Abs

3K 59 1
                                    

Nagising ako dahil gumalaw si Rowel at maliwanag na din ang paligid. "Anong oras na?" Tanong ko habang hinihilamos ang mukha ko. Ayoko pang idilat muli ang mata ko dahil nahihiya ako kay Rowel. Alam niyo na.


Nabigla nalang ako nang halikan niya ang labi ko at tumawa. "It's 6:00 hon. I need to go." Dinilat ko na ang mata ko at nakitang nakaboxers lang siya. Abs. Abs. Abs. Abs. Abs. Abs.


"Hon.."


"Ay abs!" Halos manlamig ang buong katawan ko dahil sa salitang nasabi ko. Lamunin na sana ako ng lupa, please.


Gumuhit ang munting ngiti sakanyang mukha at hinawi ang mga takas na buhok ko. "Did you said something hon?" Tanong niya sa mapangasar na tono. Agad akong umiling at tumayo. "Wala ah!" Protesta ko.


Tuluyan siyang tumawa at humakbang papalapit saakin. "Binabalaan kita.."


Huminto siya sa pagtawa at ngayon ay seryoso na ang mukha niya habang papalapit saakin. "Just say it.. and I'll stay." Halos maubos na ang lakas ko kaya napakapit ako sa side table. "Rowel.." Mahinang sambit ko.


Lumunok ako at tumitig sa mata niya. "N-not today." Shit! I want him. I want him so bad! Pero kung tama nga ang hinala ko.. na.. buntis ako, baka mawala ang baby namin.


Huminga siya ng malalim at bakas sa mukha niya ang disappointment. "Alright then." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. "I'll pick you up later?" Tanong niya.


Umiling ako at hinigpitan ko ang yakap ko sakanya. "Papasundo nalang ako kay Marco." Bumitaw na kaming dalawa sa yakapan at nagpaalam na sa isa't-isa.


Magpapasama ako kay Marco sa isang OB GYNE. Sana negative. Oo, gusto kong magkababy pero hindi pa sa ngayon. I'm just nineteen! Ayokong madisappoint ang pamilya ko.


Isang kahihiyan sa Coronel kung maaga akong mabubuntis. I'll be a total failure. Pero kung buntis man ako, hindi ko ito ipapalaglag gaya ng ibang babae. Alam ko namang pananagutan ako ni Rowel. I'm on my legal age. Pwede na kaming magpakasal.


Lumabas na ako at naabutan si Marco na nagluluto. "Asan sila?" Tanong ko sakanya.


Lumingon siya saglit saakinat tinuon ang atensyon niya sa kawali. "Sa labas na daw sila kakain, Kat." Naglakad ako papunta sakanya at kumuha ng dalawang plato, kutsara at tinidor. "Sa resto kana magwork, Marco. You can be our chef." Tatango na sana siya pero sinapak ko ang matigas na braso niya. "Kidding! Coronel ka kaya. Sa company ka magtatrabaho." Ngiti ko at niyakap siya.


"Sorry for being mean. Sorry dahil hinusgahan kita." Tinapik niya ang ulo ko at hinalikan ito. "Naiintindihan naman kita. Okay lang yun Kat. Magkapatid tayo at mahal kita. Hindi ako galit sayo." Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko kaya pinunasan niya ito.


"Don't cry infront of my dish. Baka pumangit ang lasa." Tawa niya. Kinurot ko ang tagiliran niya at ngumuso.


Hinipan niya ang spatula at nilapit sa bibig ko. Hinipan ko din ito at tinikman ang sauce ng dish niya. "Yummm. Gutom na tuloy ako!" Natawa siya at pinatay na ang stove.


Sabay kaming kumain at siya na ang nagligpit. Naligo na ako sa kwarto ko samantalang sa kabilang kwarto siya naligo. Sinuot ko ang miniskirt at cardigan ko dahil ito ang required na isuot namin habang wala pa yung new batch ng uniform. Bago na kasi ang designs dahil bago na ang designer. Sana si Tita Minda nalang para world class quality. Ang swerte talaga ni Mark at Ate Tel.


Nasa loob na ako ang Hillux ni Marco at inopen ko ang topic. "Marco.. pwede bang pasama mamaya?" Kinabit niya ang seatbelt niya at chineck yung saakin. "Sure." Sabi niya sabay paikot sa manibela.


"Saan naman tayo pupunta?" Lumunok ako ng ilang beses at huminga ng malalim. "Sa OB." Muntik na akong mauntog dahil sa biglaang pagpreno niya. "That bastard." Matigas na pahayag niya at pinaharurot ang sasakyan.

Married to a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon