Kael Jordan Coronel

3.2K 70 8
                                    

Sinilip ko si Jordan sa kwarto niya at nakitang mahimbing na ang tulog nito. Inayos ko ang toy cars niyang nasa tabi at hinalikan ang pisngi niya. "Naglaro ba siya kanina Ate Grace?"


"Opo Mam. Pagod na pagod nga po e. Si Mam Jourdanne kasi binilhan ng maraming laruan." Tumango lang ako at pumunta sa kusina.


"Gutom kayo Mam? May adobo po. Kain muna kayo ni Sir."


Tinawag ko si Jason na busy sa pagpindot sa cellphone niya. "Who's that?" Curious na tanong ko. Baka kasi katext niya nanaman ang mga pinsan ko at kukulitin siyang ipadala saakin si Jordan sa Manila.


"Awww. Clingy kana ngayon beb?" Binato ko ang panyo ko sakanya at kumuha ng plato. "Sira ka talaga!" Tawa ko.


Dalawang taon na akong tinutulungan ni Jason kay Jordan. Siya ang nagbantay saakin nung bagong panganak lang ako kahit na sinabi nila Mama at Papa na sila nalang. Minsan nga iniisip ko, kung nauna kaya siya, magiging masaya kami ngayon?


Hindi ko rin kasi maimagine ang buhay ko na kasama siya. I can't picture my future with him. Pero si Rowel, he's always in my future.


"Ipapasyal ba natin si Jordan bukas?"


Umiling ako. "Uuwi ka, diba? Don't tell me dito ka nanaman matutulog?"


Ngumuso siya saakin at sumubo ng kanin. "Namiss ko si Jordan. Hindi ko matitiis na kayo lang ang magsasama. Paano naman ako? Share tayo kay Jordan diba?" Tawa niya.


"Kumain kana nga lang."


Nagtext ang mga pinsan ko at sinabing pupunta sila dito pag Thursday. Mas spoiled ang anak ko sakanila kaysa saakin. They've been giving him different kinds of chocolates dahil paborito nga niya ito. Chocolates. Hindi yan kakain ng breakfast, lunch at dinner kung walang tsokolate sa mesa. Yes, he's weird. Hindi ko nga alam kung kanino niya ito namana.


Naghugas ako ng kamay at tumakbo papuntang kwarto nang marinig ko siyang umiyak. "Jordan, mommy's here. Mommy's here, baby. Shhh. Stop crying." Pinapatahan ko siya at hinaplos haplos ang likod niya.


My child, you will never be abandoned. No one can hurt you. I will love you wholeheartedly. No halves, no point and no end. I love you so much my Kael Jordan Coronel.

Married to a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon