My Son

3.5K 75 0
                                    

Mahigit isang buwan na ang nakalipas at diretso parin ang panliligaw ni Rowel. Oo, pinayagan ko siya. Hindi narin namin tinuloy ang annulment at kampante na ang loob ko dahil tumigil na siya sa pambababae.


I heard from my other friends that she's in Germany. Masyado nga siguro siyang nasaktan sa nangyari. I feel sorry for her kahit na grabe ang ginawa nila saakin. Though she didn't asked for forgiveness, I forgive her.


(Mam.. anong oras po kayo uuwi?)


"Nandyan na ako ng 7:00 Ate. Late na akong nagising kaya susulitin ko na ang pagjojog."


Linggo ngayon at mamaya siguro ay pupunta kami ng mga pinsan ko sa Baclaran. (May bisita po kayo Mam. Lalaki po.)


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sana mali ang naiisip ko. Imposible. "Sino daw Ate? Bakit kayo nagpapasok?!"


(Kaibigan niyo daw Mam. Kamukhang kamukha siya ni..)


Pinatay ko ang tawag at sumakay na ako ng taxi. Shit! Shit! Shit! Bakit ngayon pa?


Nagbayad na ako sa driver at bumungad nga saakin ang sasakyan ni Rowel. Hindi na ako nag-abala pang kumatok dahil alam kong nakabukas ito.


There I saw my son.. with his Dad. They're playing together. Ngunit ang seryosong mukha ni Rowel ang nagpakaba ng lubos saakin.


"Mommy!" Tawag ng anak ko saakin at nagmadaling bumaba sa couch. Inalalayan siya ni Rowel pero agad naman niyang tinanggal ang kamay ng Ama.


"J-jordan..baby. Are you h-hungry?" Halos hindi ako makapagsalita ng maayos dahil sa titig niya.


"Let's play.. mommy. I want to play with you." Sabi niya.


Tinaas niya ang dalawang kamay niya at alam ko na agad ang gustong mangyari ng anak ko. "Sure baby, but.."


"But first your mommy and I needs to talk." Lumapit si Rowel saakin at muling sumulyap sa anak namin.


"Who is he mommy?" Sabay turo sakanya. Lumunok ako ng ilang beses at hindi pinansin ang tanong ng anak ko. "Go to Yaya Grace first baby. We'll play later, alright?"


Ngumuso siya pero agad namang tumango at naglakad papunta kay Ate Grace.


"Wag dito. Sa terrace tayo, please." Nauna akong naglakad sakanya dahil hindi niya kabisado ang bahay. Ngayon lang siya nakapasok dito.


"Why didn't you tell me?!" Galit na pahayag niya.


"I didn't have the courage to tell you. I got scared, Rowel. I'm so sorry."


Tumulo na ang luha kong kanina pa nagbabadya. "Sorry." Ulit ko.


Bakas sa mukha niya ang galit at frustration. "Kailangan mo ba akong parusahan ng ganito?" His voice broke.


"Rowel.. I.."


"Tell me.. is he my, son?"


Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Ofcourse! And he's a living proof." Hysterical kong sabi. "How dare you ask that!"


Sinuklay niya ang buhok niya at ilang beses na nagmura. "I just want to hear it from you. And don't shout! Ako nga ang dapat na nagagalit dito." Kinagat ko ang labi ko. He's right. Tinago ko ang anak niya at masakit ito para sakanya. Hindi ko naisip na ganito pala siya kaapektado.


"What's his name.. please. I want to know his name."


Sumilip ako sa loob at nakita ko ang anak kong tawa ng tawa habang hinahabol ni Ate Grace. "Kael Jordan Coronel."


Nagulat ako sa biglaan niyang paghilamos sa mukha. "Hindi mo siya pinangalan saakin." Matigas na sabi niya.


"Hindi ko kayang ilagay ang Del Prado nung panahong yon. I was so angry at you."


"And I'm so angry at you too. Right now."


Hinawakan ko ang kamay niya. "Kaya nga ako nagsosorry. Sorry na, Rowel."


Umiling lang siya at nilampasan ako. "What's his favorite food by the way?" Tanong niya.


Napangiti ako habang pinupunasan ang natitirang luha sa pisngi ko. "Chocolate. He loves it so much. He can't live without it."


Kumunot ang noo niya. "That's not healthy. You know.."


"Kaya nga nag-improvise kami ni Mama. Personalize ang kinakain niyang tsokolate Rowel. Healthy."


Tumango lang siya at kinuha ang cellphone sa bulsa. "Nate.. no. Hindi ako makakapunta sa meeting. Tell my secretary to cancel all my appointment." Humarap siya saakin at tinuon ang buong atensyon kay Jordan. "I don't know. A week maybe? Basta. May mahalaga akong gagawin. Mas mahalaga sa kahit na ano."


Pinatay niya ito at akmang lalapit ako pero tinaas niya ang kamay niya at sinenyas na sandali lang. "Anthony.. magpaluto ka kay Chef Nico ng pasta. Chocolate pasta. I want shake too. Chocolate. Lahat ng pagkain basta chocolate ang flavor." His lips parted and smiled. "Nah. Sa anak ko." Nakangisi niyang pahayag at nilayo na ang cellphone sa tainga niya.


"Hindi pa tayo okay, Kat. Pagbabayaran ko rin ang ginawa mo. Ikaw naman ang sumuyo saakin ngayon."


With that, umalis na siya at dumiretso sa anak namin. Para akong nabunutan ng malaking tinik. I feel relieved. Para bang nawala lahat ng pasanin ko. Suddenly, I felt alive again.

Married to a BeastWhere stories live. Discover now