Chapter forty-five [Untitled]

4.1K 39 2
                                    

Chapter 45

Umalis ako sa mall na umiiyak. Di na ako bumalik pa. First time akong napahiya ng ganun. First time kong umiyak sa maraming tao. Di ko maintindihan si Shin kung ba't pinili nya ang babaeng yun. Alam ko, maldita ako. Ako ang nauna gumawa ng move but I won't do that if she never provoked me! I thought kaya kami lumabas ni Shin para di ako magselos at masaktan pero hindi ata namin naiwasan, napuntahan pa namin.


Napahiga ako sa king sized bed, andito ako ngayon sa isang hotel. Wala akong planong umuwi muna kina Shin, masyado akong nasasaktan.


Bat ayaw nya ako maging gf? Because from the start, pinagttripan lang nya ako? Alam ko yun but I bit the bait! Kaya nya siguro ako di kayang ligawan dahil di nya ako totoong mahal cause of he really loves me, he wont chose that girl over me.


Kinuha ko ang phone ko saka in-on. Pinatay ko to kanina nung nasa mall pa ako kasi tawag siya ng tawag.. Bumili pa ako ng masusuot ko kasi plano ko talagang di umuwi sakanila. Pagka-on ko, tumambad na naman yung picture namin sa wallpaper. Nakakainis! Naiiyak na naman ako.


Napatingala nalang ako sa ceiling habang napapaisip. Uto uto talaga ako kahit kelan. I know Shin is playing with my feelings pero hinayaan ko lang sarili ko.



/Calling Mom/


Sinagot ko agad ang tawag nang makitang si Mom yun. I miss her, thanks to her at lagi na nya akong pinapadalhan ng allowance.


"Hello Mom?"


"Dannica, my princess. How are you?"


"Im fine Mom." I lied.


"I miss you so much anak. Dont worry, Im just fixing my papers and my works here tapos uuwi na ako jan for you. Just be patient ha?"


"Yes Mom. I miss you too." frustration was in my tone.


"Are you really okay Dannica?" Now Mom was a bit worried.


"Im really okay Mom, pagod lang ako."


"By the way anak, stay good there 'kay? Kay Wain ka magstay. I trust that boy. Since you're his girlfriend.. I know he'll protect you. Halata sa sincerity nya when Im calling him. Obey him ha? Be good to him. I entrusted you to him."


I stayed silent. I think Mom's perception was wrong..


"Dannica?"


"Yes Mom. Ill be good. Dont worry."


After my conversation with Mom, pinatay ko ulit ang phone ko kasi si Shin nanaman ang tumawag.


The next morning, I decided not to go to school anymore. Wala akong sapat na energy, and what if may nakakitang school mate ko sa scene kahapon? I will look so pathetic to them. Pumunta ako kina Shin nung malapit na maglunch. Sinadya ko kasi alam ko wala dun sina Shin at Yuni dahil may pasok sila.


Pagbaba ko ng taxi, I guess I was wrong.. Nakita ko si Shin na pababa sa kotse nya. I ignored him at derederetsong pumasok. I think wala akong sapat na confidense para kausapin sya. I cant even accept the fact na ang matapang na si Dannica Kathrine Thompson ay naduduwag ni Wain Tejano.


"Where the hell are you from?" sigaw nya sakin nang lagpasan ko lang sya sa doorway.


"Somewhere." tipid kong sagot, umakyat ako sa taas and he followed me.


"I said where the hell are you from? Buong gabi kita hinanap and you're not even answering my calls!" singhal nya ulit sakin kaya feel ko, nasasaktan na naman ako.


"I stayed with my friends." papasok na ako sa room ko at tatalikoran sya but he grabbed my arms.


"Tinawagan ko sila and they say you're not with them." galit parin ang tono nya, nanlilisik ang mata. Ang laki rin ng eyebags nya. Totoo kayang buong gabi nya akong hinanap?


"Hindi mo kilala lahat ng kaibigan ko." I answered coldly as Im holding my tears back.


"I know them. I know you Dannica! Kung alam mo lang kung gaano ako nagaalala. So stop this dam.n, tell me we're you slept and stop being so immature." he even cursed after saying that. Mas nasasaktan nanaman ako sa sinabi nya.


"You dont know me Shin, you know my story but not me, you know my secrets but not what I feel. And stop worrying. You dont have to. Bakit? Ano ba tayo? Im just a citizen who you think to be blackmailed, a girl which you forced to be a maid, a girl you're playing with. Yun lang yun.. Hindi tayo magkaano ano Shin.. So wag na wag mo ako susumbatan." after that, pumasok ako sa room ko. I thank my self kasi kahit papaano naging matapang ako kahit ilang seconds lang yun. I managed not to cry pero pagpasok na pagpasok ko, nagbagsakan na luha ko.


Buong araw kumatok si Shin sa pinto ko, I locked it and I have no plan of opening the door. Ayuko makita nya akong mahina. Lagi nalang. Nung maggabi na, tumigil sya sa pagkatok. Napagod at sumuko na talaga siya. Which shows he never loves me. But after an hour, may kumatok nanaman, it was Yuni.


"Ano kelangan mo?" walang gana kong sabi sakanya.


"Alam mo bang almost six hours na kumakatok dito kanina ang brother ko?" crossed arms at raised eyebrow nyang sabi.


"Hindi." I answered coldly again.


"At alam mo rin bang buong gabi syang nagaalala at naghanap sayo?" she continued


"Hindi rin. Thanks sa info."sarcastic kong sabi.


"Tss! Ano ba problema nyo? Problema mo kasi, masyado kang mapride! Bat di mo pakinggan ang explaination nya." I just stood there with blank expression.


"You love him, he loves you!" she raised her voice kasi di ko na sya kinikibo.


"Seriously Yuni. Five years old ka ba talaga?" I also raised an eyebrow.


"We're not talking about my age. Naawa ako sa kapatid ko. He had been excerting efforts and you cant even see it!"


"Im blind maybe." back to cold expression.


"Kath! Cant you be a little serious?umalis si Bro kanina. He looks mad and frustrated, if may mangyari sa kanya then I will blame you!"nagwalkout na sya after saying it. I closed my door at humiga ulit sa kama ko.


Nung gumabi na, nakaramdam ako ng gutom. Di pa ako lumalabas ng kwarto.. I need to eat, hindi pa ako nakapaglunch at dinner. It was past 12midnight, wala naman sigurong gising sa ganitong oras diba?


Pagbaba ko, deretso ako sa ref, iheheat ko nalang ang mahanap kong pagkain. I dont wanna bother any maid. Pagkakuha ko ng pagkain, lalakad na sana ako malapit sa oven nang may yumakap sakin from my back.. Kinilabutan ako, muntik ko pang mabitawan ang hawak ko. Dont tell me minumulto nanaman ako.


"Please.. Let us stay like this for a while please." nakilala ko agad ang boses nya. Mas nastiffen ako sa kinatatayuan ko, he smells like liqour. Lasing ba sya?



Ang tahimik kaya rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko, malamig pero pinagpapawisan ako. Para akong kinukuryente sa kaba. We stayed like that for a minute, but I cant stand the awkward moment and my hunger.



"Sh-shin.." I tried removing his hands sa waist ko at sa leeg ko. "Gutom ako."



Pagkasabi ko nun, unti unti nyang tinanggal pero di pa nya natatanggal e napasandal sya sakin na parang matutumba. Agad ako napaharap sakanya para alalayan sya, and there I notice, he was so drunk at pinipigilan pa nya ang mga mata nya to be closed.



"You're drunk!" sabi ko habang pinapaupo ko sya sa upuan sa dining room. Bakit sya naglasing? Affected ba talaga sya ginagawa ko?



"Eat. I'll wait for you."



"Lasing ka, matulog ka na." Pinapatayo ko nanaman sya, I'll bring him to his room.



"Dito lang ako. Kumain ka na. Hihintayin kita." tinapik tapik nya ang mukha nya para magising sya.



"Uh- okay." ano ba to! I was planning not to talk to him anymore pero bat di ko magawa? Tsk!



Nagheat na ako ng food at nagtimpla ng coffee para sakanya, pasalamat sya at natutunan ko to sa cooking class namin.



Kumain ako at pinanuod lang nya ako. Di na ako nagsalita, same as him. After ko kumain, lumapit ako sa sink para ilagay ang plato ko but then he hugged me again from my back.



"Can you hear my heartbeat?" he said in a husky voice.



I cant! I cant hear it. Masyado malakas yung akin kaya di ko naririnig yung sayo.



"Im sorry. I beg you, wag mo ko pagtabuyan ulit. I cant take it. Hindi kita kayang mawala." kinalas ko yakap nya and I faced him pero pagkaharap ko sakanya, niyakap nanaman nya ako agad. I cant understand him cause I cant see his expression. "I've waited so long for you to love me back, di ko kaya if mawawala ka agad. I know Im stupid for doing that mistake. You can hurt me physically but please.." nararamdaman kong basa na ang balikat ko. He's crying! He is! "dont leave me. I thought iniwan mo na ako kahapon.. Di ko mapapatawad sarili ko pagnangyari yun."



Tinanggal ko pagkakayakap nya sakin at tiningnan sya, magulo ang buhok nya, he looks haggard but still unintentionally handsome, kumikislap pa mata nya due to tears.



"Tama na nga yang drama mo, napahaba na speech mo." I smiled at him as I wipe his tears. It's not the first time a guy had cried for me, I have turned down many guys and I saw them also in tears, but Shin's different. His tears really affects me.


"Does this mean you have forgiven me?" hinawakan nya ang kamay ko na pumupinas sa luha nya.


Tumango ako, then he pulled me for a kiss. It was just a smack pero malaki epekto sakin.


"I dont want you to be my girlfriend." nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Andito kami ngayon sa room nya, inalalayan ko sya dito kasi gumegewang gewang pa sya dahil sa alak. "At alam mo rin bang first time ko uminom?"


Di ko na sya sinagot. Inis nga ako kasi di nya ako maligawan tapos sasabihin pa nyang di nya ako girlfriend?


"Di mo ba itatanong kung bat ayaw kita maging gf?" pinahiga ko sya sa kama nya, napipikit pa sya. He really needs to rest. "Cause ang magsyota, nagbbreak! And I dont want that to happen." bumangon sya at niyakap ako, iiwas ako pero agad nya akong nahuli.


"Shin! Matulog ka na! You're too drunk!"



"Ayaw kong magbreak tayo kaya ayaw kong maging girlfriend kita. Do you get me baby?" pati boses nya lasing. I dont even know if alam nya pinagsasabi nya, if nanaginip lang sya at nagsasalita. "That's why I want to call ourselves as lovers. Cause lovers love each other with no intention of staying away with another. Ganun kita kamahal. Ganun ko ka mahal si Dannica Kathrine Thompson."


Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Bakit ganto sya? Kahit lasing eh pinapakilig ako. He's drunk at paglasing daw ang tao, nagsasabi ito ng totoo. Does his feelings are really true. Mahal nya talaga ako?


After saying that to me, nakatulog syang nakayakap sakin. And that night, I took care of him. Kumuha ako ng gamot sa hangover. Nilagay ko sa gilid ng bed nya with a milk. First time ko rin gumamit ng stickynote and I wrote a note on it.


Message:
Baby, since it's your first time to be drunk, it may also be the first time na magkahangover ka. Drink this medicine and milk to ease your headache. Dont drink again 'kay? I hate drunkards.
PS. Dont worry, last night was not a dream. I've forgiven you and I promised not to leave you.
-Lovelots, Baby :)



I guess, it's my turn para pakiligin sya. Im excited na mabasa nya ang note paggising nya.

The Mean Maid (Under editing process)Where stories live. Discover now