas ang buhay ng mga kaklase niya. Naalala niya ang ngiti ng lalaki na kita ang mga gilagid pero ngayon, hindi na nila makikita pa ulit iyon.

Lumuhod si Lean sa  harapan ng puntod ni Tony at hinawakan ang lupa. Mula sa lupa ay may tumubong dilaw na bulaklak, simbolo ng pagkakaibigan. Di nagtagal, lahat ng puntod ay natabunan ng magagandang bulaklak. Tumingin si Lean sa langit at pumikit.

Naghihintay sa likod niya ang mga kasama niya. Malulungkot ang mga mata pero si Flame, walang emosyon ang makikita sa kanyang mga mata. Naalala niya ag sinabi ni Hilda sa kanya, na si Lean ang magdadala ng kadiliman sa Vindora.

"Lean," lumapit si Shane sa kanya at tinapik ang balikat niya. Tulad ng iba nilang mga kasama suot  pa rin ni Shane ang gown niya nung nakaraang gabi. Sunog na ito at sira-sira tulad ng kay Lean at ng iba pang mga studyante. "Tara na, hindi pa natin nagagamot ang mga sugat mo."

Hindi sumagot si Lean at nanatiling nakatitig sa hardin ng magagandang mga bulaklak.

"Shane," matamlay niyang tanong "They had a bright future ahead of them. They could've had families and live a happy life."

Pumiyok ang boses ni Lean at tumulo nanaman ang luha sa mga mata niya. Lumapit si Shane kay Lean at niyakap ito.

"Walang magagawa ang iyak mo" galit na sabi ni France.

"France!" sigaw sa kanya ni Tracy "wag ngayon!"

"It's Hilda's fault" sabi ni France napalingon naman sila sa kaya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" galit na sabi ni Flame. Kumunot ang noo ni Kairo sa inaasal ni Flame.

"I saw her," sagot ni France "She attacked Lean and Luke took the blow. Hindi din siya ginagalaw ng mga halimaw. Don't you think it's weird?"

"Hindi," matamlay na sabi ni Lean at tumayo at naglakad palapit sa kanila. "Kasalanan ko, kasalanan ko lahat 'to"

Napasinghap sila nang lumuhod si Lean sa harapan nila at sinabi lahat, mula kay Doyle, sa mga panaiginip niya, ang halimaw sa Haiyan Village at ang pagiging agresibo ng mga nilalang sa Vindora. Hindi sila makapaniwala sa narinig nila, alam nila na hindi kasalanan ni Lean pero hindi nila maiwasang masaktan.

Napasinghap ang lahat nang sinampal ni Tracy si Lean. Tinanggap ito ni Lean ng hindi umaangal, pakiramdam niya dapat lang sa kanya iyon.

"Bakit hindi mo sinabi?! Mga kaibigan mo kami!" galit niyang sigaw kay Lean, hindi umimik ang iba niyang mga kasama. Lumuhod si Tracy at niyakap si Lean ng mahigpit. "It must've been hard."

Nabigla si Lean sa sinabi ni Tracy.

"It must've been hard, carrying it all by yourself all these time. Lean, mga kaibigan mo kami. You should've told us, hindi ka lang mag-isa nandito na kami."

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon