Out of Stock

2.9K 56 0
                                    

Napasarap ang tulog ko dahil mahigpit ang pagkakayakap ng asawa ko saakin. He buried his head on my neck and I played with his hair. "It's 7:00 already. Bangon na tayo hon." Sabi ko.


Hindi niya pinansin ang sinabi ko at pinatong pa niya ang kanyang binti saakin. Tumawa ako at kinurot ito. "Pasaway!"


Gusto ko pa sanang mahiga at matulog muli pero kumalam na ang sikmura ko at batid ko'y gutom na si baby. "What a nagger." Bulong ko dito. "What?" Kunot noong tanong ng asawa ko.


"Hindi ikaw! Si baby." Sabi ko. "Gutom na e." Tumayo na ako at inipitan ang mahabang buhok ko.


Sumulyap ako kay Rowel at nakitang nakahiga parin ito. Umiling nalang ako at ngumiti.


Dumiretso muna ako sa sala dahil nagkalat ang dalawang throw pillow sa sahig. Kinuha ko ang walis at sinimulang maglinis. Nang hindi ko na nakayanan ang gutom ko, nagpunta na ako sa kusina at uminom ng gatas.


Kinuha ko din ang pasta sa taas ng sink at nagpakulo ng tubig.


Binuksan ko ang ref at sinalubong ng amoy ng keso ang ilong ko. Yummy! Kinuha ko ang lahat ng cheese at tomato sauce. Binuksan ko din ang freezer at nagpasalamat dahil may ham at hotdog. Spaghetti nalang ang gagawin ko.


Bago ko mahiwa ang keso, nagulat ako sa sarili ko nang kumagat ako ng malaking parte dito. At kumagat. Kumagat ulit. Hanggang sa maubos ko yung isang buong kahon.


Kinagat ko ang labi ko at pinigilang kunin muli ang dalawang kahon sa lamesa. "Anong kasalanan ng cheese sayo? Nakakatakot yang tingin mo." Tinignan ko siya ng masama dahil ayaw niyang tumigil sa kakatawa.


Sinamahan niya ako sa kusina at sabay kaming nagligpit pagkatapos. This is our last day at ang gagawin namin ay lilibot muli. May DSLR akong dala at marami na kaming litrato dito pero hindi pa iyon sapat. I want to make new memories with him.


I wore my joggerpants and racerback pero inabot ni Rowel ang sweat shirt kong kulay indigo. "You're showing too much skin." Sabi niya at humakbang na papalabas.


I examined his outfit and I gasped for air. He's breathtaking. Plain navy blue shirt and sport shorts. I laughed because of his sandals. Brown. Hindi ito terno sa sport shorts niyang black pero nadala niya ito dahil sa kanyang mukha. Kahit ata baduy pag sakanya pinasuot magiging trend e.


Nadaanan ko si Isodle na nakaupo sa may duyan sa harap ng bahay niya at may coronang bulaklak nanaman ito sa ulo. I just waved and her and said some things bago kami tumulak sa pupuntahan namin.


Nadaanan ulit namin ang napakagandang dagat sa Santorini at huminto kami saglit para makapagpicture. He just smiled and kissed my neck.


Nang nagyaya na ako paalis ay hinila niya ang palapulsuhan ko ay niyakap ako patalikod. Sinubsob niya ang ulo niya sa leeg ko at nagsalita. "I'm so lucky to have you." Sabi niya.


"Me too." I replied.


I'm lucky that I can give our child a complete and happy family.


While we're walking down, nakita ko nanaman si Allison kaya biglang sumakit ang tiyan ko sa inis. Hindi ko na masisikmura pang makasama siya.


Hinawakan ko ang kamay ng asawa ko at tinuro ang restaurant sa gilid namin. "10 minutes to 11:00. Gutom kana?" May pagtataka sa mukha ni Rowel pero ngumuso lang ako.


"My son is hungry again." Ngisi niya. Kumunot ang noo ko at hinaplos ang tiyan ko habang papasok na kami. "Sinong anghel ang nagsabi sayong lalaki ang anak natin?" Protesta ko.


Wala namang kaso saakin kung lalaki ba o babae ang anak namin. Ang mahalaga, malusog ko itong ipanganak. I have many plans for our child and I'll make sure no one can hurt him or her.


"Pan seared venison, please." Sabi ni Rowel sa waiter. Tumingin ito saakin at tinuro ang dish na gusto ko. "Grilled swordfish with chickpeas and tomato." Bago pa makaalis ang kumuha ng order namin ay may pahabol ako. "I'll have extra cheese for my husband's venison please."


Walang cheese yung order ko at pakiramdam ko ay hindi ako makukuntento dito. Tinignan lang ako ni Rowel na may amusement sakanyang mukha at ngumisi. "Seems like cheese will be out of stock when we'll come back in the Philippines."


Pumula ang pisngi ko at hindi ako makatingin sakanya. Perks of having a billionaire husband.

Married to a BeastWhere stories live. Discover now