Chapter forty [Threats]

4K 41 2
                                    

A/N: Yaaay! Gusto ko lumundag, tumalon, humiga, magroll at magbunyi dahil naka chap 40 na ako. *u* Feeling ko anlayo na ng narating ko. Salamat sa support ng mga readers. ;D Napabilis ba update ko? Gusto ko na kasing tapusin to dahil may bagong story ako na me connection dito.

Chapter 40
Threats



"Wait? Am I hallucinating?" confused na confused parin ako sa ang nangyayari. Namamalik mata ba ako? Bakit dalawa ang Shin dito? Bakit magkamukha sila?


"Hey Wain bro!" tumayo ang isang Shin mula sa pagkakayakap kay Yuni at agad yinakap ang isa pang Shin na nakatayo. Di talaga ako makapaniwala, kinusot kusot ko pa mata ko.


"Haha! Kapatid! Di ka na baduy! Nagbago ka na! Hahahahahah!" patuloy parin sa paghalakhak yung isang Shin. Wala na talaga akong maintindihan sa pangyayari. Nakatingin lang ako sa kanila habang sinosolve ang isang geometry question sa utak ko.


Napalingon sa banda ko yung isang Shin, yung nakapolo na walang red na dye sa hair nya. "May Chicks pala dito sa bahay. Di nyo naman sinabi agad, di tuloy ako nakapunta agad dito." pagkasabi niya nun, kinindatan pa ako. Humyghaad! Pamilyar sakin ang kindat na yun!


"He's taken Kuya! She is bro's!" napalingon ako kay Yuni. Ano daw?


"Hi Miss. Im Rain Tejano.." tapos naglahad sya ng kamay na di ko alam kung tatanggapin ko. And thanks to the other Shin, kinuha ang kamay nung Rain ba yun?


"He's my twin." sabi nung si Shin.


"Wait? Sino ba sainyo si Shin?" yun lang ang mga lumabas sa bibig ko. Paano nangyari yun? Bakit may kambal si Shin? Bakit di ko yun alam? Bakit ngayon ko lang sya nakita?


"Sino si Shin?" tanong nung isa pang Shin. Feeling ko mababaliw na ako  sa confusion..


"Ako." sagot nung isa.


"huh? Kelan pa naging Shin ang pangalan mo Wain?" sambit pa nung isa. Siguro, medyo na nasosolve yung geometry question sa utak ko pero di ko pa makuha kuha ang final answer.


"Kath." lumingon sakin si Shin. Now I know, siya si Shin. At ang kakambal nya itong isa. "This is Rain, and as I say.. He's my twin." lumingon sya kay Rain. "And bro, off limits ka sakanya."



__
Ihahatid ako ngayon ni Shin papuntang School. Clear na sakin ang lahat. Umuwi na rin naman yung kambal ni Shin. 1week na pala yun dito kaso di umuuwi at sa hotel daw nagstay. Kung alam lang daw nyang me babae sa bahay nila eh di na daw sya naggala.



"Si Kuya Ryu, may sariling pamilya na. Si Rain, sa lola namin nagsstay. Kami lang ni Yuni natira sa bahay. Watak watak kami, result na rin siguro ng pagkawala ng presense ng magulang namin." pageexplain ni Shin. Nakasakay kami ngayon sa RED PORSCHE nya. Yung yellow pala., sa kakambal pala nya. At si Rain pala yung nakita kong me kahalikan sa sasakyan. Napagkamalan kong si Shin. Medyo nahiya ako sa sarili ko nang marealize ko ang thought na yun. Pero bat nga ba ako magagalit kung si Shin nga yun? Err!



(A/N: Si Rain, is character ko rin sa isang deleted story ko. Kelangan ko lang talaga isingit dito dahil may contribution si Dannica at Shin sa story nya. Muwahaha. :D)


Dumeretso muna ako sa locker ko para kunin yung mga ibang libro ko dun, pagkabukas ko.. May nahulog agad na letter. I just rolled my eyes when I saw it. Another threat again. Lagi naman ako nakakarecieve ng ganyan. Sa sama ata ng ugali ko sa school na 'to eh ang dami kong haters. Pinulot ko to saka sana itatapon ng may mapansin ako sa sulat. Kinuha ko to at binasa.

Note:
YOUR SECRET IS NO LONGER A SECRET! You b1tch! Oops.. Bastard pala! Anak sa labas ng malandi nyang ina!


Pinagpawisan agad ako ng malamig nang mabasa ko yun, bigla nanginig ang kamay ko. Sino to? Pano nya nalaman. Si Rihana ba? Imposseble. Wala syang alam! Pero sino to?


Nagbell na kaya agad ko kinuha ang mga libro ko, binulsa ko ang sulat at nagmadali pumunta sa room. The eff! Ang pinakatatago ko! Ang pinakakinatatakutan kong malaman ng campus namin. No! I still want to be the same Dannica Kathrine Thompson that was looked up to and will always be looked up to!! Sht!


Whole day sa klase, wala akong fucos. Bawat magbubulongan napapaworry ako. Paano kung ako yun? Paano kung alam na pala ng buong campus. Imposible eh. Imposibleng ilaglag ako ni Shin! Arg!


"Hello Shin?" nasa Cr ako ngayon para tawagan si Shin.


"Hello? Napatawag ka baby." pagkarinig ko nun mula sa kabilang linya eh napairap ako.


"Just answer my question directly 'kay?" huminga ako ng malalim. "May napagsabihan ka ba ng sekreto ko?"


"Huh? Bat mo natanong? Bakit ko naman pagsasabi? Wait. May nangyari ba Kath? Are you okay?"


"Im okay. Thanks." binaba ko na ang phone. If hindi si Shin then sino?


"Dannica, you can escape our practice as of now. Wala ka ata sa focus, infact. Memorize mo naman ang steps." sabi nung trainor namin so I hurried to the shower room and to the locker room. Paglabas ko ng locker room, nakasalubong ko agad sina Lionna at Mandy.


"Hey! Di pa ba kayo uuwi?" I asked na medyo kinakabahan pa. What if sila yung me alam. Uh-oh! This is bad.


"Alam na namin ang secret mo." seryosong sabi ni Lionna. Tumibok ng malakas ang puso ko, pinagpawisan ulit ako ng malamig at nanlamig rin ang kamay ko. Oh myghaad! Sila yun! Alam na nila.


"Dannica ya! You're so bad! Bat di mo sinabi?" dugtong ni Mandy. Sa oras na to, halos di na ako makahinga. Mabubunyag na ba secret ko?


The Mean Maid (Under editing process)Where stories live. Discover now