Emergency

3.4K 58 0
                                    

Kasama ko ngayon si Jolina sa apartment ni Ate Tel. Dito kasi pinadala ni Tita Minda ang gown niya. "You try it." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.


"Ikaw dapat. Gown mo yan, sis." Protesta ko.


"Bawal daw isukat ang gown. Baka hindi matuloy ang kasal."


"Pffft. Kasabihan ng matatanda yan. You have doubts on my brother?" Halakhak ko.


Umiling siya at tumawa. "We have the same size. Sige na, Kat."


Wala akong nagawa kung hindi isukat ang gown. It's beautiful. Perfect ito sa katawan ko at naging mas maganda ang hubog nito.


Dalawang linggo na ang nakalipas at hindi parin kami nag-uusap ni Rowel. Lagi siyang dumadalaw sa bahay at nakikipaglaro kay Jordan pero hindi kami nagpapansinan.


"Krystel.. ayusan natin sa Kat." Nakangising sabi ni Jolina.


"Uy. Ayaw ko. Para naman akong tanga. Nakagown na, nakamake up pa." Tawa ko.


Lumapit si Ate Tel na dala ang make up kit niya at may heels pa! "Isuot mo itong heels." Utos niya.


Inirapan ko sila at isa isang tinuro. "Ang lakas ng trip niyo!" Tawa ko.


Nagtinginan lang sila at sabay na tumawa. "Daldal. Pikit na. Aayusan pa kita." Sabi ni Ate Tel.


Wala akong nagawa kaya sumakay nalang ako sakanila. Wala namang mawawala saakin.


Mahigit isang oras na akong nakaupo at masakit na ang pwet ko. "Matagal pa ba?" Tanong ko sakanila.


"Tapos na! Lipstick nalang." Tili ni Jolina.


"Salamin nga. Titignan ko itsura ko. Sige na."


Hindi nila ako pinansin at tila ba wala silang naririnig. "You look stunning! My goodness, Katrina." Tinaasan ko ng kilay ang pinsan ko at ngumuso. "Ikaw kasi nagmake up kaya mo nasasabi yan." Halakhak ko.


"Tse!"


Pinatayo nila ako at tumakbo silang dalawa sa labas. "Uy! Jolina. Ate Tel..san kayo pupunta?"


Naglakad ako papalabas dahil hindi ako makatakbo dahil sa taas ng heels ko. "Emergency Kat! Si Jordan.." Alalang sabi ni Jolina.


Nanlaki ang mata ko at bumilis ang pintig ng puso ko. "Anong nangyari sa anak ko? Jolina.. Ate Tel.."


Walang sumasagot saakin at sumakay na agad sila sa kotse ni Ate Tel. "We need to hurry." Kalmadong sabi ni Ate Tel at mabilis na pinaandar ang sasakyan.


Kung may nangyari sa anak kong hindi maganda, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Sinama ko nalang sana siya. This is my fault. "Wag kang iiyak, Kat. Sayang ang make up!"


"Ate Tel naman!" Hiyaw ko. "Mas mahalaga pa ba ang make up kaysa sa anak ko?"


"He's fine. Calm down." Sabi ni Jolina.


Huminto na ang sasakyan at bumaba silang dalawa. "Why are we here?" Tanong ko.


Bumaba kami sa.. saan ba ito? Pier? Maraming yate at tanaw na tanaw ko ang anak ko na hawak ng isang lalaking nakaitim.


Namutla ako sa nakikita ko. Puro bulaklak ang nakapalibot sa bawat yate at may red carpet pa ang daanan. Hinampas ko ng mahina ang pinsan ko at si Jolina. "Walang hiya kayo!" Tawa ko.


Biglang dumaloy ang luha sa pisngi ko at niyakap ako ng dalawa. "Buti nalang pala waterproof ang nilagay ko." Tawa niya.


Tinanggal nila ang tshirt at pantalon nila at nakitang terno sila ng suot. They're wearing a gown. Moss green ang kulay nito at ganoon din ang kay Jourdanne na dalang boquet. "Surprise!" Bati niya at inabot ito saakin.


"I hate you! Kayong tatlo." Tumawa sila at naunang naglakad.


Tinahak ko ang tulay bago makapunta sa yate kung saan nandon ang mga pinsan ko, magulang ko, buong pamilya ko, pamilya niya, si Jordan at si Rowel.


Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Seeing the one I love.. oh man! I couldn't believe it. Para bang bumalik ako sa pagkabata at muli akong naniniwala sa fairy tales at happily ever after.


Kung isang panaginip ito, sana hindi na ako magising. Sana ganito nalang palagi. Sana totoo ito.

Married to a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon