Officially Mine

3.8K 67 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit sobra akong apektado sa sulat ni Allison. The letter was full of emotions. Alam kong galing sa puso ang lahat ng isinulat ni Allison. Kaya naman hindi ko pinalampas ang pagkakataon at nagsend ako sakanya ng mensahe through facebook.


Allison,

The moment I accepted my husband again, that's the time I've forgiven you. You don't need to feel sorry. I respect your love for him. Loving him is not forbidden. It's just that.. we're married.


Halos ayaw gumana ng daliri ko dahil namamanhid ito. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to.


I admit. This is beyong awkward! Haha. But, Alli.. we can be friends. You don't have to wait 'til another life. Thank you so much for everything. Dahil sayo, mas naging matatag kami ni Rowel. You're beautiful. Mas maganda ka sakin! Maraming lalaki dyan na alam kong baliw na baliw sayo. You just have to open your heart and give them a shot.

P.S I can't wait to see you. Our house is always open for you. See you soon.

Love,
Kat


"Labas na tayo. Your husband is waiting." Ngisi ni Ate Tel.


Sinabi ko kay Ate Tel na mauna na siya sa labas dahil magbibihis muna ako. Wala akong dalang damit pero nakita ko kaagad ang isang maleta na pamilyar saakin. Dahil saakin talaga ito.


Pinili ko ang dress na manipis lang ang tela at bumagay sa motif ng kasal namin. Kulay sea green ito at above the knee. Kinuha ko din ang floral crown na nasa gilid ng kama at sinuot ito.


Sari saring papuri ang narinig ko sa mga bisita nang makita nila akong lumabas at ngayon ko lang napansin na malapit na kaming dumaong sa isang isla. Akala ko ba ay sa gitna ng dagat lang kami.


"Saan 'to?" Tanong ko kay Rowel.


Ngumisi siya saakin at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. "Sa isla mo."


Nanlaki ang mata ko at hinampas ng mahina ang asawa kong tawa ng tawa. "I was just joking. This is too expensive." Dugtong niya.


Maliit lang ang isla pero sakto lang ito dahil konti lang ang bisita namin. Walang isang daan. Kulay puti ang buhangin at ang lalakaran ko ay petals ulit. Petals. Ito ang naidudulot ng mga cheesy na palabas ngayon.


Binuhat ako ng asawa ko at diniretso sa villa na nasa gitna. Humiyaw ang mga tao at ang mga pinsan ko ay panay ang asar at kantyaw.


"Go easy on her." Patrick.


"Babae naman ang isunod niyo. Waaah." Zii.


"Few rounds would be enough." Ap.


"Iinom pa tayo. Uy!" Renz.


Sinarado niya na ang pinto kaya wala kaming marinig na kahit isang salita galing sa labas. "Nice. Sound proof." Halakhak niya.


Sinuri ko ang kabuuan ng villa at nakitang kumpleto ang kagamitan. May maliit na sala. Kusina. May tv rin dito sa may kwarto at isang banyo.


"Hon.. thank you." Ako na ata ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo. And I couldn't ask for more.


"You deserve everything, hon. And I'm your slave. You're my master now." Halos malunod ako sa titig niya. Those eyes. They're really seductive.


"Can I make you officially mine?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"I'm yours. Matagal na." Taas kilay kong sagot.


"If you say so." Lumapit siya saakin at inangkin ang aking labi.


Why do I have a bad feeling about this? Haha. Mali ata ang sinagot ko. Alam ko na kasi ang pinupunto ng asawa kong gwapo. Hot. Hot. Hot. Hot. Hot. Hot. Nasabi ko na ba ang hot? Basta, sobrang hot ng asawa ko. At akin lang siya.

Married to a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon