Chapter 33: War Starts

81K 3.1K 222
                                    

3RD PERSON'S POV

"Hindi kami makakapayag!" galit na sigaw ng reyna nung sinabi ng mga studyante ang plano na sumali sa frontline na sasalubong kay Doyle. Marami na ang namatay at hindi siya makakapayag na mga studyante ang susugod doon, responsibilidad ng mga hari at reyna ang gawaing iyon at hindi ng mga bata.

"We have no other choice!" galit na sagot ni Lean. Ngayon lang sila ulit magkita ng ina niya pero away agad ang bumungad sa kanilang dalawa. Hindi pa pinapasabi ni Lean sa reyna na siya ang anak nito dahil baka hindi maging tuwid ang pag-iisip at makaapekto sa digmaan.

Sasabihin nalang niya pagkatapos ng digmaan, kung saan ayos na ang lahat. Yun ay kung buhay pa siya.

"I will not let mere children go to war!" galit na sagot nito habang naglalakad palibot ng mesa at inaayos ang formation ng mga militar sa iba't-ibang parte ng Vindora.

"But Queen, Wala tayong militar na makakapigil sa kanila. Only Lean knows this Doyle." pagpapaliwanag ni Flame.

"Our forces will hold out," sagot ng reyna "We still have enough men."

"So hihintayin na lang muna na maubos tayong lahat?!" inis na sabi ni Lean, nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan niya. Alam nila na anak si Lean ng hari at reyna pero hindi nakakatouch yung unang pagkikita nila.

"This is our only chance." sabi ni Lean "Kapag hindi tayo kumilos mamamatay tayong lahat"

Napatigil ang reyna at tiningnan ang dalaga. She had the same look in her eyes when she was young and reckless.

"No," matiim na sabi ng reyna "I will not let you die in the battlefield."

Hindi pa nakakasagot si Lean ay may tumayong Counselor, puti ang mga mata nito at nangininig.

"Th-they have breached to boundary." sabi niya "A second wave is coming, mas marami sila. Doyle and Hilda are in the front lines"

Napasinghap ang reyna sa narinig. Nawalan siya ang lakas at halos matumba, agad naman siyang sinalo ng hari.

"N-no," bulong ng reyna sa sarili "M-my daughter."

"Tell the archers to be ready and fire at my signal" sabi ni Flame at naglakad papunta sa mesa. Pinagmasdan niya ang mga galaw ng mga tao nila at kalaban gamit ang mapa na may mga tuldok na gumagalaw. 

Ang asul na mga tuldok ay ang mga kasapi nila at ang pula naman ay ang mga tao ni Doyle. Nakikita ang nagkukumpulan na pulang tuldok na papunta sa mga pader ng Vindora. Kumunot ang noo ni Flame, kakaunti nalang ang mga asul sa tuldok na ankikipaglaban pa rin sa mga halimaw na nasa loob ng Capital.

"They are too many, hindi makakayanan ng mga kawal ang ganyan kadami" sabi niya at pumunta sa kabilang dulo ng mesa.

"We need every ounce of power we have," seryosong sabi ni Flame habang nakatitig sa mga kasamahan niya "We need a plan."

"What do you suggest we do?" nanghihinang tanong ng reyna. Lumapit si Lean sa kanya at hinimas ang mukha nito. Kuminang ang mga mata ni Lean nang magkatinginan sila ng reyna.

"You need to trust us."

--

Nakatayo sila sa taas ng pader ng Vindora, pinagmamasdan ang mga parating na hukbo ng mga halimaw at ng mga Fiarae.

Nakatayo si Krayver, Flame, Wade at Tristan sa labas ng pader kung saan binabantayan nila ang malaking pintuan papasok ng Vindora. 

"Luke sigurado ka bang kaya mo na? Hindi pa magaling ang sugat mo" nag-aalalang sabi ni Shane sa kaibigan. Umiling si Luke at nagpatuloy sa pakikiramdam sa kapaligiran.

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon