Chapter fourteen [You don't need to leave]

4.4K 57 1
                                    

Chapter fourteen

You don’t need to leave

"Bat ka umiiyak?" Tanong nya na parang nagtataka. Pinunasan ko agad ang luha ko saka nagtaas ng kilay. I have to turn back my poise.

"Pakelam mo, tsk! Umalis ka nga sa harapan ko Jash!" saka ko tinabing yung kamay nyang nakahawak sa balikat ko. Inis pa naman ako sa lalaking to, at ngayon nakita niya ang kahinaan ko.

"Hehe. Eto naman galit agad. (^___^)7" tapos ayan nanaman ang hobby nyang paghawak sa batok na parang nahihiya habang nakasmile. "Nakita kasi kita kanina. Andun kasi ako sa petshop na yun." tapos tinuro nya yung petshop. "Akala ko kasi, di ikaw yung bumaba sa kotse. Ang simple kasi ng suot mo kaya di kita agad nakilala." okay okay! Baka sinasabi nyang wala na akong taste of fashion?

"Pero nilapitan parin kita kaya ito, sure na ako na kaw pala yan. Hehe. Ang cute mo pala pagnakasimple outfit ka lang." (^__^)7

Nagroll eyes nalang ako. "Stop insulting me." sabi ko.

"Oy. Di kita iniinsulto ah. Totoo talaga sinasabi ko." pagdedeny nya tapos biglang kumidlat ulit na nagpagulat sakin.

"Saan pala punta mo?" sabi nya.

"My driver ditched me." I answered.

"Ha? Pano? Sumbong mo sa Daddy mo.. Ipasesanti mo." sabi nya na parang nagulat pa ata sa sitwasyon ko. Tanga ba to? Saan ka makakakita na yung driver ang nagpababa sa amo nya. Ang slow talaga.

"Pwede ba ihatid moko sa bahay ng friend ko? Wala kasi akong masakyan eh." sabi ko na nagpuppy eyes pa. Oh please. Sana pumayag sya.

"Ah eh kaso baka di ka macomfortable sa sasakyan natin." sabi nya.

"It's okay for me." ayun nag pout pa ako. As far as kaya ko, di ako magpplead.

"Uhmm okay? Wait lang ha. Kukunin ko yung sasakyan natin" tapos umalis sya. Ako naman, for the last time nilingon si Dad saka nag utter ng "Bye dad."

Dumating si Jasper na motorbike ang dala. Arg! Pano ako sasakay dito? Kaya pala nagaalinlangan ang loko na to kanina pero wala ng time para magreklamo. Sumakay ako saka sinuot ang helmet.

Kumapit ako kay Jasper, no malice ha! Ayuko lang mahulog at mamatay. Tapos sinabi ko sakanya yung lugar. After a few minutes, dumating na din kami. Tapos nakatingala sya sa bahay.

"Uhh? Is there something wrong about my friend's house?" tanong ko.

"Wala wala." saka umiling.

"Uhm. Dannica. Kung ano man ang iniiyak mo kanina, okay lang yun. Maayos din yang problema mo." sabay ngiti nya kaya ngumiti ako pabalik

Inabot ko naman sakanya ang helmet saka ako nagkiss sa cheeks nya. Namula naman sya. Pero iba eh. Nung si Shin ang nagkiss, kinilabutan ako pero nung ito ang kiniss ko, Okay lang naman.

"It's a thank you kiss, wag ka mag alala.. Walang kapalit yun. Friendly kiss" I smiled again. "Thanks again." then I waved goodbye at umalis na sya, sakto namang pumatak ang ulan. Agad agad ako pumasok, nainis pa nga ako sa guard. Muntik na akong di papasokin.

Pagpasok na pagpasok ko sa sala, nadatnan ko si Shin at Yuni. Nagbabasa lang ng libro si Yuni habang si Shin, nanunuod. I walk pass through them, ayuko ng arguments again. I had enough of this day , ayuko na dagdagan pa.

"So, may boyfriend ka na pala?" biglang sabi ni Shin. Di ko na nilingon at pumasok sa maid quarters. Nakita kong kalat parin ang mga gamit ko, inayos ko naman kasi nagkalat. Sa pagkakaalam ko kasi, apat kami dito. So far, kahapon ako lang ang natulog.

Narinig kong nabuksan yung door at pumasok si Shin, umupo sya sa doubledeck bed sa tabi ko. "Why are you packing your things, hindi ka aalis dito." sabi nya ng mahinahon. Nakakainis talaga. Kanina nagagalit tapos ngayon kinakausap ako? Ang kapal nya ha!

Tinuloy ko lang ang pageempake, hindi naman sa aalis ako, nakakalat lang talaga kaya inaayos ko. Bahala syang mag assume jan.

"Im sorry!" sabi nalang niya. Tsk. Di nya ako makukuha sa mga sorry nya. Ang iwan ako sa daan na kahit ni isang kusing eh wala akong dala? That was inhumane. Isama mo pa yung nakita ko si Dad.

"You dont need to leave." salita lang siya ng salita. Tinanong pa nya sakin kung boyfriend ko ba talaga yung naghatid sakin at bat may pakiss kiss daw sa cheeks pa akong nalalaman. At ewan ko rin pano nya nalaman o nakita yun. Di na lang ako umimik. "Kath, sumagot ka nga!" wala. Deadma ako, tinaasan ko lang sya ng kilay saka kinuha ang towel at pumasok sa CR sa room na yun. Bahala sya sa buhay nya. Basta ako, maliligo ako.

The Mean Maid (Under editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon