Chapter 15: Quest for Haiyan Village

98.3K 3.3K 554
                                    

 LEAN MACAROV

Kumatok ako sa pintuan ni Headmaster, sinilip ko ito at nakita na may kausap siya na isang matandang lalaki. Nilingon niya ako at sinenyasan na pumasok. Pumasok kami sa loob habang pinagmamasdan ng matandang lalaki.

Nakasuot siya ng makulay na vest at may bilog na sumbrero na kakulay din ng vest niya. May malaki siyang kwintas na may malalaki at makulay na beads bilang disenyo. May mga imahe at simbolo na nakaukit sa kanyang mga braso, kamay at paa.

"Students, this is Chief Zeroth of the Haiyan village" pagpapakilala niya sa matanda na kausap niya kanina "Chief, these are my students who will be accepting you quest."

Lumapit ang chief sa amin at hinawakan ang mga kamay ko. Tiningnan niya ako na puno ng pagmamakaawa.

"My village was devastated by a powerful storm." panimula niya "many has lost their lives and we do not know how to carry on anymore. Magbabayad ako ng kahit magkano, please help my village destroy this storm."

Bumiyak ang puso ko para sa kanya. Nakasalalay sa kanya ang mga buhay ng mga tao sa village nila pero nandito siya ngayon sa Academy, nagmamakaawa para tulungan siya. 

I have never seen a leader beg before, I have never seen a leader look so weak. Pero ngayon, napagtanto ko na hindi ka nagiging pinuno dahil sa pagiging matapang mo, nagiging pinuno ka dahil sa mga handa mong gawin para sinasakupan mo. 

Umupo kami sa sofa na nasa harap ng mesa ni HM at pag-uusapan ang problema para may alam kami bago puntahan ang village nila.

"Ang bayan ko ay nasa masukal na kagubatan Fae. Natatago ito mula sa ibang bayan at napupuntahan lang ito ng paa. Simple lang ang bayan namin, nabubuhay kami ng mapayapa at wala pang nangyayaring masama maliban nalang sa mga nakaraang buwan."

"Ang mga kabataan ng bayan namin at paisa-isa nang nawawala, noong nakaraang araw pati mga babae sa amin ay unti-unti nang nawawala. Hindi namin sila mahanap kahit saan. Pati rin ang mga pagkain na kinokolekta namin para sa buong taon ay ninanakaw. Natatakot na ang mga tao sa bayan ko, di magtatagal ay mauubos na ang lahi namin ng walang kalaban-laban."

Napaisip ako, hindi ito nagkataon lang. Kung nawala lang sila sa gubat ay bakit ganon kadami, bakit pati pagkain ninanakaw? Hindi sila posibleng makahingi ng tulong sa ibang bayan dahil masyado silang malayo sa kabihasnan.

Umalis na kami mula sa office ni HM pagkatapos pag-usapan ang nangyari. Ang hula nila ay mga goblin ang nangunguha ng mga bata pero malayo naman sila sa kweba. Kinakailangan na puntahan ang lugar para malaman kung ano talaga ang nangyayari.

Pumunta kami sa dorm para maghanda ng mga kakailanganin para sa quest. Nae-excite ako at natatakot at the same time. Ito ang unang pagkakataon na lalabas ako sa Academy para sa quest pero kinakabahan din ako dahil baka makasalubong ko si Doyle.

Habang nagtutupi ako ng damit, may kumatok sa pintuan ko. Pagbukas ko nakita ko si Flame, bumungad agad sa akin ang nakasimangot niyang mukha.

"Wag kang sumama"

Nagulat ako sa sinabi niya at kumunot ang noo.

"Bakit ba? ito yung unang quest na kasama kayo bakit hindi ako sasama?"

"It's too dangerous"

"Kasama ko naman kayo ah."

Huminga siya ng malalim at ginulo ang buhok niya, dumilim ang ekspresyon niya.

"Hindi mo naiintindihan," sagot niya "Quests are always dangerous. Maging ako ay natatakot minsan. Tulad kay Krayver, matagal na nakakabalik ang iba. Ang iba ay hindi na nakakabalik pa. We always lose students Lean, we do not want to risk a Weaver."

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon