Be Understanding

2.9K 53 0
                                    

Kakababa lang namin sa eroplano at nakasakay kami sa tricycle na parang jeep. Ang ganda ng Greece!


Tinignan ko ang asawa kong nakashades din gaya ko at nakacamou shorts. He's smoking hot in his white shirt. Bakat kasi ang abs at muscles nito.


Me? I just paired my crop top with black leggings. Ayaw kasi akong pagsuotin ni Rowel ng short shorts.


Nakarating na kami sa tutuluyan namin at napangiti ako.


Gaya ng pinangako ni Mama, nasa taas ito at tanaw na tanaw ang kabuuan ng Santorini Greece. Kulay asul ang dagat at sariwa ang hangin. Katamtaman lang ang temperatura at palakaibigan ang mga tao dahil pag titingin ka sakanila ay ngingiti sila.


Nilapag na namin ang gamit namin sa kwarto at kinuha ko ang wallet ko para makapamili. May ref dito pero syempre, wala pang laman.


Hinawakan ako ni Rowel sa baywang ko at tinapon ang wallet ko sa kama. "Don't insult me hon, please." Sabi niya.


Tumango naman ako at niyakap siya. Habang naglalakad kami, parang nakita ko si Allison. Nagmadali akong pumunta sa may iskinita na pinasukan niya pero walang tao roon. Umiling iling nalang ako at bumulong. "Don't overthink, Kat. Guniguni mo lang yun."


May humawak sa balikat ko kaya nagulat ako. "Wag mo akong iwan. Madapa ka, makakasama kay baby yan." Napangiti ako sa sinabi ng asawa ko at dumiretso lang kami sa maliit na palengke dito. Malayo daw kasi yung parang main mall nila dito at ito ang talagang bilihan nila.


Puro gulay at prutas ang kinuha ko dahil ito ang binilin ni Spring. Bumili din kami ng karne at iba pa para sa hapunan namin mamaya. "Do you have any milk?" Tanong ko sa lalaking nagbebenta. "Yes." Sabay turo niya sa sterilized milk. "That'll be fine. I'll get 1 dozen please." Sabi ko at inabot ang pera ni Rowel.


Tinignan ko siya at nakitang bumili siya ng apat na boteng alak at isang boteng red wine. "Dionysius." Sabay naming sinabi at napatingin yung lalaki. "You're tourist right?" Tanong niya.


Agad akong tumango at sumagot. "We're from the Philippines and we love Greek Gods." Pagmamalaki ko.


"Isodle!" Nakangiting sigaw niya at may babaeng lumapit saamin. Her beauty is beyond compare. Ang ganda niya. Sobra! May parang tiara siya na gawa sa dahon at kapansin pansin ang kwintas niyang kulay berde na kumikinang kinang. "She happens to be the God's favorite." Bulong ng lalaki.


Lumapit si Isodle at nagbow saamin. Nakakalunod ang mata niyang kakulay ng ulap. "Please to meet you." Sabi ko at nagbow din sakanya.


Masayang kakwentuhan si Isodle at hindi siya masyadong nakikihalubilo sa mga taong hindi daw naniniwala sa Greek Gods. Inuwi namin sa bahay ang aming pinamili at inimbitahan namin si Isodle rito. "You just got married right?" Tanong niya.


Tumango naman ako at tumingin kay Rowel na nasa kabilang terrace at may kausap sa phone. "Goddess Hera can help you. She's the goddess of marriage." Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya. "Do you know where her temple is?" Tanong ko.


Gusto kong basbasan ni Hera ang kasal namin dahil gusto kong mapagtibay niya ito. "Ofcourse. I'll take you there if you want." Sabi niya.


Napatili ako at ganon din siya. Lumapit ako kay Rowel at sinabing sasamahan kami ni Isodle sa templo ni Hera pero umiling ito. "You go with her, hon. I'll take a rest." Nawala ang ngiti sa labi ko pero inalala ko ang vow na binitawan ko nung kasal namin. BE UNDERSTANDING, KAT.


Hinalikan ko lang ang labi niya at umalis na kami. I know it's inappropriate to leave him but I need to. This is my dream. For once, I want this to happen. And it feels surreal to see the temple of Goddess of Hera. It's.. breathtaking.

Married to a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon