All Yours Honey

4.4K 102 3
                                    

Nagpaalam na kami kay Spring at dumiretso na sa sasakyan ni Renz. Sinabi ko kay Zii na kinuha ni Rowel ang number ko at halos hindi siya makapaniwala. "Did he text you already?"


Umiling ako. "Maybe he's driving."


Tumawa siya at kinuha ang lipstick sa purse niya. "Girlfriend?" Halakhak niya.


Tinaasan ko siya ng kilay at umubo. "He isn't courting me."


"And if he will?" Sabi niya sa mapang-asar na tono.


"Impossible." Sagot ko.


Sa buong byahe, si Rowel ang topic namin pero hindi ito masundan ni Renz. He is referring to him as dummy. So mean for calling Rowel dummy!


Hinatid kami ni Renz sa apartment ni Ate Krystel at naabutan namin si Mark sa labas at mukhang paalis na. "Gabi kana umuwi! Or Monday nalang. It's Friday, so it's party day." Sabi ni Zii sakanya.


Umiling siya at tumingin sa pintuan. "Ate won't let me. Wala ng tao sa bahay for 2 days. I need to go home."


Tumawa si Ate Krystel at umakbay kay Mark. "Ingat sa daan." Panunukso niya.


Nagpaalam na kami kay Mark at pumasok sa apartment ni Ate Tel.


"My co-models aren't here. May party kasi mamaya sa Alpha Lounge. Join us, okay?" Sabi niya.


Nagtinginan kami si Zii at umupo sa kulay brown na couch. "We'll go. But we'll stay with Kuya Patrick and Kuya Renz." Sabi ni Zii.


Tumango si Ate Tel at pumunta sa kusina. Bumalik siya na may dalawang baso sa kamay na may lamang orange juice. "Thanks!" Sabi ko at uminom.


Halos malaglag ang baso dahil nagflash sa screen ang isang unknown number at malakas ang loob kong si Rowel ito.


From: Unknown Number

Let's meet tonight. Alpha Lounge at 8:00. I'll wait, honey.


Kinagat ko ang labi ko at biglang nagsalita si Zii. "Nagtext na si Rowel?" Tili niya.


Tumango ako at nagsalita naman si Ate Tel. "Del Prado?"


Ngumiti ako ng napakatamis pero kumunot ang noo niya. "Don't fall for his trap. Masasaktan ka lang, Kat."


I know she's just concern for me but this is my life. Ngayon lang ako magiging masaya ulit and I want to give my love life a shot.


"I won't." Sabi ko sa matigas na ingles.


Ate Tel drove us to our condo at wala kaming ginawa ni Zii kundi matulog. Alas syete na at kakatapos lang naming naligo at kumain. "Nasa baba na si Patrick." Sabi ko sakanya habang binabasa ang maikling text ng Kuya niya.


Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin at napangiti ako dahil sa nakikita ko. "That smile is new." Bigkas ko sa hangin.


Agad na kaming bumaba at sumakay sa sasakyan ni Patrick dahil baka ma-late ako sa usapan namin ni Rowel. Pagkarating namin sa Alpha Lounge, agad kong nahagip ang gwapong nilalang na ito na may kasamang grupo ng babae sa pangunguna ni Jelly Ramos.


Maglalakad na sana ako papalayo pero nahagip ng mata niya ang direksyon ko at napatingin din si Jelly. Umirap ako sa kawalan at hinawakan si Zii. "Let's find a seat. Mukhang sainyo nalang ako sasama." Mapait na sabi ko.


Sinigaw niya ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. Enjoy your company with an actress, Rowel. I'm just a nobody compared to all of them.


Kumaway si Ate Tel pero napawi ang ngiti niya nang makita si Rowel na nasa tabi ko na pala. "Let's talk. Outside."


Tumawa ako ng mahina. "There's nothing to talk about." Naglakad ako sa table nila Ate Tel kung nasaan nandon ang mga pamilyar na modelo. Naglahad ng kamay saakin ang isang lalaking modelo. Inangat ko ang aking kamay pero agad itong hinablot ni Rowel. "Easy, honey. You're mine. I don't share."


Hinila niya ako papalayo sakanila at walang nagawa ang mga pinsan ko. Halos nahirapan kaming makalabas dahil marami ang sumasayaw sa dancefloor. "What now?!" Sigaw ko.


"Are you mad because of Jelly?"


Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Is it that obvious? "No." Mabilis na sagot ko.


"Well, I'm mad. I'm mad because you just walked out and it seems you're so charitable to give me to Jelly."


Umirap ako at tinuro ko siya. "You don't know what you're talking about." Lumapit ako sakanya at tinignan ang mapungay niyang mata. "You're not mine, I'm not yours. And I'm not charitable either. I am selfish." Tumalikod na ako pero hinawakan niya ako sa baywang at pinaikot.


Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ang pagdampi ng malambot na bagay sa aking labi. Napapikit ako at hinawakan ko ang batok niya. Binuksan ko ang bibig ko dahil kanina pa siya naghahanap ng daan papasok. Oh God! When did I become easy to get huh?


"Are you mine?" Sabi niya.


Hinabol ko ang hininga ko at sumagot. "All yours, honey."

Every bit of me belongs to him and him alone. Just like how Tinkerbell is devoted to Peter Pan.

Married to a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon