Thirty Two

501 17 20
                                    

He didn't say he love me nor fell for me. But now, saying that Im happy is an understatement.

Kulang ang salitang 'masaya' o kahit pa ang masayang-nasaya para ma-describe ang nararamdaman ko ngayon. Para nang masisira ang labi ko sa lapad ng ngiti mula pa kanina.

"Coffee?." umupo sya sa likuran ko at saka inilapag ang isang tasa ng kape na hiningi ko sa kanya kanina. Inisip ko kasing inaantok lang ako kaya kung anu-ano na ang naririnig kong sinasabi nya sa akin.

Humarap ako sa kanya para titigan syang mabuti. Nope,Hannah, you are not sleepy at all. Adam is real.

Kinuha ko ang tasa ng kape at hinipan ito bago inumin. Nanatili ang mga mata ko sa kanya na nakangiti lang sa akin habang umiinom ako.

There is something about the way he look at me that changed. Those eyes screams happiness and God knows how beautiful they are to look at.

Siguro kung may artistic side lang ako ay naipinta ko na ang magagandang mata ni Adam para palagi ko itong makita. Ngayon ko lang na-realize ang brownish nitong kulay na nagco-compliment pa lalo sa kanyang balat.

"May dumi ako sa mukha?." lalo akong nangiti nang makitang namula ang mga pisngi nya. Wala syang ideya kung gaano kalakas ang kabog ng dibdib ko ngayon dahil sa simpleng mga sinabi at reaksyon ng kanyang katawan.

Para akong bumalik 'nong mga panahon na una ko palang syang nakilala at nagustuhan. Same boy but different feeling,just like what they say. The feelings I have for him is too much now, it has taken both of my mind and body. And Im not complaining anything about it because loving him is something that I want to do every single day.

"Wala. Wala talaga." narinig ko ang pagtawa nya bago ipilupot ang kanyang mga braso at pa ang sarili sa akin. Sabay naming tinignan ang traffic sa labas ng kanyang condo na para bang ito ang pinaka magandang bagay na maipagmamalaki ng Pilipinas.

"Hannah." bakit ganda ng pangalan ko kapag binabanggit nya?Dati,ayoko nito dahil babaeng-babae ang tunog. Pero ngayon,kahit ata tawagin nya ako ng ganito araw-araw, matutuwa pa ako.

"Pwede mo bang banggitin yung buong pangalan ko?." hiling ko sa kanya. Hindi sya sumagot pero naramdaman ko ang paglapat ng ulo nya sa balikat ko.

"Hannah Denise Aguirre." I giggle. Now, I love my whole name too.

"Pinaglalaruan mo na ako. What's happening to you."

"Last na talaga. Promise." nag-isip ako ng salita o bagay o kung ano pa man na ayaw na ayaw ko. "Ah! Pwede mo bang sabihin yung 'ampalaya'?." tumingin ako sa kanya at takang-taka ito sa akin.

"Ampalaya?." ukinam,paborito ko na ang ampalaya ngayon. Kakainin ko na din araw-araw.

Ang dami kong gustong itanong at sabihin sa kanya ngayon. Ang dami kong gustong i-klaro pero masyadong occupied ang utak ko dahil sa mga sinabi nya kanina. Masyadong overwhelming lahat. Na kahit pag-akap nya sa akin ngayon ay malaking bagay na.

"Are you staying here again all night?." his voice was hopeful.

"Hindi. Abuso ka na po."

"Ah,baka lang naman lumusot." mas siniksik pa nya ang sarili sa akin. Inamoy nya ang buhok ko bago ito halikan. "Pwede ba akong magtanong?."

"Anything except Economics."

"Anong nagustuhan mo sa akin dati?. Aside sa looks, given na kasi 'yon. Ano pa yung iba?." kamuntikan ko nang mabuga ang kape na iniinom ko dahil sa tanong nya.

"Wow. Just...wow." tumawa ako at tinignan sya na nakangisi. Nakakainis. "Kailan ka pa natutong maging mayabang tungkol sa itsura mo?." umiling ako.

EndlesslyWhere stories live. Discover now