Aside from Cheese

2.6K 49 1
                                    

Nang makauwi kami sa bahay ay napangiti ako dahil sa ayos nito. "Si mommy talaga oh." Iling niya habang tinitignan ang dingding na cream ang kulay. Napansin ko din na carpeted ang floors at dumami pa ang appliances namin.


Nakita ko ang maliit na note sa receiving area kaya dinampot ko ito at binasa.


Kat and Rowel,

You two needs help kaya magpapadala ako ng dalawang katulong bukas.

-Mama


"I'll call Mommy. Sasabihin kong wag na silang maghanap." Kinuha niya ang cellphone niya at hinalikan ang noo ko.


Dumiretso ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig habang ang asawa ko ay nakaupo sa single couch at sinandal ang ulo dito. "Are you hungry? Papabili ako kay Jonathan ng pagkain."


Sumilip ako sakanya at naglakad papalapit dito. Kumandong ako kay Rowel at tumango. "What do you want aside from cheese?"


Ngumuso ako dahil natakam nanaman ako sa keso. "Hainanese delight." Matipid na sagot ko at nagpaalam na asawa ko para maligo.


Ang bahay na ito ay binili ni Rowel at ang mga gamit ay puro bigay saamin. From the furnitures to the appliances. Sila mommy at daddy ang nagregalo nito nung kasal namin. Sila Mama at Papa naman ang nag-asikaso ng pagpaparenovate.


Gusto ko pa sanang mahiga sa kama ko pero naala kong may lakad kami ni Syl at Zii. Namiss ko sila at sana magustuhan nila ang pasalubong ko. I have presents for my other cousins too. Naibigay ko na yung kay Renz at Spring kanina sa airport.


I stopped studying because Mama told me to. Pabor naman sakin yun dahil gusto kong hands on ako kay baby pag ipapanganak ko ito.


Patulugin ko kaya ang nga pinsan ko dito mamaya? Tutal wala namang pasok bukas. Papayag siguro sila.


May limang kwarto sa bahay namin at yung dalawa ang nasa baba at ang natitirang tatlo ay sa taas. Nasa taas ang master's bedroom kaya balak ko sanang sa taas nalang din ang magiging kwarto ni baby.


Sinuot ko yung dress na ginawa ni Tita Minda saakin. It's above the knee pero hindi masyadong maikli at showy. Pinagsabihan din nilang bawal muna akong magshorts ng maong dahil masikip daw ito sa tiyan at maiipit ang baby. Kaya naman, to the rescue si Tita Minda at ginawan nila ako ng apat na dress at iba pang comfy wears.


Nilagay ko sa mukha ko yung cream na ginagamit ng girlfriend ni Marco na si Jolina at naglagay ng liptint. Wala namang masama kung mag-aayos ang buntis diba?


Lalo na at isang Del Prado ang asawa ko. Maraming predator na nakapila.


Lumabas na ako sa kwarto namin at narinig ko ang asawa kong may kausap. "Yes. Kakauwi lang din namin. Okay, alright. Okay.. see you Alli."


Nanikip nanaman ang dibdib ko at halos masugat na ang labi ko dahil sa kakakagat nito. "Hon.. maliligo lang ako. They need me in the office."


She needs him and he needs her. Paano naman ako? Kami ng anak niya? Ang unfair naman pero.. okay lang. Para saamin din ito. Buti nga at ako pa ang inuuwian niya eh.

Married to a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon